Chapter 49:

71 0 1
                                    

Pagdating ko sa coffee shop na sinasabi ni Iwona ay naabutan ko siyang nakatingin lang sa labas nang shop.

I cleared my throat to have her attention before I seat.

"Pinag-order na kita I-----"

Bago niya pa matapos ang sinasabi niya ay pinutol ko na agad siya.

"I didn't came here to have coffee with you Iwona... I want you to tell me what you want!" malamig kong wika.

Makikita mo sa kanyang napahiya siya sa pambabara ko pero pinili niya pading ngumiti kaya hindi ko maiwasang mainis sa kanya.

"Ang tapang mo 'no?! How can you smile like that after what you did to me?!"

Bumuntong-hininga muna siya bago magsalita. "It's about Ryle...."

Ibang klase pagkatapos kaming siraing dalawa ay may lakas nang loob padin siya para kausapin ako tungkol kay Ryle.

"If you really love him then It's not my problem anymore. We're done! Sinabi ko na sayo diba, Sayong-sayo na siya."

Bakit pakiramdam ko nasaktan ako sa mga sinabi ko kay Iwona. Ganon ko padin ba siya kamahal na sa kabila nang lahat nang sakit na dinulot niya ay hindi ko padin siya kayang ipamigay.

"I wish I can have him but I can't... Kasi alam nang Diyos kung gaano ka niya kamahal. That's why I want to say sorry," hagulgol niya.

Nagulat ako nang marinig siyang magsorry pero mas nagulat ako na makita siyang umiiyak.

"N-Nasanay ako na lahat nang lalaki ay nagkakagusto sakin hangang sa mag-aral ako sa AU na ang lalaking humahanga sakin ay hinahangaan ka din. I was jealous of you and until now I am still jealous of you,"

Hinayaan ko siyang magsalita. Gusto kong marinig ang saloobin niya.

"I envy you because you have him... Nanjan ka man o wala sa tabi niya, Ikaw padin ang nakikita niyang babae kahit ilang beses akong nagpapansin sa kanya pero...." Pinunasan niya ang luha niya saka nagsalita uli. "Ikaw at ikaw padin ang gusto niya. Mahal ko siya pero ikaw ang mahal niya, Ang galing nang earth kasi kailangan kong maging ganito,"

Umiling ako sa kanya. "Why do you have to be like this Iwona? You don't have to be jealous. Wala tayo sa pelikula na matutunan kang mahalin ni Ryle dahil ang tunay na pag-ibig ay nararamdaman yan sa umpisa palang. Hindi yan subject sa school na kailangan pagaralan para matutunan,"

"I know... Pero anong magagawa ko? Tanga at desperada ako na makuha si Ryle-----"

"Kaya ba gumawa ka nang paraan para may mangyari sainyo?"

Umiling siya sakin saka uminom muna sa juice na inorder niya.

"N-Nang makapagtapos tayo sa college, Hindi na ako umasa na magkikita pa kami ni Ryle. Or miski tayo kaya sabi ko baka ngayon makalimutan ko na siya, Baka makalimutan ko na ang pagmamahal ko kay Ryle... God knows how much I tried to move on, To forget him pero isang araw may nagtext sakin na gusto niya raw makipagkita sakin,"

Kinunutan ko siya nang noo dahil hindi ko na siya naiintidihan.

"I'm clueless... Yun pala inimbestigahan niya pala ako. I mean yung mga nagiging issue kay Ryle. She knows how much I love Ryle that's why she offered me. Babayaran niya ako kapag napaghiwalay ko kayo pero hindi ako pumayag na bayaran niya ako kasi... Kasi gagawin ko yun dahil mahal ko si Ryle, Dahil aasa ako na baka maging akin si Ryle kaya noong nalaman kong magbabar siya ay nagpunta din ako ron hangang sa pauwi na sila ay may inutusan akong magpaamoy nang bimpo kay Ryle na may pampatulog,"  paliwanag niya.

Patuloy parin siya sa pag-iyak pero pinagpapatuloy niya rin ang pagkwento. Natigil lang siya nang tumunog ang phone ko kaya kinansel ko yung tumatawag sakin.

Love Series 2: Complicatedly InloveМесто, где живут истории. Откройте их для себя