Chapter 15:

42 1 9
                                    

Ilang beses akong nagpasintabi sa kanya pero hindi siya umaalis sa daanan kaya mas lalo akong kinabahan dahil may ibang emosyon akong nakikita sa mga mata niya.

"Please, Mr. I said excuse me!" Tulak ko sa kanya.

"Bakit ba masyado kang nagmamadali? I just want to talk to you," nakangisi niyang wika.

"Sure, We can talk! Infront of my friends and my boyfriend," ani ko.

Nung nagawa ko siyang matulak ay maglalakad na sana ako nang hinawakan niya ang braso ko.

"Ano ba, Let me go!" sigaw ko. Ayaw niya akong bitawan saka pilit na hinihila papasok nang cr uli.

"We'll talk inside the restroom!" Hatak niya sakin.

"No!" sigaw ko. "Ryleeeeee!"

Bigla niyang tinakpan ang bibig ko saka pilit akong pinapasok sa cr pero bago pa niya magawa yun ay nakita ko si Tiffany na pumasok sa kusina.

Nagulat siya pero mabilis naman siyang lumabas para siguro humingi nang tulong.

Naramdaman ko naman ang labi niya sa leeg ko habang hawak nang mahigpit ang kamay ko at ang isa ay nakatakip sa bibig ko.

"Hmm....."hagulgol ko.

Kahit anong gawin ko hindi ako makapalag dahil sinigurado niyang hindi ako makakakilos.

Ryle, Please help me! Tulungan mo ako mahal...

Napadilat nalang ako nang makarinig ako nang sigawan saka ang yakap ng mga kaibigan ko sakin.

"Shh.... We're here na," pagpapatahan ni Cassie.

Iyak lang ako nang iyak nang marealize ko kung anong pwedeng mangyari.

"Si Ryle?" tanong ko.

"Nandoon-----"

"Bro, Tama na! Ryle  tama na mapapatay mo na yan!" rinig kong sigaw ni Ulysses.

Dali-dali naman akong lumabas kaya naabutan kong patuloy na pagsuntok ni Ryle sa lalaki kahit pinipigilan na ng mga ka-team mates at magulang ni Sandrei.

Tumakbo naman ako palapit kay Ryle saka hinahatak ang braso niya.

"Ryle, Please stop it!" ani ko. "Mahal please...."

Hawak siya nila Ulysses habang yakap ko siya. Lumipat naman ako sa harap niya saka hinaplos ang braso niya.

"Please, Huminahon kana mahal..." ani ko.

Madilim padin ang itsura ni Ryle habang humahangos sa galit.

"Pre, Pasensya na... Hindi ko alam na gagawin ito nang pinsan ko sa girlfriend mo," wika nang team mate niya.

"Pasensya? Tang ina mo! Bakit mo dinala yan dito kung alam mong manyak pala yan!" sigaw ni Ryle. "Ano, May plano ka din ba sa girlfriend ko ha? Type mo si Shaina?"

Napatili ako nang nagawa ni Ryle bumitaw sa mga kaibigan namin saka kwinelyuhan yung pinsan nung manyak.

"Ryle----"

"Pre, Wala akong gusto kay Shaina... Alam ko na off limits sila," pagpuputol niya sakin.

"Tandaan mo 'to, Ipapakulong ko yang pinsan mo at sisiguraduhin kong mabubulok siya sa kulungan dahil sa ginawa niya sa girlfriend ko!" Panduduro ni Ryle sa kanya.

Hinawakan ko sa dibdib si Ryle para mapakalma na siya.

"Umalis na muna kayo!" malamig na wika ni Sandrei. "Mag-usap tayo bukas at ayokong pag-usapan niyo ito sa university,"

Nagpaalam na silang lahat at humingi rin nang pasensya sakin yung pinsan nang nambastos sakin.

"Beb, Are you really okay?" nag-aalalang wika nila Tiffany.

Inabutan naman ako nang tubig ni Tita Ellie. "Thank you po Tita,"

"I'm sorry..."paghingi nang tawad ni Ryle.

Napakunot naman ang noo ko sa kanya. "Sorry for what? Why are you saying sorry?"

"Sorry, I didn't know that this will happen.. Kanina ko pa nahahalata ang pagtingin niya sayo kaya dapat sinamahan na kita," paliwanag niya.

"Don't blame yourself mahal...",

Hinawakan niya ang kamay ko. "Kakausapin ko ang attorney namin para sampahan natin siya nang kaso 'kay?"

"No!" ani ko.

Lahat naman sila napatingin at naguluhan sa sinabi ko.

"What?!" inis niyang wika.

"Wag na tayong magsampa nang kaso Ryle," ani ko.

"At bakit?"

"Beb, Are you serious about that? He deserve it, He should be in prison!" panghihimasok ni Tiffany.

"Ayoko na nang issue... Magiging magulo kapag pinalaki pa natin 'to," paliwanag ko.

"No!" malamig na wika ni Ryle. "Magsasampa ako nang kaso wether you like it or not Shaina Nicole!" dagdag niya pa.

"Ryle, Wag na-----"

"Stop! He almost raped you! Do you hear me? HE ALMOST RAPED YOU!" sigaw ni Ryle.

"You don't understand Ryle... If we do that, Pag-uusapan lang tayo sa university at baka nakakalimutan mo na hindi approved si Mommy sa relasyon natin diba?"

Inantay ko ang sagot niya pero nakatingin lang siya sakin nang malamig.

"Once, My parents knows about this... They surely don't want you for me. Hindi lang si Mommy pati ang mga Kuya at Daddy ko... Iisipin nila na pinabayaan mo ako," dagdag ko.

I'm sure of that. I know how protective my family to me and ayokong mangyari yon.

"Mahal, Sigurado ka ba sa desisyon mong yan kasi ako wala akong paki kung sino ang kakalabanin ko para maprotektahan ka sa lahat," aniya.

Bumuntong-hininga naman ako saka hinawakan ang kamay niya.

"Ryle, Niligtas mo ako kanina and that's enough reason for me to end this issue... You almost killed him too kaya hayaan nanatin 'to please..."

Wala naring nagawa si Ryle sa naging desisyon ko. Sinabihan ko nalang din ang mga kaibigan at parents ni Sandrei na wag nnang ilabas ang nangyari.

"Itext mo ako kapag nakarating kana sa bahay niyo mahal ah?" ani ko pagbaba ko nang sasakyan niya.

"Opo Mahal... I love you!" aniya. "Sure ka bang ayaw mo talagang magsampa nang kaso?"

Hindi ko naman napigilang matawa sa kanya. "We talk about this early mahal kaya wag mo nang ipilit,"

Nagkibit-balikat nalang siya sakin. Pumasok naman na ako sa loob nang bahay.

"Kaya ayoko sa lalaking yan eh. Anong oras ka na nakakauwi," malamog na bungad ni Mommy.

Humalik ako sa pisngi niya bago nagsalita. "Mommy, Walang kasalan si Ryle dito please... Matulog na po ako,"

Pag-akyat ko sa taas ay ginawa ko lang yung mga skincare routine ko bago nahiga sa kama.

Kinabukasan,

Pagbaba ko sa sala ay naabutan ko si Ryle na kausap si Daddy habang nag-aantay sakin.

"Good morning Dad... Mahal," bati ko. "Si Mommy po?"

"May inasikaso lang anak," sagot ni Dad.

Nagpaalam naman na ako sa kanila para pumasok na sa university.

"Tara na Ryle,"

Sumunod narin naman siya sakin pagkatapos magpaalam kay Daddy.

Dahil sa traffic ay nalate na kami sa dating sa university buti nalang mabait ang prof ko kaya pinapasok niya ako sa room.

Bwesit na traffic ito nagkaron pa ako nang record ng late sa subject kong ito.

Love Series 2: Complicatedly InloveWhere stories live. Discover now