Chapter 22:

49 1 0
                                    


Naputol lang sa usapan ang mga boys nang magsalita na uli ang emcee.

"To enjoy this night, We will open the floor now to dance your partners,"

Tumingin naman si Ryle sakin saka nginisian ako.

"Can I have this dance mahal?"  tanong niya.

Ngumiti naman ako saka nilagay ang kamay ko sa kamay niya. Sabay-sabay kaming naglakad papunta sa dance floor.

Hinahawakan ko buhok ni Ryle sa likod nang tainga niya habang nagsasayaw kami.

"Natatakot ako Ryle...." panimula ko.

"Hmm...."

Ngumiti ako nang tipid sa kanya bago nagsalita uli. "Natatakot akong mawala ka sakin,"

"Hindi naman ako mawawala sayo eh,"

"Hindi ko kakayanin kapag nawala ka sakin," ani ko.

"Mahal kita Shaina at habang nabubuhay ako sa mundo ay ikaw lang ang iibigin ko,"

Pagkatapos nang ibang kanta ay nagpalit kami nang partner kaya ang naging partner ko ay si Ulysses.

"Ang ganda mo," aniya. "Pero mas maganda si Tiffany,"

Tumawa naman ako sa kanya. "Patay na patay ka talaga sa bestfriend ko 'no?"

"Syempre... Siya nalang naman ang inaantay ko eh. Ready na akong maging boyfriend niya,"

Hindi ko rin alam kay Tiffany kung bakit hindi niya pa sagutin si Ulysses.

"Wag kayong susuko ni Ryle ha? Wag kang bibitaw kay Ryle... Feeling ko ikaw ang ikababaliw nang bestfriend ko kapag nawala ka sa kanya," Ani Ulysses.

"Mahal ko si Ryle. Kahit mahirap, Ipaglalaban ko siya."

Nginitian ako ni Ulysses saka nagpalitan uli nang partner.

Madami pa akong nakasayaw pati yung mga ka-team mates nila Ryle ay sinayaw kami. Nang makaramdam ako nang pagod saka na ako umupo sa table namin kung nasan nakaupo si Ryle.

"Bakit hindi kayo makipagsayaw sa iba?" wika ko.

"Ayoko," wika ni Sandrei saka nilingon si Cassie.

"Sino naman isasayaw ko? Yung mahal ko pinagkaguluhan ng ibang lalaki jan," masungit na wika ni Ryle.

Humalakhak naman ako sa itsura niya. "Don't be jealous mahal... It just a dance,"

Pagkalipas nang ilang oras ay i-aannounce na kung sino ang magiging grad ball queen and king.

"Tonight, We will announce the Graduation Ball Queen and King 2020,"

"Kahit wag niyo nang i-announce 'te for sure, Cassie will be the Queen 2020," panunukso ni Tiffany.

Tumawa naman kami sa kanya saka nakinig na uli sa emcee.

"Our gradball Queen and King 2020 for tonight..." pambibitin ng emcee. "Ms. Cassandra Montemayor and Sandrei Montes,"

Nagpalakpakan ang lahat ng tao sa paligid namin. Tumayo si Sandrei saka nilahad ang kamay kay Cassie at inalalayan sa  pagtayo at papuntang stage.

Nakangiti lang ako habang nakatingin. I'm so happy to see my friends happy with their love ones.

Pinanuod lang din namin na nag-momoment ang mag-jowa naming kaibigan hangang magsimula na ang fireworks.

Alam namin ang surprise na yan ni Sandrei kay Cassie.

"I love you!" malambing wika ni Ryle kung bakit ako napalingon sa kanya.

Love Series 2: Complicatedly InloveWhere stories live. Discover now