Chapter 3:

77 4 0
                                    

"Really,Shaina?! Talagang nakipagkilala ka pa sa kanya?" bulyaw ni Ryle sakin habang nakasunod sakin kasama ang nga kabigan namin.

Huminto ako saka humarap sa kanya. "Ryle pwede ba hindi ako nakipagkilala sa kanya, Siya ang lumapit at nagsabi nang pangalan niya!"

"Eh bakit ka padin nakipagkilala?!" sigaw nito. Lumingon ako sa mga estudyanteng napapalingon samin. Inilingan ko si Ryle saka dumiretso sa parking lot.

"I'm still talking to you!!" Hatak niya sakin bago pa ako makasakay sa sasakyan.

"Ryle, Your talking nonsense! Baka nakakalimutan mo kung sino sating dalawa ang nakikipaglandian dito!"

Sinimangutan niya naman ako. "Si Iwona? Putcha, Shaina! Ni hindi ko nga magawang hawakan yun tas landiin pa kaya?"

Umirap ako sa kanya saka tumingin sa mga kaibigan kong nakatingin lang samin. "Uuwi nalang ako!"

"Mag-usap tayo!!" matigas na wika ni Ryle.

"Fine! Hindi ako nakipagkilala sa kanya! Oo sinabi niya ang pangalan niya sakin pero hindi ako nakipagkilala... Happy?"

"Eh bakit siya nandon?"

Tinaasan ko siya nang kilay. "Eh bakit kaya hindi siya ang tanungin mo?!"

"Tinamaan ka lang nang bola----"

"Ryle please....Kung ikaw hindi ka pa tapos sa rants mo edi let me go first! I'm tired!"

Maglalakad na sana ako palabas nang university nang hinawakan ako sa braso ni Ryle. "Ihahatid kita,"

"Wag na Ryle... Mag-tataxi nalang ako,"

Bigla namang humigpit ang hawak niya sakin. "Sumakay ka sa sasakyan ko!"

Tinignan ko naman siya pero hindi talaga siya nagpatalo kaya nagpaalam na ako kela Ina at Tiffany bago sumakay sa sasakyan niya.

Habang nasa byahe kami ay hindi ako nagsasalita habang nakatingin sa labas nang sasakyan. Hininto niya ang sasakyan sa hindi kalayuan nang bahay namin.

Hindi pa kasi siya kilala nang parents ko bilang manliligaw kaya ayaw kong magpahatid hangang tapat nang bahay.

"Mag-ingat ka...." Bubuksan ko na sana ang pinto nang hinawakan niya ang braso ko.

"Usap tayo pleasee..... Ayusin natin 'to!" ani Ryle.

Bumuntong-hininga naman ako saka ngumiti sa kanya. "Okay lang Ryle,"

"I'm sorry..." aniya. "Si Iwona, Siya lang ang lumalapit sakin at nagsusumiksik pero wala akong gusto sa kanya. Ikaw, Ikaw ang mahal ko Shaina." Dagdag niya.

Alam ko naman yun. Hindi ko lang maiwasang magselos, Kung seloso si Ryle, Ganon din ako at alam niya yon.

"I'm sorry talaga kung nakita mo si Iwona na kasama ko pero di ko naman siya pinapansin eh..." paliwanag niya pa sakin saka hinawakan ang kamay ko.

Ngumiti ako sa kanya saka pinisil ang pisngi niya. "Ryle, Okay na. Bati na tayo! Ayoko lang talagang nakikitang may kasama kang iba,"

"Alam ko... Kung ako nga nagagalit kapag may lalaking lumalapit sayo eh, Parehas lang naman tayong seloso." Tumatawa niyang wika. "Sorry din kung pinagtalunan pa natin yung lalaking yun, Ayoko lang talaga na kinakausap mo yun!"

Pagkatapos naming mag-usap ay dumiretso na ako sa kwarto. Napag-usapan din naming magdate bukas.

Napalingon ako sa pinto nang bumukas ito at niluwa si Mommy.

"Mom...."

Lumapit naman siya sakin hinalikan ako sa noo. "How are you  Nicole?"

Yes, They are calling me Nicole while my friends calls me Shaina or Ina.

"I'm fine Mom," ani ko. "Kanina pa po ba kayo nakauwi ni Daddy?"

Tumango naman siya sakin. "May boyfriend or manliligaw ka na ba Nicole?"

Nasamid naman ako sa sarili kong laway saka napalingon kay Mommy pero seryoso lang siyang nakatingin.

"Wala pa po akong boyfriend Mom,"

"Hmm... Siguraduhin mo na kapag nagkaboyfriend ka ay makikilala namin ah?"

Tumango naman ako saka hinayaan na siyang makalabas nang kwarto ko.

Is this the right time to introduce Ryle to my family? Lord, Give me the sign please....

Kinabukasan,

Pumunta ako sa tambayan namin at naabutan ko silang kumpleto na.

"Good morning!" Ngumiti naman sila saki n mang batiin ko sila. 

Inakbayan naman ako ni Ryle saka hinalikan ako sa noo ko kaya napapikit ako.

"Nagbreakfast ka?" malambing niyang wika.

"Yes..." ani ko. Lumingon ako sa mga kaibigan ko. "Pasok na tayo?"

Sumang-ayon naman sila sakin saka sabay-sabay na kaming naglakad papunta sa room.

"Sunduin kita rito maya ah?" wika ni Ryle.

Ngumiti ako sa kanya tanda na sumasang-ayon ako sa kanya. Napansin ko naman ang paghalik ni Sandrei kay Cassie kaya nginitian ko ang kaibigan ko nang pang-asar habang namumula ito.

Hangang room ay wala kaming ginawa ni Tiffany kundi asarin siya kaya pikon na pikon naman ang babaita.

"Good Morning... Get one piece of paper, We'll have our long test...." wika nang prof.

Panatag naman ako dahil palagi naman akong nagrereview para sa ganitong instances.

*************

Maghapong lecture lang samin o kaya quizzes. Kasalukayan kaming naghahanap nang mapaparadahan ni Ryle dito sa Antipolo, Cloud 9.

Sobrang sikat 'to sa social media kaya nang tanungin ako ni Ryle ay itong lugar agad ang sinabi ko.

"Ready kana?" wika ni Ryle pagbaba nang sasakyan.

"Oo naman!!"

Hinatak ko na siya papunta sa pwede naming pasyalan. Wala kaming ginawa kundi magpicture at magharutang dalawa kaya hindi namin namalayan na inabot na kami nang gabi.

"9pm na pala..." Natatawang wika ni Ryle habang nakasandal kami sa sasakyan niya.

"Kaya nga e.... Ang saya kaya," ani ko.

Napatingin ako kay Ryle habang ini-scroll ang cellphone niyang puno nang picture namin.

"Ryle...."

Bigla naman siyang napalingon sakin dahil sa pagtawag ko sa kanya. "Hmm."

"Masaya ka ba?"

"Masaya ako kasi kasama kita," aniya.

kinagat ko yung ibabang labi ko saka tumingin sa kanya. "Paano kung hindi maging madali para satin ang magiging relasyon natin?"

Hindi ko alam kung bakit natanong ko ito. Dahil narin siguro alam kong lahat nang pagmamahalan ay may pagsubok.

"Shaina kahit ano pa yan, Ipaglalaban kita dahil mahal kita. Walang makakapagpabago nang nararamdaman ko sayo,"

Hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko saka dahan-dahang lumapit ang mukha niya sakin hangang sa naramdaman ko nalang ang labi niya sa labi ko.

Tinulak ko siya bahagya saka binigkas ang pangalan niya. "Ryle...."

"Hmm... I'm sorry, Hindi ko----"

"Okay lang Ryle," nakangiti kong wika.

Sa huli ay naisipan narin naming umuwi dahil may pasok pa kami bukas. Buti nalang din ay hindi na traffic pabalik dahil gabi narin naman.

"Thank you sa paghatid sakin..." ani ko.

Nginitian niya naman ako saka nagpaalam pero bago pa siya makasakay ay tinawag ko na siya.

"Ryle...."

Love Series 2: Complicatedly InloveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon