Chapter 27:

34 0 0
                                    


"Mahal kausapin mo naman ako oh," aniya. "Wala naman akong sinabing naniniwala ako sa kanya,"

Tinaasan ko siya nang kilay. "Oh, Really?"

Tumango naman siya sakin saka hahawakan sana ang kamay ko kaso nilayo ko sa kanya.

"Gusto mong malaman ang totoo? Yes, I slapped her and that's because she's asking me to set you up a date with her... Pero kung gusto mong makipagdate sa Iwona na yun, Just tell me! I'm gladly to do that," dagdag ko. "For you!"

"Shaina hindi naman ganon!" madiing wika niya. "Ayokong makipagdate sa kanya at hindi ako naniniwalang sinaktan mo siya, I just want you to calm down!"

"Kalmado pa ako 'non Ryle kasi kung hindi baka hindi lang sampal ang nakuha niya sakin,"

Inilingan at inirapan ko siya sa inis ko sa kanya.

"Shaina Nicole, Wag naman nating pag-awayan si Iwona. Hindi mo naman kailangan magalit nang dahil lang sa kanya. Mahal naman oh?"

Bumuntong-hininga nalang ako. Lumapit naman siya sakin saka yinakap nang mahigpit.

"I'm sorry na mahal please.... Mahal na mahal kita eh,"panglalambing niya.

Mas masarap talagang magmahal nang lalaking mas mahal ka. Yung lalaking takot mawala ka ay ang best partner and I'm grateful to have that kind of partner.

"Okay... I'm sorry din," wika ko.

Bumili na sila Ryle ng makakain namin. Nagkwentuhan lang kaming tatlong magkakaibigan habang nag-aantay sa kanila.

"Baliw na baliw si Iwona sa jowa mo kaya lahat gagawin para mapansin lang ni Ryle," biglang wika ni Tiffany.

Umiling nalang ako sa kanila.

"Hayaan niyo na kasi next week naman ay graduate na tayo," singgit ni Cassie.

Ganon na nga ang gagawin ko pero hindi ko masasabi kung palaging ganon kasi hindi ako kasing bait ni Cassie.

Pagdating nila Ryle ay nagsimula na kaming kumain dahil baka biglang pabalikin na sila Ryle sa practice nila nang graduation.

"Ang lapit na nang graduation natin," masayang wika ni Cassie.

"Kaya nga eh. Dati pangarap lang natin na makagraduate nang sabay," sang-ayon ko.

Sinang-ayunan naman nang iba na biglang humalakhak si Tiffany kaya napatingin kami sa kanya.

"Why?" tanong ko.

"Akalain mo yun, Makakagraduate pala si Ulysses," pang-iinis niya. "And for the record, Wala na siyang babae sa tabi niya. Ilang years na ba?"

Tinawanan naman nila Ryle ang kaibigan nila.

"Grabe ka babe! Syempre, I changed for good 'no. I changed for you!" Kindat niya sa kaibigan ko.

"Mandiri ka," wika ni Tiffany.

Napailing nalang ako sa kanilang dalawa. "Kayong dalawa! Mga indenial pa kasi, Halata namang mutual ang feelings."

Inirapan lang ako ni Tiffany saka bumalik sa pagkakain.

"Nga pala, Sa opening nang shop ko punta kayo ha? Wag kayo mawawala," singgit ni Cassie.

"Kailan ba?" excited kong wika.

Nginitian niya naman ako. "Sa sunod na araw. Patapos na siya ngayon,"

Tumango-tango naman ako sa kanya. Akalain mo naman hindi pa gumagraduate ang bestfriend ko pero nagsstart na siyang maabot ang pangarap niya.

"Excited na ko para sayo beb," ani ko.

Hinawakan niya ang kamay namin ni Tiffany. "Thank you for the both of you... No matter what I did, You and Tif are always here for me. To support and guide me,"

Ngumiti ako sa kanya bago nagsalita. "Your always be my best of friends no matter what... Natatandaan mo ba yung pangako natin sa isa't isa nung mga bata pa tayo?"

Tinignan ko silang dalawa ni Tiffany bago pinagpatuloy ang gusto kong sabihin sa kanila.

"Magkakatampuhan, Mag-aaway pero hindi magkakahiwalay. Dahil ang tunay na kaibigan ay walang iwanan," wika ko.

Madami akong nakikilalang bagong kaibigan pero kahit anong mangyayari hindi mababago 'non kung sino talaga ang tunay kong kaibigan.

Indeed, There's so many people that you can be friends but one or two of them will be your best of friends.

"Baka magkaiyakan pa kayo niyan," pang-aasar na putol ni Ulysses. "Tinatawag na kami uli sa gymnasium eh,"

Hinalikan naman ako ni Ryle sa pisngi bago tumayo. "I love you mahal,"

"I love you too mahal!"

Tinignan ko lang siya na naglalakad pa labas nang cafeteria.

"Masaya din ako para sayo na kahit gaano kayo nahihirapan ni Ryle ay lumalaban padin kayo," wika ni Cassie.

"Ganon talaga kapag nagmahal 'no? Magagawa natin yung mga bagay na hindi natin inaasahan," ani ko. "Sino ba makakapagsabi na masasagot ko ang mga magulang ko diba? You know how much I respect my parents. I always obey them. Whatever they say I'll do it because they are my parents. Every decision that they made is only for my sake,"

Kinagat ko yung ibabang labi ko para mapigilan ang luha ko.

"N-Nahirapan ako... Nahirapan akong itago kay Ryle ang tungkol sa arrange marriage ko. I'm scared that he might leave me for this fucking set up!"

Lumipat sa tabi ko si Cassie habang hinawakan naman ni Tiffany ang isang kamay ko.

"Araw-araw. Minu-minuto akong na-sstress sa pag-iisip kung paano makatakas sa lecheng kalokohan ni Mommy," dagdag ko pa.

"Shh... Everything is going to be okay beb. Stop stressing yourself," alo ni Cassie sakin.

"Akala ko si Iwona lang ang epal sa relasyon namin. Buti ka nga si Candice lang yung problema sayo,"

Yinakap lang ako ni Cassie para kumalma. Nagpunta nalang kami sa tambayan para doon antayin ang mga boys.

Hindi ko namalayang naka-idlip ako habang nakayuko sa table. Naramdaman ko nalang na may tumatapik sakin.

"Hmm..."

"Mahal, Gising na!"

Inangat ko naman ang ulo ko saka nakita si Ryle na nasa harapan ko na.

"Tapos na ang graduation practice mo?" wika ko.

Tumango naman siya sakin saka hinawakan ang leeg ko.

"May sakit ka ba? Bakit nakatulog ka dito sa mesa?" tanong niya.

"Wala... Nakaramdam lang ako nang antok," ani ko. "Uwi na tayo?"

Tumayo naman siya saka inalalayan ako papunta sa sasakyan niya.

"Hindi na ako papasok mahal para makapagpahinga ka na at makatulog nang maaga ha?" aniya habang nagmamaneho.

Tumango naman ako sa kanya saka nginitian siya. Pagdating namin sa tapat nang bahay ay hinalikan ko siya sa labi.

"Ingat ka sa pagmamaneho ha? I love you mahal!" wika ko.

"I love you too!"

Pumasok na ako sa bahay saka dumiretso sa kwarto ko nang madaanan ang malaking family picture namin.

Kailan kaya kami babalik sa ganito? Yung walang away, Walang problema. I miss this.

What happened to us? What happened to my family?

Love Series 2: Complicatedly InloveWhere stories live. Discover now