Chapter 30:

41 0 0
                                    

This is it. My graduation day but I'm not excited.

Napag-usapan naming magkakaibigan ay magcecelebrate kami after nang graduation day namin kasi may celebration pa kami kasama pamilya.

Buti nga si Cassie at Sandrei ay sabay na makakapagcelebrate. Kami ni Ryle kahit gustuhin namin hindi namin magawa dahil nga sa complict sa family ko.

"Bunso...." maligayang wika ni Kuya Jasper. "Congraaaats bunso! Finally! Ikaw na ang hahawak sa branch ng botique ko rito,"

"Thank you Kuya," ani ko.

Nakita kong nakatingin lang siya sakin. "Why are you sad? You should be happy,"

Nagkibit-balikat naman ako saka tumingin sa harap nang salamin.

"I don't know... Hindi na po ako masaya sa nangyayari sakin,"

Hinawakan niya naman ang balikat ko. "Everything is going to be okay bunso,"

I hope so Kuya. Dahil doon lang ako makakahinga nang maluwag.

"Ano bang gusto mong gift?" malambing niyang wika.

Tumingin ako sa kanya mula sa salamin. "Gusto ko pong matigil ang arrangement na 'to,"

"Sa ngayon hindi pa magagawan nang paraan pero hahanap ako para matigil yan bunso kahit ang kapalit pa ay ang sarili kong kalayaan," aniya.

Yinakap ko si Kuya Jasper nang mahigpit at nagpasalamat.

"Hey, Bakit kayo lang naglalambingan?" biglang wika ni Kuya Jupiter. "Pinapatawag na kayo ni Mommy dahil pupunta na raw tayo sa AU,"

Magkakasabay na kaming lumabas nila Kuya papunta sa garahe kung saan nakaparada ang sasakyang gagamitin namin.

"Congratulation Nicole," masayang bati ni Daddy sakin. "What do you want?"

Tinignan ko siya sa mga mata niya bago nagsalita. "Hindi niyo po magugustuhan kung anong ihihiling ko Dad... Kaya kung alam niyo pong hindi niyo mapapabigyan ay wag niyo nalang po tanungin,"

Dumiretso na ako sa loob nang sasakyan pagkatapos kong bitawan ang mga salitang yun.

Habang nasa byahe ay pinili ko nalang itext si Ryle at mga kaibigan ko para hindi ako kausapin nila Mommy.

"Beeeeeeeeeb!" sigaw ng dalawa kong kaibigan pagbaba ko sa sasakyan namin.

Nginitian ko naman sila saka yinakap ng mahigpit. "Congratulation satin,"

Inabot naman nila sakin ang gift nila kaya napangiti ako sa kanila. Naramdaman ko naman ang isang brasong pumulupot sa baywang ko.

"Mahal...." ani ko.

Hinalikan ako ni Ryle sa pisngi saka binati. "Congratulation mahal ko,"

"Congratulation my Engineer,"

Humalakhak naman siya sakin saka pinangigilan ang ilong ko. "Hindi pa naman,"

"Nako, Alam ko namang makakapasa kayo sa exam. Ikaw pa ba?"

"I love you!" aniya.

Bago pa ako makasagot ay may tumawag na sa pangalan ko.

"Shaina?"

Nilingon ko naman ito at naabutan ko ang magulang ni Ryle na nakangiti sakin. "Congratulation Anak,"

"Thank you po Tita at Tito,"

Yinakap naman nila ako saka binigay ang gift nila sakin. Inaya ko naman si Ryle lumapit sa pamilya ko kahit alam kong ayaw nila Mommy sa kanya.

Nilagay ko naman sa loob ng sasakyan ang mga regalo sakin bago humarap sa pamilya ko.

Love Series 2: Complicatedly InloveWhere stories live. Discover now