Chapter 4

76 2 1
                                    

Nakatingin lang siya sakin saka inaantay ang sasabihin ko. Napabuntong--hininga naman ako.

"If I tell you that I want to introduce you to my Family. Is it okay with you?" wika ko habang pinaglalaruan ang daliri ko.

Unti-unti namang sumilay ang ngiti niya sa labi. "Of course! Yes it's okay... Gusto ko din namang ligawan ka sa harap nang family mo,"

Nakagat ko naman ang ibabang labi ko dahil sa narinig ko. Ako nalang pala ang inaantay niya.

"Bukas Ryle... After class?"

Tumango siya sakin saka nagpaalam na kaya pumasok narin ako sa loob nang bahay.

"Bakit ngayon ka lang?" striktong tanong ni Mom.

Napatingin naman ako kay Dad pero nagkibit balikat lang siya.

"May pinuntahan lang po kami Mom...."

Tinitigan ako nang maigi ni Mommy kaya ngumiti nalang ako sa kanya bago magpaalam.

"Pahinga na po ako."Hinalikan ko sila ni Daddt saka dumiretso sa taas.

Daddy is always supportive to me while Mom is super strict but I understand since mother always knows best for their children.

Ready ka na ba Shaina na ipakilala si Ryle sa family mo? Matatanggap kaya siya nila Mommy?

Alam kong mag-hyhysterical ang Mommy ko dahil ngayon lang ako nagpaligaw pero katulad nga nang sinabi ko anytime pwede ko nang sagutin si Ryle kaya bago pa mangyari yun ay ipapakilala ko na siya.

Hindi ko namalayang nakatulog na ako sa pag-iisip.

Nagising nalang ako dahil sa araw na tumatama sa mukha ko kaya dumiretso na ako sa bathroom.

After two hours...

"Good morning po Mom, Dad." Halik ko sa pisngi nila.

"Good morning Anak," malambing na bati nang Daddy ko.

Ngumiti ako sa kanya saka kumain na habang sila Mom ay nag-uusap about sa business nila.

"Hmm..." pambabasag ko sa usapan nila. "Busy po ba kayo later?"

Nagkatingin naman sila bago sumagot si Daddy sakin. "Hindi naman why?"

"May gusto lang po ako sa inyong ipakilala mamayang dinner kung okay lang."Nilalaro ko ang mga daliri ko habang nagsasalita dahil kinakabahan ako.

"Sino?" tanong ni Mom.

Kinagat ko yung labi ko kasi parang di ko pa kayang sabihin ngayon. Mabuti nalang nakuha ni Daddy ang gusto kong ipahiwatig.

"Sige... Magpapaluto nalang ako mamayang dinner," wika ni Dad.

Nagpasalamat ako sa kanila bago lumabas nang bahay namin.

"Nay Luisa, Alis na po ako." Ani ko.

Humarap naman sakin si Nay Luisa saka pinunas ang kamay sa damit niya. "Mag-ingat ka Anak,"

Si Nanay Luisa ang matagal nanaming katiwala. Siya ang nagpalaki sakin bukod sa Mommy at Daddy ko kaya sobrang lapit nang loob ko sa kanya.

"Beeeeeeb!" sigaw ni Tiffany na nag-aantay sa parking lot kasama ang mga kaibigan namin. "Wala raw tayong prof,"

"Sayang ang pasok ko," ani ko.

Nakatingin lang sakin si Ryle habang kausap ang mga kaibigan ko. Nginitian ko naman siya.

"May game sila Sandrei... Nood tayo?" wika ni Cassie.

"Himala Cassie, Ikaw pa mismo ang nag-aya?" pang-aasar ko sa kanya.

Love Series 2: Complicatedly InloveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon