Chapter 43:

57 0 1
                                    

Isang buwan na mula nang makalabas ako sa ospital at ibalik ako nila Kuya sa maynila.

Kung si Daddy ay hindi ko na naririnig na umalma sa relasyon namin ni Ryle yun naman ang kabaliktaran ni Mommy.

Hangang ngayon pinipilit padin sakin ni Mommy si Drake at kung minsan kapag nandito sa bahay si Ryle ay pinapapunta niya din si Drake. Kahit sinasabi ni Ryle na okay lang sa kanya ay minsan hindi ko maiwasang mahiya sa kanya.

"Mahal, Magpapaalam sana ako."

Napalingon naman ako kay Ryle na nandito sa loob nang opisina ko.

"Saan naman?" ani ko. "At bakit ba nandito ka? Wala ka bang trabaho Engr.?"

Naglakad naman siya palapit sakin kaya tinaasan ko siya nang kilay. Hinalikan niya naman ako sa pisngi saka umupo sa upuan na hinatak niya palapit sakin.

"Namiss kita eh!" aniya. "Nag-aaya sila Ulysses. Boys night out raw kasi hindi kami nakapagcelebrate nung nag-propose siya kay Cassie,"

Tumango-tango naman ako sa kanya. "Walang babae?"

Humalakhak naman siya sakin saka hinalikan ako sa balikat ko. "Mahal, Bakit ako mambabae? May girlfriend ako. Walang babae, Promise!"

Tumango naman ako sa kanya. Hangang ngayon wala pading nagbago kay Ryle. Nagpapaalam padin siya sa tuwing may lakad siya.

"Uwi na tayo?" aya ko nang makita kobg 6pm na sa wall clock namin.

Inalalayan niya naman ako hangang makasakay sa sasakyan niya. Nang makarating kami sa bahay ay naabutan namin ang sasakyan ni Drake na nakaparada sa tapat namin.

"Nandito nanaman pala yang lalaking yan!" nakasimangot na wika ni Ryle.

Hinaplos ko naman ang braso niya saka nginitian nalang siya.

"Hayaan mo na mahal,"

Suminangot padin siya sakin saka tinignan ako. "Wag nalang kaya ako pumunta Mahal?"

"Bakit?"

Tinignan niya lang ako saglit at umiwas nang tingin sakin.

"Is it about Drake?" tanong ko. "Ryle, Don't tell me nagpapaapekto ka?"

Hindi siya makatingin sa mga mata ko kaya hinawakan ko ang pisngi niya para iharap ang mukha niya sakin.

"Natatakot kasi ako na mahalin mo siya," aniya.

Kinagat ko ang ibabang labi konpara mapigilan ang ngiti ko. So possesive.

"Wala ka namang dapat ikatakot eh... Ikaw ang mahal ko at hindi ganon kababaw ang nararamdaman ko para mahulog sa iba,"

Ngumiti ako sa kanya saka hinalikan siya sa labi. "Mag-enjoy ka sa boys night out mo mahal at walang babae! Text mo ako kapag nakauwi kana, I love you!"

Pinaharurot niya na ang sasakyan niya nang makapasok na ako sa loob nang bahay namin.

"Hi Shaina," nakangiting bati ni Mommy sakin.

Napakunot naman ang noo ko sa inaakto niya ngayon miski sila Kuya naguguluhan dahil ngayon nalang ako binati ni Mommy nang masaya.

"Ano pong meron?"

Umiling siya sakin. "Nothing... Drake is here,"

Tinaasan ko naman nang kilay si Drake pero ngumiti lang siya sakin saka inabot ang bulaklak.

"Ilang beses ko bang sasabihin na hindi mo ko kailangan bigyan nang bulaklak? You don't have to visit me,"

Ngumiti lang siya saka binaba ang bulaklak sa table namin. "Sabi kasi nila Mommy na dapat masanay na tayong nagkikita araw-araw,"

Love Series 2: Complicatedly InloveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon