Chapter 40:

48 0 0
                                    

It's been two months since makabalik kami ni Ryle mula sa Anniversary get away namin.

Our anniversary is one of the best thing happened in my life. Having someone who loves me so much. Having someone who'll stay and fight for me.

"Anong iniisip mo mahal?" tanong ni Ryle.

Kasalukuyan kaming nasa shop ni Cassie dahil nag-celebrate kami para sa dalawang magkarelasyon dahil sa dinami-dami nang pinagdaanan nila ay sa simbahan din pala sila hahantong.

Yes, Nag-propose na si Sandrei sa bestfriend ko at masaya ako para sa kanilang dalawa.

"Wala naman mahal... Hindi ko lang maimagine na parang dati hindi pa tayo magkakakilala pero ngayon, Ikakasal na ang bestfriend ko sa lalaking pinakamamahal niya," nakangiting wika ko.

Hinawakan naman ni Cassie ang kamay ko. "Thank you Ina... Thank you sainyo ni Tif. Kayong dalawa ang pinaka-inasahan ko sa tuwing nahihirapan at nasasaktan ako,"

Inilingan ko naman siya saka tumawa. "Nako, Tigilan mo nga yan! Baka maiyak pa ako jan,"

Nagtawanan naman kaming lahat sa sinabi ko. Tinaas naman ni Ulysses ang baso niyang may lamang juice.

"So, Cheers?" aniya. "For Cassie and Sandrei?"

Ngumiti ako saka tinaas din ang baso ko. "Cheers for the both of you and for having our friendship until the end,"

Masaya na sila Cassie at alam ko mas magiging masaya sila kapag kinasal na talaga sila. Sana balang-araw maging ganyan din kami ni Ryle hangang ngayon kasi hindi padin tanggap nang parents ko si Ryle at mas lalong lumala dahil si Drake ay laging pumupunta sa bahay namin.

Sila Tiffany at Ulysses naman ay napapansin narin naming nagkakamabutihan na pero sa tuwing tinatanong namin si Tiffany lagi niyang sinasabi na ayaw nilang magmadali.

"Thank you sa paglaan nang time," ani Cassie.

"No bigdeal beb... Miss ko narin naman yung bonding natin," wika ko.

Bago pa kasi magdilim ay naisipan nanaming umuwi. Naglalakad na kami papunta sa kanya-kanyang sasakyan ng boys nang may tumawag sa name ko.

"Nicole,"

Napatigil naman ako saka nilingon ang tumawag sakin n sana hindi ko nalang ginawa. Nilingon ko si Ryle at ang mga kaibigan kong nakatingin narin sa lalaking nasa harap ko.

Si Drake.

"A-Anong ginagawa mo dito?" kinakabahang tanong nang maramdaman ko ang braso ni Ryle sa baywang ko.

Aaminin ko mas napanatag ako nang maramdaman ko ang braso ni Ryle sakin. Natatakot ako at kinakabahan sa maaaring mangyari ngayon.

"Pinapasundo ka ni Tita Estella," aniya.

Umilng ako sa kanya" No need. Ryle will drive me,"

Tumingin naman siya kay Ryle na nasa gilid ko.

"Umuwi ka na Drake kasi hindi ako sasama sayo," dagdag ko pa bago tumalikod.

Nakita ko sila Cassie at Tiffany na nag-aalala sakin.

Hahatakin ko na sana si Ryle papunta sa sasakyan niya nang nagsalita nanaman si Drake.

"Nicole, My parents will be mad at me if I let you go home with him,"

Napapikit ako sa sobrang kaba ko pero pinili ko pading humarap sa kanya.

"Then, It's not my problem anymore... May boyfriend ako Drake at siya ang may karapatang magsundo sakin," malamig kong wika.

Magsasalita pa sana siya nang sumingit si Ryle sa usapan namin na mas lalong nagpakaba sakin.

Love Series 2: Complicatedly InloveWhere stories live. Discover now