Chapter 28:

37 0 0
                                    

Ilang araw na lumipas mula nang mangyari yung alitan namin ni Ryle tungkol kay Iwona.

Natahimik kami pero si Cassie naman ang nagkaron nang problema samin dahil may sumabotahe sa shop niya noong araw nang grand opening.

Sino ba naman matutuwa kapag madaming nagliparan na ipis sa shop mo lalo na food ang sine-serve nila Cassie. Buti nalang may cctv kaya nakita kung sino ang may gawa.

Ang rinig ko pinapahanap ni Sandrei ang mastermind ng may gawa 'non.

Nandito kami ni Tiffany sa parking lot at rinig na rinig ko na ang pinagbubulungan ng mga estudyante sa university.

"Hoy! Hindi kayo nag-aral para mag-chismisan! Mga edukada pero chismosa!" ani ko.

Hinawakan naman ako ni Tiffany sa braso. "Beb, Stop it!"

"Bakit?! Totoo naman na madaming ipis sa shop ni Cassandra ah?" matapang na wika nung isang chismosa.

"Oo nga pero bakit wala ka don ha?"

"Anong ibig mong sabihin?"

Humalakhak naman ako saka tinanggal ang kamay ni Tiffany na nakahawak sa braso ko.

"Gagraduate ka niyan? Ambobo mo naman pala. Ang ibig kong sabihin, Mukha kang ipis kaya bakit di ka kasama sa lumilipad sa shop?!"

Tinaas niya ang kamay niya para sampalin sana ako pero hinawakan ko ang kamay niya.

"Wag ako ang kalabanin mo girl! Baka hindi mo pa ako nasasaktan ay tumatama na sayo ang sapatos ko, Mukha ka pa namang ipis."

Bago pa siya makasagot ay hinawakan na siya nang kaibigan niya.

"Tara na... Girlfriend yan ni Ryle at kaibigan niyan ang may ari nang university. Gagraduate nalang tayo baka ma-kick out pa tayo..." Hinatak na siya palayo samin ng kaibigan niya.

Umiling nalang sakin si Tiffany saka naglakad sa gilid. "Napaka-warfreak mo talaga Ina,"

"Hindi ko naman pwedeng hayaan na tumahimik kung may magagawa naman ako." Hinahanap ko sa cp ko ang number ni Cassie habang nagsasalita.

"Hello Cassie..."

[Hmm...]

"Are you okay?" nag-aalalang tanong ko. "Sigurado ka bang gusto mong pumasok Beb? Lahat kasi nang tao dito yung nangyare sa shop mo ang pinaguusapan,"

[Papasok ako Ina... Hayaan mo nalang sila,]

Nagpaalam naman siya bago pinatay ang tawag kaya inantay nalang namin siya.

Bakit kasi ngayon pa pinatawag ng coach sila Sandrei eh.

Pagdating ni Cassie ay nilapitan agad namin siya saka hinalikan sa pisngi.

"Beb alam mo ba pinag-uusapan nila yung video pero hula nila may nag-sabotahe sayo," pagkwekwento ni Tiffany.

Nag-kibit balikat nalang siya samin saka nagpatuloy sa paglalakad. Lahat ng estudyante ay napapalingon kay Cassie o kaya naman pinag-uusapan yung nangyare.

Nasa quadrangle na kami nung marinig namin ok yung boses ni Ate Candice na kausap ang mga kaibigan niya.

"Sinasabi mo ba Candice na ikaw ang may pakana ng ipis sa grand opening ng shop ng kapatid mo?" tanong nung isang alalay niya.

"Oo may binayaran akong lalaki para pumasok sa cheap na shop na yun para magkalat ng ipis at may isang babae na vivideohan ang nangyayare," natatawang kwento ni Ate.

Dahil nakatalikod sila sa pwesto namin ay hindi niya namalayan na may nakikinig na sa kanila.

"Hindi ka ba naawa sa kapatid mo? Candice your so evil! Pinaghirapan yun ng kapatid mo," maarteng komento ng isa niyang kasama.

Love Series 2: Complicatedly InloveDove le storie prendono vita. Scoprilo ora