Chapter 31:

42 0 0
                                    

Pagdating namin sa restaurant ay nandoon na sila Drake at ang magulang niya.

"Pasensya na Elaine... Medyo natraffic kasi kami,"wika ni Mommy.

"Okay lang Estella." Lumingon naman sakin ito saka bineso. "Congratulations Nicole,"

"Thank you po,"

Binati rin naman ako nang asawa nito saka nginitian. Hindi ko pinapansin si Drake kahit kanina pa siya nakatingin sakin.

"Drake bakit hindi mo batiin ang fiance mo?" wika ni Tita Elaine.

Linapitan naman ako ni Drake saka hahalikan sana sa pisngi pero umiwas ako.

"Nicole!" madiing wika ni Mommy.

Ngumiti nalang si Drake samin saka binati ako.

"Congratulation Nicole," aniya.

Ngumiti nalang akong tipid sa kanya.

"Salamat,"

Umupo na kami sa reserved seat namin at napatingin ako sa gilid ko nang makita kung sino ang uupo sa tabi.

"Dyan uupo si Kuya Jupiter," wika ko.

"Nicole!" madiing tawag ni Mommy. "Dyan talaga namin siya pinauupo sa tabi mo kasi fiance mo naman siya," dagdag ni Mommy.

Inirapan ko nalang si Drake saka padabog na umupo. Bumulong naman si Kuya Jasper sakin kaya tumango nalang ako sa kanya.

Sa buong oras na nandoon kami ay hindi ako kumikibo, Magsasalita man ako kapag may gusto silang itanong sakin.

"Elaine siguro mas maganda kung patirahin natin si Drake at Nicole sa iisang bahay para magkakilala sila nang husto saka ikakasal naman din sila," ani Mommy.

Tumingin naman ako sa kanila pero hindi ako pinansin ni Mommy kaya si Daddy ang tinignan ko pero umiwas lang siya nang tingin sakin.

Sila Kuya naman ay napailing sa sinabi ni Mommy.

"Ano sa tingin mo Drake anak?" tanong ni Tita Elaine sa anak niya.

Hindi pwedeng mangyari yun. Sa oras na mangyari yun ay mahihirapan na akong itago kay Ryle ang sitwasyon ko.

Bago pa makapagsalita si Drake ay inunahan ko na siyang sumagot.

"With all due respect po Mrs. Imperial pero hindi po ako sasang-ayon sa kagustuhan niyong magsama kami sa iisang bubong ni Drake," wika ko.

Tumingin naman si Tita Elaine sa Mommy ko habang masamang nakatingin sakin.

"Kung sa pagpapakasal nga po sa anak niyo ay hindi po ako sumasang-ayon eh, Tumira pa po kaya sa iisang bahay? Excuse me po...." Naglakad na ako palabas nang restaurant kahit narinig kong tinatawag ako nila Mommy at Kuya.

Pumara ako nang taxi pero bago pa ako makasakay ay may humawak na sa braso ko.

"Nicole," pigil sakin ni Drake.

Tinignan ko siya saka pinunasan ang luhang bumagsak sa mata ko.

"Kung ikaw hindi mo kayang i-disappoint ang parents mo. Well, Sorry pero hindi ko kayang magpakasal sa lalaking hindi ko mahal... May boyfriend ako Drake at siya ang mahal ko,"  malamig kong wika.

Magsasalita pa sana siya kaso may humila sa kanya.

"Don't touch my sister!" malamig na wika ni Kuya Jasper. "Bunso, Let's go umuwi na tayo!"

Umiling ako sa kanya saka tinanggal ang kamay niya sa braso ko.

"Bunso..."

"I w-want to be alone for awhile Kuya." Sumakay na ako sa taxi na sinasakyan ko saka nagpahatid sa lugar kung saan ako dinala dati ni Ryle.

Love Series 2: Complicatedly InloveWhere stories live. Discover now