Epilogue:

145 2 3
                                    

Naging magkaibigan kami mula nang lapitan ni Sandrei si Cassie. Noong umpisa naman halatang natipuhan na ni Sandrei si Cassie.

Akala ko hangang kaibigan lang kami ni Shaina dahil alam ko sa sarili kong ayoko pang makipag-relasyon. Hindi ko nakikita ang sarili kong magseryoso sa babae. Hindi naman ako kasing babaero ni Ulysses pero lagi akong may ka-fling kapag nagbabar kaming tatlong magkakaibigan.

Nang maging malapit kami ni Shaina two years ago habang tumatagal mas nakikilala ko siya.

Ibang-Iba siya sa babaeng nakakasalamuha ko at dahil doon hindi ko maiwasang magkagusto sa kanya pero hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa kanya.

Nandito kami ngayon sa gymnasium at inaantay ang pagdating ni Coach. Nakatingin lang ako kay Shaina habang nakikipagusap sa mga kaibigan niya.

"Dude matunaw yan," panunukso ni Ulysses sakin.

Tinaasan ko naman siya nang kilay. "Anong pinagsasabi mo?"

Humalakhak naman silang dalawa ni Sandrei. Kaibigan ko ba talaga ang dalawang ito.

"In denial ka boy?" ngisi ni Ulysses. "Halata namang may gusto ka kay Ina,"

Nagulat naman ako sa sinabi niya. Paano naman nila nalaman yon?

"Hindi mo naman kailangan sabihan pa samin... Bata palang tayo magkakasama na tayo kaya alam na natin ang bawat likaw ng bituka mo," singgit naman ni Sandrei.

Umiling nalang ako sa kanila saka tinignan uli si Shaina na nakangiti na sa mga kaibigan niya.

"Kung ako sayo ligawan mo na dude... Tandaan mo maganda si Ina kaya bakuran mona," ani Ulysses. "Gayahin mo yang si Sandrei oh... Todo bakod kay Cassie,"

Pagkalipas nang ilang araw ay naisipan ko ngang ligawan si Shaina. Naisip ko na hindi ko kayang  mapunta si Shaina sa ibang lalaki.

Naiisip ko palang parang makakapatay na agad ako.

Kasalakuyan kaming nandito sa cafeteria ng magkakaibihan para mag-lunch break.

Pabalik na kami nila Sandrei sa pwesto namin dala ang pagkain namin nang marinig ko ang pangalan ko na binanggit ni Shaina.

"Kasi ako anytime pwede ko nang sagutin si Ryle pero ngayon naisip ko lang naman na kung gusto mo at ni Ryle na maging kami ay dapat mapa-OO ka na ni Sandrei," natatawang wika ni Shaina.

I cleared my throat to get their atention but it seems that they don't  care our presence.

Tahimik kaming kumakaing magbabarkada nang magsalita ako.

"Sandrei...." wika ko.

Napalingon naman silang lahat sakin kaya napangisi ako. "Bilis-bilisan mo ang pagpapa-Oo kay Cassie para naman maging girlfriend ko na si Shaina."

Napangisi rin si Shaina sa sinabi ko saka biningyan nang ngiting pang-asar kay Cassie.

"Please, Ryle don't pressure me." Bulong na wika ni Cassie samin.

Nagkibit-balikat nalang kami ni Shaina.

"Matagal pa yan Bro! Willing pa akong mag-antay kay Sandra," singit naman ni Sandrei samin.

Sumimangot naman ako sa narinig ko kaya lumingon ako kay Shaina na nasa gilid ko.

"Wala akong magagawa jan Ryle."

"Pero Shaina----"

Tinawanan niya naman ako saka pinutol ang ssabihin ko. "Gusto ko lang naman na mas mauna sila satin maging mag-jowa since mas una silang nagligawan,"

Love Series 2: Complicatedly InloveWhere stories live. Discover now