Chapter 36:

53 2 0
                                    

It's been 1 month already when I almost decided to end my relastionship with Ryle.

I'm glad Ryle didn't give up on me that day. Habang tumatagal mas narerealize kong hindi ko talaga kayang mawala sakin si Ryle.

Wala pading araw na hindi kami nagtatalo ni Mommy about kay Ryle pero lagi kong sinasabi sa kanya na wala akong planong magpakasal sa iba kung hindi rin naman si Ryle yon.

Our first anniversarry will be tomorrow, Ryle and I decided to celebrate on Zambales.

"Mahal, Sure ka bang papayagan ka nang parents mo mag-zambales?" tanong niya. "Lalo na ako ang kasama mo,"

Naka-set na ang pagpunta namin sa Zambales at nakapagpareserve narin kami kahit hindi pa ako nakakapagpaalam kela Mommy. Actually, Hindi ko kasi alam kung paano magpapaalam sa kanila.

"Ako nang bahala," ani ko.

Tumingin siya sa orasan niya sa kamay habang nagmamaneho.

"Papaalam kita sa parents mo," aniya.

Umiling ako sa kanya. "That's not a good idea Ryle,"

"Ipagpapaalam kita sa parents mo Shaina and that's final!"

Bumuntong-hininga ako at hindi na ako umapela pa. Knowing Ryle, Sa oras na sabihin niya yan ay gagawin niya talaga yan.

Pagdating namin sa bahay ay kasalukuyan naring kumakain sila sa hapagkainan.

"Ya, Padagdag po nang plates para samin ni Ryle," ani ko.

Ngumiti nalang ako kela Kuya na nakatingin samin.

"Hmm... Gusto ko lang po sanang ipagpaalam si Shaina sainyo," wika ni Ryle.

Walang kumibo kay Ryle at ni hindo rin siya binigyan pansin nila Daddy.

"Anong meron Bro? San mo siya dadalhin?" singgit ni Kuya Jasper.

"Pupunta sana kaming Zambales tomorrow para icelebrate ang anniversarry namin,"

Napalingon naman ako kay Mommy nang binitawan niya ang kubyertos.

"Bakit pa? Maghihiwalay rin naman kayo diba Nicole?" sarkastik na wika ni Mommy.

Nilingon naman ako ni Ryle kaya nakaramdam naman ako nang takot na baka magduda siya sakin.

"Samin ni Jupiter walang problem kung mag-Zambales kayo... Para naman makapagrelax ang kapatid ko," biglang singgit ni Kuya Jasper.

Tinignan ko naman si Daddy na nakatingin sakin.

"Pumapayag ako," ani Daddy.

Napangiti ako sa kanya. "Talaga po Daddy?"

"George! You can't trust your daughter with that guy!" turo niya kay Ryle.

Hinawakan ko ang kamay ni Ryle na nasa ilalim nang hapagkainan. Tumingin naman siya sakin at ngumiti nang tipid.

"Alam mo Nicole kung gusto mong mag-Zambales, I'll talk Drake and he'll be with you to go there," wika ni Mommy. "Diba mas maganda yun lalo na siya naman ang mapapa----"

"Estella! Please, Stop it! Nasa hapagkainan tayo kaya wag mo nang sirain 'to... Hayaan mo namang makapag-relax ang anak mo," putol sa kanya ni Daddy.

"Whatever!" irap ni Mommy.

Umiling nalang ako saka binigyan nang pagkain si Ryle.

"Ako na mahal..." aniya.

Nginitian ko siya. "Gusto lang kitang pagsilbihan Ryle,"

Love Series 2: Complicatedly InloveWhere stories live. Discover now