Chapter 20:

45 1 0
                                    

Naalimpungatan ako sa maingay na cellphone ni Cassie.

"Cassie, Sagutin mo nga yang cellphone mo!" inis kong wika saka bumalik sa tulog nang inalog naman kami ni Cassie.

"Gumising na kayo! 12pm na beb,"

Napadilat naman ako sa sinabi niya kasi sabi ni Tita Ria ay 12pm dadating ang make up artist namin.

Bumaba na kami papunta sa kusina nila.

"Aakyat pa lang sana ako para gisingin kayo," wika ni Tita Ria.

"Pasensya na po tinanghali nang gising My," ani Cassie.

Pinag-uusapan lang nila ang bubuksan nilang shop na ginagawa na ngayon since malapit na kaming grumaduate.

"Ma'am nandito na po ang mga make up artist," wika nang isang katulong.

Lumabas naman nang kusina si Tita Ria at kaming tatlo naman ay agadd umakyat para maligo na.

Nakita ko namang umiilaw ang cellphone ko at tumatawag si Ryle pero hindi ko nalang pinansin at dumiretso sa cr na nasa labas nang kwarto ni Cassie.

Pagkatapos ko maligo at naka-bathrobe lang ako ay doon ko kinuha ang cellphone ko.

"Hello mahal," bati ko.

[Bakit hindi mo sinasagot ang tawag ko?] inis na wika ni Ryle.

"I'm sorry.... Nalate kasi kami nang gising kaya nagmamadali kami eh,"

[Inaayusan na ba kayo?]

"Hindi pa mahal... Inaantay lang namin dito sa kwarto ni Cassie,"

Bigla akomg napatingin kay Cassie nang tinawag niya ako.

"Picture tayo Beb!" Pinapakita niya sakin ang kanyang cellphone.

Tinaas ko lang ang kamay ko sa kanya saka binalikan si Ryle sa cellphone.

"Mahal, See you later nalang ha? I love you!" paalam ko.

[ Can't wait to see you mahal ko... I love you too!] saka pinatay ang linya.

Napangiti nalang ako dahil sa sobrang sweet ni Ryle sakin.

"Are you kinikilig?" pang-aasar ni Cassie.

Inilingan ko siya saka inirapan. "Tara na nga at magpicture,"

Tumigil lang kami sa pagpicture dahil sa pagkatok at pumasok si Tita Ria.

"Nako... Ma'am, Mukhang hindi naman kailangan pang-ayusan ang mga dalang ito eh. Ang gaganda na," nakangiting puri nang bakla samin.

Humalakhak naman si Tita Ria saka hinawakan sa braso si Cassie.

"Wala naman akong sinabing panget ang anak ko saka mga kaibigan niya," aniya saka humarap kay Cassie. "Sila na ang bahala sainyo ng mga kaibigan mo ha?"

Tumango naman si Cassie saka nagpasalamat. Tita Ria is the best example of the best mother in the world even my Mom didn't treat me that way since she's always busy to her company.

"Thank you po Tita," ani ko. Nginitian niya lang ako saka dumiretso na sa labas.

Pinaupo narin kami ng mga make up artist at sinimulan ang pag-aayos sakin. I'm just browsing on my account when my phone ring.

"Hmm... Hello po Mom,"

[Where are you?] wika ni Mommy.

"Nasa bahay pa po nila Cassie... Inaayusan po ako,"

[Papuntahin ko si Drake jan. Siya nalang ang maghatid sayo sa university,]

Bigla naman akong napasimangot sa narinig ko sa kanya at bigla naman nagsalita ang make up artist ko.

Love Series 2: Complicatedly InloveWhere stories live. Discover now