Chapter 48:

76 0 1
                                    


Kinabukasan, Naramdaman ko nalang ang panggising sakin ng kapatid ko.

"Kuya, Ano ba! Kita mong natutulog ako eh..." Tumalikod nalang ako sa kanya pagkatapos kong tapikin ang likod nang kamay niya.

"Gumising ka nga Nicole!" malamig na wika ni Kuya Jupiter.

Bumangon naman ako saka sinamaan siya nang tingin. "Ano ba yun?!"

Kung masama ang tingin ko sa kanya ay mas lalong masama ang tingin niya sakin.

"Yung ex mong gago nasa baba!" inis niyang wika. "Ang hindi ko lang maintindihan kung anong ginagawa niya dito at samantalang noong nakaraan halos patayin na yun ni Kuya Jasper,"

Bigla kong naalala na may lakad pala kaming magbabarkada ngayon.

"Bakit ka ba kasi tinanghali nang gising?" tanong niya pa habang nagliligpit ako nang pinaghigaan ko.

Umiling lang ako sa kanya saka umiwas nang tingin.

"Did you cry? Namamaga konti ang mata mo,"

Napakachismoso talaga nang kapatid ko. Hindi tumitigil habang walang nalalaman.

Kaya ako napuyat dahil naalala ko yung pagtatalo namin ni Ryle kahapon pati narin yung mga alaala namin.

"Maliligo na ako Kuya kaya tumigil ka na sa katatanong... Kalalaki mong tao pero napakachismoso mo." Inirapan ko siya bago pumasok sa banyo ko.

Hindi ko rin naman sila masisi kung nagtataka sila dahil ngayon lang din ako nakakita nang ex na walang tigil sa pagpunta kung nasan ang ex girlfriend nila.

Naabutan ko si Ryle na nakaupo sa sala habang si Kuya Jasper ay nakaupo rin sa kabilang sofa.

"Ryle?"

Tinignan niya naman ako mula ulo hangang binti.

"Ganyan ang susuotin mo?" aniya.

Tinignan ko naman ang sarili ko kung may mali ba sa suot ko bago binalik ang tingin sa kanya.

"There's nothing wrong with my outfit,"

Aalma pa sana siya pero bigla siyang tumigil saka ngumiti nang alanganin bago lumapit sakin.

Akala ko kung anong gagawin niya kung bakit siya lalapit. Nagulat nalang ako nang palapit na ang mukha niya sakin kaya agad akong umiwas.

"Baka inaantay na tayo nila Cassie?" ani ko.

Ngumiti at tumango naman siya sakin kaya nagpaalam naman ako sa dalawang kapatid kong kanina pa nakabantay kay Ryle.

Habang nasa byahe kami ay nakatingin lang ako sa labas nang bintana.

Hindi ko alam kung tama bang sumasama pa ako kay Ryle. Hiwalay na kami. Nakipaghiwalay na ako sa kanya pero walang maniniwala kung palagi kaming makikitang magkasama.

"kanina...." Napalingon naman ako sa kanya nang pinutol niya ang sinasabi niya sakto naman nag-stop light.

Hindi nalang ako kumibo para ipagpatuloy niya ang gusto niyang sabihin.

"Nagkita kami ni Iwona," pagpapatuloy niya.

Hindi ko alam kung ano bang dapat kong sabihin. Wala akong mahanap na salita sa narinig ko sa kanya.

"I mean pinuntahan niya ako sa bahay ko pero hindi ko gustong magkita kami," paliwanag niya pa.

Umiwas naman ako nang tingin bago nagsalita sa kanya. "May lakad ba kayo? Pwede akong mag-taxi and... I'll explain to our friends,"

Love Series 2: Complicatedly InloveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon