Chapter 45:

70 0 3
                                    


Nagising nalang ako na nasa loob na ako nang kwarto kong mag-isa. Napalingon naman ako sa pinto nang makita ko si Mommy kasama ang isang katulong namin na may dala nang pagkain.

"Mom," ani ko.

Ngitian niya naman ako bago inutusan ang katulong na iwanan kami.

"Naikwento na sakin ng mga kaibigan mo ang nangyare," panimula niya.

Yumuko nalang ako dahil nahihiya ako sa kanya saka ayokong makita niya akong nasasaktan.

"Sinabi ko naman kasi sayo na lolokohin ka lang nang lalaking yon eh... Mga kabataan talaga ngayon puro puso ang pinapairal bago ang isip," aniya.

"Kalimutan mo na siya Nicole... Nanjan naman si Drake eh. Drake is much better than him," dagdag niya pa.

Sana nga ganon kadali ang lahat. Sana kapag tinulog natin yung sakit ay makakalimutan nanatin ang lahat pero hindi eh. Nanjan yung mag-dodoubt na tayo sa sarili natin kung bakit nila tayo nagawang lokohin.

Napalingon ako sa bintana nang marinig kong sumisigaw sila Kuya habang may tumitili.

"Ano po yun Mommy?" tanong ko.

Umiling lang siya sakin. Hindi ko na sana papansin nang marinig ko si Kuya Jasper na sumisigaw.

"Hayop ka! Pinagkatiwalaan ka nang kapatid ko. Nagkakagulo ang pamilya ko sa sobrang pagmamahal sayo nang kapatid ko pero nakuha mo pa siyang gaguhin!"

Bumangon naman ako sa kama saka lalabas nang hinawakan ako ni Mommy.

"Where are you going?" tanong ni Mommy.

"Si Kuya Jasper po Mom.. Sumisigaw siya at sure po akong si Ryle ang inaaway niya," ani ko saka tumakbo pababa.

Naabutan ko si Kuya Jasper na binunot ang baril nang gwardya namin sa bahay.

"Kung patayin nalang kaya kitang gago ka ha!" Tutok niya nang baril kay Ryle na puro dugo sa mukha.

Tumakbo naman ako saka hinarang ang sarili ko sa harap ni Ryle.

"No kuya please....." awat ko. Naramdaman ko naman yung braso ni Ryle na humawak sakin.

"Umalis ka jan Shaina Nicole!" matigas na utos ni Kuya sakin.

Umiling naman ako sa kanya. Tinulungan naman ng mga kaibigan ko si Ryle na makatayo.

"Niloko ka niya pero bakit pinagtatanggol mo padin siya ha?" sigaw ni Kuya sakin.

"T-Tapos na po kami... Tinapos ko na kung anong meron kami kaya please tama na,"

Padabog niyang binalik ang baril sa guard saka pumasok sa loob nang bahay.

"Paalisin mo na yang lalaking yan Nicole kundi ako ang makakapatay jan," banta ni Kuya Jupiter bago pumasok sa loob nang bahay.

"Mahal..." tawag ni Ryle sakin.

Pinunasan ko ang luha ko bago humarap sa kanya.

"Umuwi ka na Ryle at wag ka nang babalik dito samin,"

"M-Mahal please.... Hindi ko alam kung anong nangyare basta paggising ko nandon na ako sa loob nang lugar na yun," aniya.

Gusto kong maniwala pero sino ba ang maniniwala sa dahilan niya.

Umiling na ako sa kanya habang umiiyak. "Tama na... Ryle, Just accept the fact that weren't meant to be,"

Patuloy lang sa pagiyak si Ryle habang umiiling sakin. "H-Hindi ko kayang wala ka sakin,"

Love Series 2: Complicatedly InloveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon