Chapter 11:

52 1 1
                                    


"Mahal, Okay kalang ba talaga dito?" wika ni Ryle nung nag-time out sila.

"Ryle, Don't mind me here... Manunuod lang ako nang game," ani ko.

Naputol si Ryle sa sasabihin niya nang mag-ring ang cellphone ko.

"Hello Kuya Jasper,"

[Susunduin ba kita?] aniya mula sa kabilang linya.

Tumingin muna ako kay Ryle na nakatitig sakin. "Hindi na po Kuya... May kasama naman po akong uuwi,"

[Kasama? Okay... Yan ba yung lalaking  sumalubong sayo kanina?]

Bago ako makasagot nang sumigaw ang coach nila Ryle.

"Back to the game, Players!" sigaw nang coach nila.

Tumingin muna ako kay Ryle na inaantay ako. "Sige na, Balik ka na sa game Ryle,"

"I love you!"  aniya.

Ngumiti naman ako sa kanya. Hindi talaga siya umaalis habang hindi ako sumasagot sa kanya.

"I love you too!" ani ko.

Bumalik agad si Ryle sa game nila saka ko nilagay ang cellphone ko sa tainga ko.

[Shaina Nicole! Who's that? Nag-i-i love you ka sa kanya?] matigas na wika ni Kuya.

"Hmm..." ani ko. "Kuya please mamaya nalang tayo mag-usap? I promise, magpapaliwanag po ako sayo. Byeee!"

Pinatay ko naman agad ang tawag niya para hindi niya na ako matanong pa.

Umupo na uli ako sa bleacher kung saan ang dalawang kaibigan ko. Nang matapos ang game ay dumiretso na kaming umalis dahil nga ipapakilala ko si Ryle sa pamilya ko and this time bilang boyfriend ko na.

Sana lang maging okay ang pagpapakilala ko kay Sandrei sa mga kuya ko at matanggap na ni Mommy kung anong meron kami ni Ryle.

"Are you okay?" biglang wika ni Ryle na kinalingon ko.

"Hmm... Yes," ani ko.

"You look nervous kaysa sakin Mahal," natatawang wika niya.

Inirapan ko lang siya sa sinabi niya. Hinawakan niya naman ang kamay ko. "Don't be nervous 'kay? I already met your parents kaya yung mga Kuya mo nalang ang haharapin ko,"

Nginitian ko naman siya saktong huminto ang sasakyan sa harap ng bahay namin.

"Nay Luisa..." ani ko. "Nanjan po ba sila Mommy at Kuya?"

Nginitian niya muna kami ni Ryle bago tumango samin. "Nandon sila sa dining area 'nak. Dumiretso ka na ron,"

Pumasok na kami ni Ryle papunta sa dining area at naabutan ko silang masayang nag-kwekwentuhan.

"Ehem...." Lumingon naman sila sakin saka nalipat ang tingin sa taong nasa likod ko.

Biglang dumilim ang itsura ni Mommy habang sila Kuya ay sumeryoso.

"Good Afternoon po!" bati ni Ryle.

Tumango lang si Daddy  sa kanya saka ngumiti sakin.

"Uhm... Alam ko po kilala niyo na siya Mom at Dad... Gusto ko lang din siya ipakilala kay Kuya Jasper at Kuya Jupiter..." Nilalaro ko ang mga daliri ko habang nagsasalita. Naramdaman ko naman ang kamay ni Ryle na humawak sa baywang ko.

"And This time, I want to introduce Ryle as my boyfriend..." ani ko. "R-Ryle si Kuya Jasper at Kuya Jupiter." Turo ko sa mga kapatid ko.

Nakipagkamay naman sila Kuya kay Ryle kaya medyo nabawasan ang kaba ko sa dibdib.

Love Series 2: Complicatedly InloveWhere stories live. Discover now