Chapter 7

46 1 0
                                    

Papunta na kami ngayon nila Ryle sa bahay ni Cassie para sabay-sabay na kaming pumunta nang AU.

"Parang sobrang saya mo ngayon Shaina," wika ni Ryle.

Napalingon naman ako kela Tif at Ulysses na nasa backseat nang sasakyan ni Ryle.

"I'm just happy for Cassie and Sandrei... I'm her bestfriend that's why alam ko kung anong pinagdaanan niyang hirap at sakit at ngayon niya lang pipiliing maging masaya,"

Tumango-tango naman si Ryle habang lumiliko sa village nila Cassie.

"Dagdag mo pa na kailangan niyang isipin muna ang Ate niya at ang Mommy niya," dagdag ni Tiffany.

"Nay Belen, Si Cassie po?" wika ko.

"Nakuu, 'nak mukhang tulog pa ang alaga ko. Teka! Gisingin ko muna," wika ni Nanay Belen.

Napatingin naman ako kay Tiffany na napapailing. "Wag na po Nay. Kami nalang po ang gigising sa kanya,"

Hinayaan naman kami ni Nanay Belen na umakyat sa kwarto ni Cassie at naabutan naming tulog na tulog si Cassie.

Inantay nalang namin siyang magising para hindi magalit samin.

Bigla namang nagising si Cassie dahil sa ingay namin sa pagkwekwentuhan namin.

"Si sleeping beauty ay mahimbing pa ang tulog," natatawang saad ni Tiffany.

Bigla naman siyang napabangon nang makita niyang kumpleto kami sa room niya.

"Bakit kayo nandito? Ang aga niyo," tanong niya samin.

"Ang aga?" wika ni Ryle. "12pm na aming mahal na prinsesa,"

Akala niya nagbibiro lang kami pero nang tignan niya yung cellphone niya ay napatunayan niyang nagsasabi kami nang totoo.

Naligo na siya habang nag-aantay kami sa kanya.

"Okay ka lang?" malambing wika ni Ryle.

"Oo naman..."

Nakangiti lang siya habang nakatingin sakin kaya sinimangutan ko siya. "Why are you smiling?"

"Wala lang... Sasagutin na ni Cassie si Sandrei eh," aniya.

Bago ako sumagot sa kanya ay biglang nag-flashback sakin yung napagusapan naming sasagutin ko siya kapag naging mag-jowa na si Sandrei at Cassie.

Pinili kong magpanggap sa gusto niyang ipahiwatig. "And then?"

"Diba sabi mo dati sasagutin mo ako kapag sinagot na ni Cassie si Sandrei?" nakangising wika ni Ryle habang tinataasan pa ako nang kilay.

Natawa naman ako sa kanya saka tinulak ang noo niya. "Epal ka Ryle.! This is Sandrei's day kaya wag kang epal jan,"

Napasimangot naman siya."Pero diba sabi mo?"

"Do you really believe that Ryle?" natatawang wika ko sa kanya.

Bigla naman siyang sumimangot saka hindi ako pinansin kasabay nang pagkausap sakin ni Ina.

Inayusan namin si Cassie saka dumiretso na sa university.

"Ryle...." panimula ko.

Kanina pa yan. Panay deadma sakin, Nakailang ulit na akong tawag sa kanya pero parang walang naririnig.

"Ryle, Ano ba!" naiinis kong tawag sa kanya habang nasa byahe. "Ayaw mo akong kausapin? Edi fine!"

Pinili ko nalang tumahimik hangang makarating nang university pero bago pa ako makababa nang sasakyan ay hinawakan nako ni Ryle.

Love Series 2: Complicatedly InloveWhere stories live. Discover now