Chapter 19:

37 1 0
                                    

Kasalukuyan kaming nasa byahe papunta muna sa bahay nila Tiffany para makuha ang  gamit niya.

Sobrang ingay lang ng tatlong lalaki na ito lalo na si Ulysses na pasimuno sa ingay.

Hinaplos naman bigla ni Ryle ang baywang ko kaya napalingon ako sa kanya.

"Are you okay Mahal?" tanong niya.

Ngumiti naman ako. "Of course! I'm happy na magkakasama tayong lahat,"

"I'm sorry for what I said lastnight... Sobra akong nagalit sa sarili ko sa mga salitang nabitawan ko sayo dahil lang sa nasaktan at nagselos ako,"

Hindi ko rin naman nagustuhan yung mga sinabi niya sakin pero naintindihan ko siya.

"I understand you Mahal... Your mad! May mga bagay talaga tayong masasabi kapag galit tayo,"

Hinawakan niya ang kamay ko saka hinalikan ang likod ng kamay ko.

"Pero hindi tamang sinabi ko yun... I trust you kaya dapat hindi ganon,"

"Mahal, It's okay... Ang mahalaga ay mahal kita at mahal mo ako,"

Nginitian niya ako kaya pinisil ko ang ilong niya sa panggigil ko sa kanya.

"Ano palang sabi nila Tita?" biglang tanong ko.

"Wala naman... They just say that I should talk and ask you in a nice way. Alam naman raw nilang hindi mo magagawa yun eh," ani Ryle.

Biglang gumaan ang pakiramdam ko sa narinig. Ayokong isipin nila Tita na niloloko ko ang anak nila.

Tama nang sila Mom at Dad ang may issue sa relasyon namin.

"Why?" aniya.

Umiling ako sa kanya saka napatingin sa labas nang bahay namin. "Ayokong iba ang isipin nila sakin,"

Pinutol naman ni Ulysses ang pag-uusap namin at tumatawa habang nagsasalita. "Hindi ka ba baba Ina?"

Binuksan naman ni Ryle ang pinto sa side ko para makababa ako. So gentleman as always.

Nagulat ako nang sumunod siya sakin kaya nilingon ko siya.

"I'll go with you,"

Nagkibit-balikat nalang ako saka hinayaan siya. Naabutan ko si Kuya Jasper at Daddy na nasa sala nanunuod nang basketball.

"Good Afternoon po Tito... Kuya Jasper," bati ni Ryle.

Nakipag-fist bump si Kuya habang si Daddy ay hindi lumingon kay Ryle.

Binulungan naman ni Kuya Jasper si Ryle saka ngumiti sakin.

"Hmm... Dad, I'll sleep over with Cassie... Tita Ria provides us a make up artist para sa graduation ball namin bukas," ani ko saka lumingon kay Kuya Jasper.

Tinignan naman ako ni Daddy saka tumingin nang seryoso kay Ryle.

"Are you sure na doon ka kay Cassie matutulog?"

"Opo Dad... Cassie is outside! You can ask her,"

Umiling nalang si Daddy sakin kaya dumiretso na ako sa kwarto ko para kunin ang mga gamit ko.

"Bunso...."

Napalingon naman ako kay Kuya nang bigla siyang nagsalita.

"Pasensya na kung hindi ako kumatok," aniya. "I just want to talk to you,"

"Ano po yun?"

"How are you? This past few days, Lagi kayong nag-aaway ni Mommy at Daddy," tanong niya.

Love Series 2: Complicatedly InloveWhere stories live. Discover now