Chapter 46:

59 0 0
                                    

"Nicole," wika ni Mommy habang nasa hapagkainan kami. "Single ka naman ngayon, Siguro naman hindi ka na magmamatigas at magpapakasal kana kay Drake,"

Tumingin naman ako kay Mommy saka ngumiti nang alanganin.

"Single po ako pero hindi po ibig sabihin 'non ay magpapakasal na po ako sa iba," ani ko.

Sinamaan niya naman ako nang tingin.

"Mom, Kahihiwalay ko pa lang po kay Ryle at aaminin ko sainyo na mahal ko padin siya kaya hindi ganon kadali ang hininhingi niyo," dagdag ko.

Binagsak niya ang kubyertos kung bakit nag-ingay sa kusina namin.

"Ano bang meron sa lalaking yan at ganyan ka katanga?!" gigil na wika niya.

"Ano po bang meron kay Drake at ganyan po kayo ka-eager na maikasal kaming dalawa?" wika ko. "Is it about his business?"

Padabog na tumayo si Mommy saka hinampas ang lamesa namin. "Don't talk to me like that! Baka nakakalimutan mo na kung sino ako ha. You're just my daughter!"

Yeah. I'm your daughter. Not your investment.

"Excuse me po... Kung wala nang patutunguan ang usapang ito ay papasok nalang ako sa trabaho ko." Tumayo na ako saka lalabas na sana.

"Bunso hindi ka pa tapos kumain ah?" singgit ni Kuya Jupiter.

Umiling nalang ako sa kanya. "I already lose my apetite,"

Naglakad na ako palabas nang marinig ko si Kuya Jasper na tinatawag ako.

"Hatid na kita sa botique?" tanong niya.

"I thought you have your meeting?"

Ngumiti siya sakin. "You know that I always have time for my princess right?"

Napangiti naman ako saka umikot papunta sa passenger seat. Habang nasa byahe kami ay naisipan kong kausapin si Kuya Jasper.

"Kuya, Bakit hindi ka pa po nag-gigirlfriend uli?" tanong ko.

Naubo naman siya sa tanong ko saka sinimangutan kaya ngumiti lang ako sa kanya.

"Why are you curious about my lovelife?" Nakataas na kilay niyang tanong.

Nagkibit-Balikat lang ako. "I was just curious... Parehas kayo ni Kuya Jupiter walang pinakikilalang girlfriend,"

Hindi naman siya kumibo sakin at nagmaneho nalang kaya dinagdagan ko pa ang pagtanong.

"Or baka naman kasi you're busy with your sexlife Kuya," panunukso ko.

"Shaina Nicole, Your word!" saway niya.

Tinawanan ko naman siya dahil halatang nainis siya sakin.

"Come on Kuya, Tell me kung bakit hindi ka pa nag-gigirlfriend?"

"Wala.. Ayoko pang mag-girlfriend. Kailan ko na ba?" aniya.

"Duh... You're already 30 years old baka naman maunahan pa kitang mag-asawa." Halakhak ko pa habang sinasabi sa kanya.

Tinaasan naman niya ako nang kilay at ngumisi. "Nah.. That will not happen,"

"And why?"

Nakangisi padin siya habang nagmamaneho saka lumingon sakin.

"Remember, Kahihiwalay mo pa lang kay Ryle or baka naman papakasalan mo si Drake?"

Sinamaan ko naman siya nang tingin. Kailangan ba talagang banggitin si Ryle sa usapan namin.

Love Series 2: Complicatedly InloveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon