Chapter 23:

47 1 0
                                    


Nasa byahe na kami papunta sa nirent nila Tita Ria na resort pra sa family outing.

Yung tatlong boys naman ay naglalaro lang nang ML kaya hinayaan ko nalang din dahil ngayon ko lang din uli nakita silang ganyan.

Yumakap naman ako kay Ryle habang naglalaro siya saka pinikit ang mga mata para matulog.

"Mahal gising ka na po," bulong ni Ryle.

"Hmm..." Umayos naman ako nang upo saka nag-ayos muna nang buhok bago bumaba sa sasakyan.

Pagdating namin ay nagpalit agad kami ni Tiffany nang pangligo namin.

"Bakit hindi ka pa nagbibihis beb?" tanong ko.

"Walang magbabantay kay Alvin eh," aniya.

Tinuro ko naman sila Sandrei na tapos na sa pagpasok ng mga gamit.

"Hayaan mo na sila Sandrei jan, Sila na muna ang magbantay sa kapatid mo," wika ko.

Sumunod naman siya sakin. Nilapitan naman ako ni Ryle.

"Sexy naman nang mahal ko," ngisi niya.

"Bolero ka!"

Humalakhak naman siya. "Hindi naman mahal,"

Inilingan ko nalang siya saka tumalikod sa kanya para sumunof kay Tiffany na lumalanggoy na kasama si Alvin.

Lumangoy rin naman agad si Cassie kasama sila Sandrei. Napatili nalamg ako nang may humatak sa binti ko pababa.

Dumilat ako sa ilalim nang tubig at nakita ko si Ryle na nasa harapan ko. Hinalikan niya naman ako bago umahon sa tubig.

"Sira ulo ka talaga!" wika ko.

"Mahal mo naman eh," aniya.

Pinag-uusapan naman nila Cassie ang magiging shop nila ni Tita Ria dahil malapit na kaming grumaduate.

"Ikaw ba Ryle san ka?" ani Ulysses.

"Sa company ni Dad," wika ni Ryle habang nasa likuran ko lang.

"Balita ko Ina magbubukas nang branch si Kuya Jasper dito sa pilipinas ng botique niya ah?" wika ni Tiffany.

Tumango ako sa kanila. "Ako nga ang mag-mamanage 'non,"

"Picture ko kayo!" singgit ni Tita Ria na may hawak na camera.

Sobrang saya na nakasama kami dito sa family outing nila Cassie dahil naging bonding narin namin ito.

Kahit papaano nakalimot ako sa mga problema ko na hindi ko magawang sabihin kay Ryle.

Tamang ako nalang ang nahihirapan at nasasaktan para sa kanya basta hindi ko lang masaktan si Ryle.

Yung dapat pag-uwi namin nang hapon ay na-extend ng kinabukasan dahil nalasing na yung mga boys.

Nandito na kami sa room namin nila Cassie.

"Thank you Cassie for letting us to be part of this get away kahit isang araw lang," wika ko.

Nginitian naman ako ni Cassie saka niyakap. "Parang kapatid ko na kayo 'no. Sobrang saya ko ngayon na kasama ko kayo, Si Sandrei at sila Daddy,"

"I'm happy for you Beb," wika ko saka yumakap sa kanya.

Hinatak narin naman ako nang antok ko dahil sa pagod sa paglanggoy.

"Good Morning mahal," bungad ni Ryle nang magising ako sa araw na tumatama sa aking mata.

Naupo naman ako saka tinaas ang kumot sa balikat ko.

Love Series 2: Complicatedly InloveWhere stories live. Discover now