Chapter 14:

44 1 1
                                    


Kinabukasan...

Kahit inaantok ako ay bumangon parin ako dahil may laban nga sila Ryle sa kabilang university.

Napuyat kasi ako sa kakaisip at pakikipag-usap sa mga kaibigan ko.

"Alis na po ako..." paalam ko saka sila hinalikan sa pisngi.

Naabutan ko si Ryle na nakasandal sa sasakyan niya. Nang makita niya ako ay binuksan niya lang ang pintuan saka umikot sa driver seat at pinaandar ang sasakyan.

"Mahal, Mag-usap tayo?" ani ko. "Are you still mad at me?"

Yes, Shaina! He is! He's not talking to you kaya siguradong galit pa siya sayo.

"Alam kong hindi ka pabor sa sinabi ko kagabi kaya sorry... That's the only way na naiisip ko para di kayo nagkikita ni Mommy, She's my mother! Ayokong kalabanin si Mommy," paliwanag ko. "Ayokong pinagtatabuyan at binabastos ka ni Mommy," dagdag ko.

Haharap na sana ako sa bintana nang magsalita siya.

"Ayaw mong magkita kami nang Mommy mo? Edi mas lalong hindi ko makukuha ang loob niya kung ganon. Shaina, Mahal kita at lahat gagawin ko para matanggap ako nang buong pamilya mo!" may diin niyang wika.

"Mahal din naman kita eh... Pero katulad nga nang sinabi ko sayo, Mommy ko siya kaya sana intindihin mo ako,"

Napailing nalang siya sakin saka nagpatuloy sa pagmamaneho.

"Okay, Fine! Less sweetness kapag nasa bahay tayo para maging good image ka kay Mommy?" wika ko.

"Ano pa nga bang magagawa ko? Eh, Mahal kita eh!" Kibit-balikat niya.

Hinalikan ko naman siya sa pisngi saktong tinigil niya sa isang tahimik na gusali ang kanyang sasakyan.

"Nandito na raw ba sila Cassie?" tanong ko.

"Oo mahal... Tayo nalang ang kulang,"

Lumakad na kami papunta sa gymnasium nila. Napapatingin samin ang ibang estudyante nang university na ito pero nginingitian ko nalang sila.

"Beeeeb!" sigaw ni Tiffany.

Lumapit naman ako sa kanila habang tinitignan kami ni Ryle.

"Bati na kayo?" sabay nilang tanong.

Hinawakan naman ako sa baywang ni Ryle. "Hindi ko matiis, Mahal ko eh,"

Hiyawan at kulitan habang hindi pa nagsisimula ang game nila nang magpaalam sila Sandrei na pupunta lang nang restroom kaya naiwan nalang kaming girls sa pwesto kasama ang ibang team mates nila.

"Hoy! Wag niyong popormahan ang girlfriend ko ha!" banta ni Ryle bago sumunod kela Ulysses.

Napailing nalang ako sa kanila saka umupo sa bench.

"Buti naman nagkabati na kayo?" wika ni Cassie.

Ngumiti ako sa kanila. "Humingi ako nang sorry saka ayun napag-usapan naming less sweet nalang kapag nasa bahay kami,"

"Ano ba kasing problema nang Mommy mo kay Ryle?" singgit ni Tiffany.

Nagkibit-balikat lang ako sa kanila saka lumingon sa tumawag sakin.

"Ms. Fuentabella, Nasan ang jowa mo at kaibigan mo?" tanong ni Coach.

"Coach, Pumunta lang pong restroom saglit..." ani ko.

Tumango naman siya saka kinausap ang ibang member. Pinadiretso kona sila Ryle nung nakabalik sila.

Sobrang ingay dito sa loob nang gymnasium. Kanya-kanyang cheer ang bawat manunuod.

Love Series 2: Complicatedly InloveWhere stories live. Discover now