Chapter 26:

35 2 0
                                    


Pababa ako ng marinig ko si Mommy na may kinakausap kaya binilisan ko para makita.

Nakita ko si Mommy na nakatayo habang si Ryle ay nakaupo sa sala namin.

"Hindi ka padin sumusuko sa anak ko? If I were you ay tigilan mo na kasi ikakas------"

"Mom!" tawag ko sa kanya.

Binilisan ko ang paglapit kay Ryle saka hinawakan siya sa kamay.

"Kung wala ka pong sasabihing maganda kay Ryle ay mas magandang wag niyo nalang po kausapin," wika ko. "Excuse me po, Aalis na kami..."

Hinatak ko na palabas ng bahay si Ryle para makaalis dito. I don't want to stay here anymore.

"Magkaaway kayo ni Mommy mo?" tanong niya ng makapasok siya sa driver seat.

"We'll never be okay as long as she didn't accept our relationship..."

Hindi nalang kumibo si Ryle saka magmaneho na pa aalis dito. Bumuntong-hininga naman ako saka tumingin sa labas nang sasakyan.

"Sabi ni Cassie magkaiba raw ang time nang graduation praktis natin ah?" wika niya.

Tumango lang ako habang nakatingin sa labas. Pagdating namin sa university ay nakita ko na ang mga kaibigan naming nag-aantay samin.

"Are we okay?" tanong niya.

"Oo." Lumabas na ako saka dumiretso sa mga kaibigan namin.

Nakatingin naman sakin sila Cassie pero binigyan ko lang sila nang tipid na ngiti.

"I think we are not okay!" madiing wika ni Ryle sa likod ko. "Kanina ka pa hindi nagsasalita, Puro tango lang ginagawa mo... Umiiyak ka kagabi nung tinawag mo ako. Anong meron?"

"Ano bang sinasabi mo Ryle? Wala nga... I'm not in a mood,"

Tinignan niya naman ang mga mata ko. "Gusto ko sabihin mo sakin kapag may problema ka. Ayokong naglilihim ka sakin, Okay?"

Sana nga ganon lang kadaling sabihin sayo Ryle. Sana hindi ka masasaktan sa oras na malaman mong ikakasal ako sa iba.

"I'll tell you if I have a problem mahal... I'm sorry if you think that we're not okay,"

Hinawakan niya naman ang kamay ko saka inalalayan na papasok nang univeristy.

Narinig naman naming tinatawag na ang course namin para sa practice namin. Hinatid naman ako ni Ryle sa gymnasium kasama sila Sandrei.

"Hindi mo padin sinasabi sa kanya?" tanong ni Tiffany nang makapasok sa loob.

"I can't do that... Ryle will get hurt once he knew about me having a fiance,"

"Paano kapag nalaman ni Ryle ang katotohanan sa ibang tao?" singgit naman ni Cassie.

Nagkibit-balikat nalang ako saka nakinig nalang sa mga admin na nagtuturo samin.

Buong practice ay wala ako sa sarili ko. Natatakot akong malaman ni Ryle ang tungkol sa ginawa ni Mommy.

Hindi ko na alam kung paano ko tatakasan ang bagay na yun.

Nang matapos ang practice namin ay sila Ryle naman ang magpapratice. Hinalikan niya lang ako bago pumasok sa gym.

"I love you," aniya.

Ngumiti ako sa kanya. "I love you too!"

Nag-kwentuhan lang kami nila Cassie at pilit kong nilibang ang sarili ko para makalimot sa problema ko.

"Ina,"

Lumingon naman kami sa pinanggalingan ng boses.

Napakunot ako ng makita ko si Iwona. Himala, Nilapitan niya ako.

Love Series 2: Complicatedly InloveWhere stories live. Discover now