Chapter 47:

62 2 1
                                    


Katulad nang sinabi niya ay hindi talaga siya umalis kahit paulit ulit kong sinabi na umalis na siya. Kahit hindi ko siya kinakausap ay nanatili parin siya.

"Wala ka bang work Ryle?" tanong ko. Natigil naman siya sa paggamit nang cellphone nang magsalita ako.

"I took a leave," masayang wika niya.

Kinunotan ko naman siya nang noo. "And Tito Weinston let---"

"Yes..." pagputol niya sakin. "Actually, My Dad support me,"

Napailing nalang ako sa kanya. Binalik ko na ang tingin ko sa trabaho at hindi na uli siya pinansin.

"Umorder ako nang foods natin mahal," aniya.

Hindi ko siya kinausap or nilingon manlang. Naiirita ako sa kanya kapag nakikita ko siya.

Bakit ang mga lalaki ang kakapal ng mukha kahit nanloko na nagagawa pading humarap sa mga babaeng niloko nila?

Tumingon naman ako nang kumatok at dumungaw ang assistant ko.

"Ma'am, May naghahanap po sayo?" wika niya.

"Ah.. Baka yan na yung pagkain mahal, Ako nalang kukuha!" singgit ni Ryle.

"Hindi po delivery boy sir," wika naman nang assistant ko.

Inutusan ko naman siyang papasukin nalang ang bisitang sinasabi niya. Mayamaya ay pumasok ang isang lalaki na may dalang bulaklak at pagkain.

"D-Drake?"

Ngumiti naman siya sakin. "I bought you flowers and foods... Your Mom told me that you're here,"

Napalingon naman ako kay Ryle na ang dilim at sama nang tingin kay Drake.

"Uhm... You don't have to do this Drake," wika ko.

"Wala namang masama diba?" tanong naman niya.

Napansin ko naman ang pagkuyom nang kamay ni Ryle. Hindi magandang manatili si Drake dito.

"Alam ko na ginagawa mo ito dahil sa usapan nang parents natin pero Drake hindi ako magpapakasal sayo,"

"Bakit hindi? Single ka nanaman diba? Ayon sa Mommy mo,"

Napapikit na ako sa mga sinasabi niya. Kahit kailan talaga walang ginawang desisyon si Mommy na maganda para sakin.

"Who says? She's not single because I'm her boyfriend!" panghihimasok ni Ryle sa usapan namin.

Humalakhak naman si Drake saka nilingon siya. "Who says? I told you, Her Mommy told me that Nicole is single..."

"Hindi kami naghiwalay!"

Tinaasan naman siya nang kilay ni Drake.

Wag nilang sabihin na dito nila napiling mag-away, Sa harap ko? Sa loob nang opisina ko.

"Really? After what you did to her?!After you fucked someone behind her back?!" sarkastikong wika ni Drake.

Napapikit naman ako. Pati ba naman yung naikwento pa ni Mommy yung bagay na yun kay Drake.

Napatili nalang ako nang kwinelyuhan siya ni Ryle saka sinnandal sa pader.

Lumapit naman ako sa kanila saka hinawakan si Ryle sa braso.

"Tigilan niyo nga yan!" awat ko sa kanila.

"Wag kang makisali rito Shaina!" sabi ni Ryle.

Sinamaan ko naman siya nang tingin pero binalik niya lang ang tingin kay Drake.

Love Series 2: Complicatedly InloveWhere stories live. Discover now