Chapter 44:

51 0 2
                                    

Pagdating namin sa makati ay nilapitan agad kami ni Sandrei.

"Anong gagawin niyo dito?" tanong niya.

"Hindi ko alam kay Ina... Sabi niya samahan ko siya, May nagtext raw sa kanya na unknown numbet na nandito si Ryle," ani Cassie.

Tinignan naman ako ni Sandrei saka inilingan. "Imposible... Kilala mo naman si Ryle diba? Hindi yun pupunta sa isang lugar na walang abiso mo,"

"Edi nasan siya?"sigaw ko. "Nag-aalala ako dahil hindi siya umuwi sa kanila tapos may magtetext sakin nandito siya ngayon,"

Hindi na sila kumibo sakin. Naglakad na ako papasok sa lobby at hinarap ang receptionist.

"Good morning po Ma'am/Sir, How may I help you?" bati samin nang staff.

"Pwede ko bang malaman kung may nag-check in dito na Ryle Gilberts?" tanong ko.

May pinindot naman siya sa computer niya bago ako hinarap uli.

"Wala po Ma'am,"

Tinignan ko naman ang mga kaibigan ko. Hinawakan ako sa braso ni Cassie saka pilit na pinapakalma.

"Anong oras ang huling may nag-check in sainyo?" panghihimasok no Sandrei.

"Around 1am po sir," ani nang receptionist. "Isang babae at isang lasing na lalaki ang nagcheck in po,"

Imposibleng si Ryle yun dahil hindi naman babaero ang boyfriend ko pero iba ang pakiramdam ko.

"Pwede ko bang malaman kung anong pangalan nung babae?" tanong ko.

Ngumiti naman sakin yung receptionist bago umiling.

"I'm sorry Ma'am pero binibigyan po namin nang privacy ang bawat guest dito," paumanhin niya.

Hinawakan ko siya sa braso niya niya para pakiusapan. "Babae ka kaya alam kong maiintindihan mo ako kaya please...."

Napabuntong-hininga naman siya sakin bago tinignan ang computer niya. "Ms. Iwona Dela Torre po,"

Bigla ko naman siyang nabitawan. Hindi ko alam pero bakit nandito din siya? Aksidente lang ba talaga o tama ang naiisip ko.

"Ang room po nila ay 202... Please, Wag niyo nalang po sabihin sa management na ako nagsabi sainyo Ma'am. Babae po ako kaya hindi ko po kayang hayaan na may naloloko nang ganito," wika nang receptionist.

Naglakad ako papunta sa elevator habang si Cassie ay inaalalayan ako at nakasunod lang samin si Sandrei.

"Hey, Baka iba naman ang kasama ni Iwona dito," wika ni Sandrei.

Tinignan ko siya nang masama mula sa elevator. "Kaibigan ka niya Sandrei pero please wag mong kunsintihin si Ryle,"

"Ang point ko lang naman kasi ay mahal na mahal ka nang kaibigan ko kaya hindi ka magagawang lokohin 'non," aniya.

Hindi ko nalang siya kinibo saka inantay na bumukas ang elevator. Habang lumalapit ako sa katotohanan mas dumadagdag ang takot at kaba ang nararamdaman ko.

Mahal ako ni Ryle kaya hindi niya ako magagawang lokohin pero bakit ganito ang nararamdaman ko? Unti-unti na akong nagdududa sa kanya.

Nakatingin lang ako sa pinto nang room na sinabi sakin nang receptionist.

"Beb, Anong plano mong gawin?" tanong ni Cassie.

Kinagat ko yung labi ko habang nakatingin sa pintuan. "Cassie, Hindi naman si Ryle ang makikita ko dito diba? H-Hindi naman niya ako magagawang lokohin diba?"

Love Series 2: Complicatedly InloveDonde viven las historias. Descúbrelo ahora