Chapter 24:

39 1 0
                                    

KINABUKASAN, Tamad na tamad ako sa pagbangon ay pinilit ko paring tumayo.

Bumaba ako kung saan naabutan ko sila Kuya Jasper na nag-aalmusal.

"Good Morning bunso," masaya niyang wika. "Oh, Bat ang lungkot nang baby ko?"

Ngumiti lang akong tipid. "Wala po Kuya,"

Tumayo siya saka hinila ako para makaupo sa hapag-kainan.

"Kumain kana para makapunta tayo saglit sa mall at may bibilhin ako kaya samahan mo ako," aniya.

"Diba po may pupuntahan raw po tayo?"

"Mamayang lunch pa yun,"

Nagkibit-balikat nalang ako. Feelong ko may mali sa araw na ito. May mangyayari na hindi ko magugustuhan pero pilit ko nalang binalewala.

"Alam ba ni Ryle na may pupuntahan tayo?" aniya habang nagmamaneho.

"Opo... Nagpaalam po ako kagabi,"

Tumango naman siya sakin. "Sobrang swerte ni Ryle sayo,"

"Maswerte rin po ako sa kanya Kuya... Lagi niya po akong pinapasaya at kahit ako po ang may mali ay siya padin ang humihingi nang tawad sakin," wika ko.

Hindi na siya sa sumagot at nagsalita mula nang makarating kami sa mall.

"Bibili ka po nang bagong cellphone Kuya?" tanong ko.

"Ms. Ano ang pinaka-latest niyo Iphone?" tanong niya sa staff.

Nginitian naman siya nung sales lady habang titig na titig sa Kuya ko.

Mukhang  type pa ang Kuya ko kaya nilingon ako ni Kuya nang humagikgik ako.

"Ito pong Iphone 6s plus po sir," singgit ng staff.

Tinignan naman ni Kuya yun saka inabot uli. "Sige kunin ko na yan,"

Napakaluho talaga nitong si Kuya basta latest brand bibilhin agad. Paglabas ni Kuya nang store ay inaya niya na akong umuwi.

Pagpasok sa sasakyan ay inabot niya sakin ang paperbag.

"Oh, Sayo yan!"

Namilog naman ako sa sinabi niya kaya napatili ako. "Talaga, Kuya? Akin 'to!"

Tumawa siya sa itsura ko saka tumango. "Oo... Binili ko yan para sayo,"

"Oh my god! Thank you Kuya Jasper, Your the best!" Yakap ko sa kanya.

Binuksan ko na yung paperbag at nilabas don ang cellphone ko. Buong byahe ay kinalikot ko lang ang cellphone.

Pagdating namin sa bahay ay si Kuya Jupiter ang bumungad samin.

"San kayo pumunta?" aniya.

Tinaas ko ang cellphone na binili sakin ni Kuya Jasper. "Binilhan ako nang cellphone ni Kuya,"

"Hala! latest brand yan nang iphone ha?" aniya saka humarap kay Kuya Jasper. "Bakit siya lang binilhan mo? Eh, Kapatid mo rin naman ako."

Tinawanan lang siya ni Kuya Jasper saka umakyat na sa kwarto niya.

"Ang daya!" pagmamaktol padin ni Kuya.

"Ano kaba, May pambili kana po kasi samantalang ako wala pa," wika ko.

Inakbayan naman ako ni Kuya Jupiter papasok. "Napaka-spoiled mo talaga kay Kuya Jasper,"

Humalakhak naman ako sa kanya. "Sa kanya lang ba?"

"Hindi ko itatanggi..." aniya. "Bunso ka namin and You deserve the world Nicole,"

"I love you Kuya," malambing kong wika.

Love Series 2: Complicatedly InloveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon