Chapter 32:

45 0 0
                                    


Nahihiya man ay dumiretso na ako sa dining area nila Cassie at naabutan ko si Cassie saka ang magulang niyang sabay-sabay kumain.

"Beb, umupo ka na rito!" tawag ni Cassie nang makita niya ako. "Umuwi na sila Ryle kagabi nung nakatulog ka,"

Ngumiti naman ako saka umupo sa tabi niya. "I'm sorry for disturbing you last night... I just don't know where to go,"

Ngumiti naman sakin si Tita Ria.

"Bestfriend ka nang anak ko at parang anak narin kita... Your always welcome here if you want to go and stay here," wika ni Tita Ria.

Cassie is lucky to have this kind of family. A simple but supportive.

"Itutuloy pa ba natin ang celebration natin mamaya?" wika ni Cassie.

Tumango naman ako sa kanya. "Tatawagan ko nalang si Kuya,"

Katulad nang sinabi ko pagkatapos kong kumain ay pumunta ako sa garden para makausap ang dalawang kapatid ko.

"Hello Kuya Jasper," bati ko.

[Bunso where are you? I've been worried to you since lastnight,]

"I'm sorry po Kuya... I slept over with my bestfriend's house. Cassandra Montemayor, Remember?"

Inantay ko ang magiging sagot niya pero hindi na siya nagsalita.

"Kuya, I just want to say that We're having a celebration tonight?"

[Sino kasama?]

Bumuntong-hininga naman ako bago nagsalita. "With my friends and boyfriend,"

[Gusto mo ako ang magpaalam kela Mommy?]

He really knows me. Everytime na may hindi ako kayang sabihin sa magulang ko ay sa kanya ako nagoopen.

[Osige ako na ang bahala basta umuwi ka mamaya ah?]

Napangiti naman ako sa sinabi niya sakin. "Thank you so much Kuya!"

Pumasok ako sa loob pero wala namng tao nang makaramdam ako nang pagkauhaw ay dumiretso ako sa kusina nila.

Nang makita ko yung san mig light na nasa fridge nila Cassie ay kinuha ko ito saka dumiretso sa garden nila.

Gusto kong lunurin ang sarili ko sa alak para mabawasan naman ako nang problema.

Hindi ko pa nakakaisang inom palang ako nang may kumuha nang bote sa kamay ko.

Pagkalingon ko ay nakita ko si Ryle kasama si Sandrei at Cassie.

"Beb sabi kasi nang katulong nandito ka lang" wika ni Cassie.

Binigyan ko nalang siya nang tipid na ngiti at nilingon si Ryle na nakasimangot sakin.

"Ang aga-aga tapos sinisira mo ang atay mo sa alak. Mamaya pa ang celebration natin," malamig niyang wika.

"Isang bote lang naman,"

Sinimangutan naman ako ni Ryle saka umupo sa tabi ko. "Tigil-tigilan mo ako Shaina Nicole kung gusto mong tumuloy mamaya sa bar,"

Napahalakhak naman ako sa pikon na itsura nang nobyo ko. "Okay na po... Stop being pikon,"

Sinamaan niya lang ako nang tingin kaya hinilamos ko ang palad ko sa mukha niya.

"Ngayon lang naman mahal para 'tong baliw," ani ko.

"May problema ka pa ba?"

Umiling ako sa kanya.

Bumuntong-hininga siya saka tinignan ako. "Nagpaalam ka na ba sa parents mo sa pagcelebrate natin? Tara, Punta tayo sainyo para mapagpaalam kita,"

"Wag na mahal... Nakapagpaalam na ako kanina pa kaya hindi na kailangan,"

Hinalikan niya naman ang likod nang palad ko. Dahil maaga pa naman ay napagdesisyunan naming manuod nang movie sa kwarto ni Cassie.

Hindi ko naman namalayang unti-unti nakong hinatak nang antok ko. Naramdaman ko nalang yung pagtapik sa braso ko.

"Hmm..."

"Beb, Wake up! It's already 7:30pm,"

Dinilat ko naman ang mata ko saka tinignan ang paligid ko.

"Where's Ryle?"

Humalakhak naman si Cassie sa tanong ko. "Easy! Umuwi lang saglit para magbihis. Miss na miss eh,"

Hinatak ko naman ang buhok niya sa pang-aasar niya sakin.

"The fuck!" inis niyang wika. "Nakaayos na ako tapos sinisira mo pa, Inggitera ka girl?"

Tinaasana ko naman siya nang kilay saka sasabunutan ko sana uli siya pero pinigilan niya na ako.

"Oh... Oh, Tumigil kana! Maligo ka na ron kung ayaw mong iwanan ka namin dito nila Ryle," aniya bago lumabas.

Napailing nalang ako saka dumiretso sa bathroom ni Cassie. Dahil masyadong late na akong nagising ay kinailangan kong magmadali dahil alas otso ang usapan namin sa bar.

Pagbaba ko ay naabutan ko sila Ryle na nag-aantay sakin.

"Pasensya na ha? Halos kagising ko lang eh," ani ko.

Tumango lang sakin si Sandrei saka humarap sa magulang ni Cassie. Nagpaalam narin ako sa kanila saka pumunta sa sasakyan ni Ryle.

"Ayokong lumalayo ka sakin mamaya kapag dating sa bar ha?" wika ni Ryle habang nagmamaneho.

"Ano, Bubuntot nalang ako sayo buong magdamag?" halakhak ko sa kanya.

Kumunot naman ang noo niya sa sinabi ko.

"Mukha ba akong nakikipagbiruan Shaina Nicole?" seryosong wika niya.

Bigla naman akong napatigil sa pagtawa dahil sa pagiging seryoso ni Ryle.

"O baka gusto mong iuwi nalang kita?" dagdag niya pa.

"Come on Ryle, I was joking... Bakit ba ang init nang ulo mo?" ani ko.

Niliko niya ang sasakyan niya para makapagparada sa bar.

"Ayokong umalis ka sa tabi ko baka may mangbastos pa sayo sa loob," matigas niyang wika. "Makakapatay ako nang tao Shaina,"

Hinaplos ko naman ang braso niya saka hinalikan sa pisngi.

"Fine! I'm sorry na," panglalambing ko. Hinalikan niya naman ako sa noo bago kami lumabas nang sasakyan.

Habang naglalakad kami papunta sa table namin ay nakahawak nang mahigpit sa baywang ko si Ryle.

Ganito pala ang itsura sa loob nang bar. Sobrang ingay, Punung-puno nang tao at amoy na amoy ang alak at sigarilyo. Madami ring naghahalikan sa gilid.

"Don't mind them!" bulong ni Ryle sakin.

"Bro!" sigaw ni Ulysses saka nakipagfist bump kay Ryle at nakipag-beso sakin. "Seat!"

Kahit ngayon lang kami nakapasok sa ganitong lugar ay nagawa pa din naming mag-enjoy.

"Okay ka lang?" malambing na wika ni Ryle.

"Of course..." Napalingon ako kay Cassie nang bigla siyang tumayo habang nakatingin sa dance floor.

At kahit ayaw siyang payagan ni Sandrei ay naglakad parin ito papunta sa pinagkakaguluhan ng mga tao at doon namin naabutang nakikipagsuntukan si Ace ang lalaking nangungulit kay Cassie.

Tinignan ko naman si Sandrei na nakasimangot sa kaibigan ko.

"Anong ginagawa ni Cassie?" bulong sakin ni Ryle. "Pumagitna siya don, Baka pagmulan yan nang away nila nang kaibigan ko,"

Nagkibit-balikat lang ako sa kanya sa binalik ang tingin kay Cassie. Napatili ako nang biglang magtulakan ang ibang tao sa likod ko dahil muntikan akong mapasubsub kundi ako nahawakan ni Ryle.

"Okay ka lang?" nagaalalang wika niya.

Tumango ako sa kanya. "I'm fine,"

Hinatak naman ako ni Tiffany kaya napasunod kami sa kanila dahil lumabas na sila Cassie at Sandrei.

Love Series 2: Complicatedly InloveWhere stories live. Discover now