Chapter 10:

52 2 5
                                    

Napatingin ako sa cellphone ko nang nag-vibrate siya.

Ryle:
Mahal, I'm waiting...
Wala kaming prof kaya nasa
tambayan lang kami.

Tumingin muna ako sa harap bago nagtype nang reply sa kanya.

Ryle:

Walang babae Ryle ha?
Mag-review nalang din kayo.
I love you!

Pagkasend ko nang message ay tinago ko na agad sa bag dahil baka makita pa ako nang prof na gumagamit nang cellphone.

Madami pang sinabi ang prof namin bago niya kami i-dismissed.

"Grabe, Ang daldal ni sir. Kulang nalang ikwento niya ang buong pagkatao niya sa classroom," reklamo ni Tiffany habang naglalakad kami.

"Alam mo Tiffany kapag ikaw may nakarinig sayo jan at sinumbong kay Prof. For sure mayayare ka don," ani ko.

Tumingin naman siya sa paligid namin na baka may nakikinig. Napahalakhak naman ako sa itsura niya.

Napahawak naman ako sa braso ko nang paluin niya ako. "Aray ko!"

"Your scaring me Ina," inis niyang wika.

Tumawa naman ako sa kanya saka patuloy na naglakad. "Hayaan mo na kasi yun... Alam mo naman na ganon yung prof natin eh,"

"Mahaaal!" masayang wika ni Ryle.

Tinaasan ko naman siya nang kilay saka lumapit sa tabi niya.

"Problema mo?" ani ko. "May kasalanan ka ba? O nambabae ka?"

Sinimangutan niya naman ako kaya mas lalong natawa ang mga kaibigan namin.

"Can you stop saying that I have a other women! Kasasagot mo lang sakin pero pinagdududahan mo na agad ako!"

"Oh, Chill! I'm just joking Ryle, Why so pikon?" ani ko.

"Isn't a good joke Shaina Nicole! Kanina ka pa sa text diba? Sabi mo walang babae kahit alam mong di ko magagawa sayo yan." matigas niyang sigaw.

Napatingin ako sa mga kaibigan ko kasi feeling ko napahiya ako sa pagsigaw niya. Yung ibang estudyanteng dumadaan ay napapalingon samin.

Hindi nalang ako kumibo saka inaya na silang pumunta sa Cafeteria.

"Punta na tayong Cafeteria? Baka malate pa tayo sa next subject natin," ani ko.

Lumapit naman si Tiffany sakin saka niyakap ang braso ko at hinatak ako papuntang cafeteria.

"Are you okay?" tanong ni Tiffany.

Tumango nalang ako sa kanya saka pinagpatuloy ang paglalakad. Hindi ko naman intensyon na pagmulan nang away ang pagbibiro ko.

I trust him naman kaya hindi ko alam bakit napikon siya sa sinabi ko.

Pagpasok namin ay dumiretso na kami sa counter para umorder.

"Beb, Baka mas pag-awayan niyo ni Ryle 'to. Alam mo naman na napaka-gentleman niyang jowa mo," ani Tiffany.

Nagkibit-balikat nalang ako. Naramdaman ko naman ang presensya nang mga tao sa likod. Hindi ko lang sure kung si Ryle ang nasa likod ko.

Love Series 2: Complicatedly InloveWhere stories live. Discover now