Chapter 41:

51 1 1
                                    

Dalawang araw na ang lumipas mula nang malaman ni Ryle ang totoo pero hangang ngayon hindi ko padin siya nakakausap.

Sinusubukan ko araw-araw na tawagan siya pero kundi nakapatay ay hindi niya sinasagot. Miski sila Sandrei ay hindi alam kung saan pumunta dahil hindi rin naman umuuwi sa bahay nila.

Kasalanan ko ang lahat kung bakit nangyayari ang lahat nang ito. Kung bakit nasasaktan si Ryle ngayon.

Mula din nang mangyari yun ay hindi ako nakakakain nang maayos lalo na kung kasabay ko ang pamilya ko.

Hindi narin ako pumapasok sa trabaho at si Kuya Jasper ang nagaasikaso nang botique.

Nakatingin lang ako sa bintana nang biglang pumasok si Mommy sa kwarto ko.

"Hangang kailan ka magkakaganyan nang dahil lang sa lalaking yun ha? Hindi ka na pumapasok nang trabaho at miski kumain ay hindi mo magawa! Sinukuan kana niya kasi hindi ka niya mahal!" sigaw ni Mommy sakin.

"Mahal niya ako... Sumuko siya, Oo kasi dahil sayo at ni Daddy dahil ang selfish niyo! Puro sarili niyo lang ang iniisip niyo at hindi ko kayo mapapatawad."

Bago pa siya makapagbitaw ng salita nang magsalita si Daddy mula sa likod namin.

"Estella, Tigilan mo na ag anak mo. Tara na!" Hinila nanaman siya ni Daddy palabas nang kwarto ko.

Kinagabihan ay mas pinili kong hindi kumain kaysa makasabay sila sa hapagkainan. Kung si Ryle napagod na sakin, Ganon din ako. Napagod na ako sa pamilya ko.

"Bunso, Dinalhan kita nang pagkain," lambing ni Kuya Jupiter.

"Hindi po ako nagugutom,"

"Iiwan ko nalang dito kapag gusto mo nang kumain ha? Ilang araw ka nang tinapay ang kinakain at masyado ka nang pumapayat... Wag mo naman pabayaan ang sarili mo kapatid kasi nag-aalala sayo si Kuya,"

Hindi ko nalang siya kinibo saka tumalikod sa kanya. Narinig ko nalang ang pagsara nang kwarto ko.

Ayoko na dito. Hindi ko na kayang magpanggap na  magiging okay kaming pamilya.

Tumayo ako saka kinuha ang bag ko at naglagay nang konting damit at importanteng gamit ko.

Dahan-dahan akong naglalakad palabas nang bahay dahil baka may magising isa sa kanila. Oo aalis ako nang bahay.

Hindi ko alam kung saan ako mapupunta or san ako maninirahan pero ayoko na dito.

Sa tuwing nakikita ko ang pamilya ko naaalala ko kung bakit ako iniwan ni Ryle, Kung bakit siya sumuko sakin.

Hindi ako galit kay Ryle na hindi niya ako pinakinggan kasi tama siya, Madami akong oras para sabihin sa kanya ang totoo pero pinili kong itago sa kanya ang lahat.

Sa pag-alis ko ay dinala ako sa probinsya ng cavite nang bus na sinakyan ko. Nag-check in nalang ako sa mumurahing hotel para matipid ang pera ko.

After ko kasi mag-withdraw sa kanto namin bago lumayo ay pinili kong di gamitin ang atm card ko para hindi nila ako mahanap.

Mabuti nalang din na maganda ang napuntahan ko. May dagat na pwedeng pagkalibangan.

Napatingin ako sa cellphone kong tumutunog. Lumabas naman dito ang  pangalan ni Cassie.

"Hello..." matamlay kong wika.

[Where are you? Sinabi nila Kuya Jasper na naglayas ka raw,]

Kung normal ang lahat baka natawa ako kay Cassie pero sa ngayon hindi ko na alam kung magiging masaya pa ba ako.

"Wala namang naglayas na nagsabi kung nasan siya Cassie,"

[I'm serious Ina!] may naririnig pa akong nagbubulungan sa kabilang linya na sa tingin ko ay boses nila Kuya at mga kaibigan ko.

"And I'm serious too... Alam kong nanjan ka sa bahay namin ngayon Cassie. Wag niyo na akong hanapin. Hindi na ako babalik sa bahay na yan. Pakisabi sa pamilya ko na kalimutan na nila ako dahil hinding hindi na ako babalik. Ayoko nang maging Fuentabella,"

Pinunasan ko naman ang luhang pumatak sa mga mata ko.

[Ina...]

"Bumalik na ba si Ryle? Nakausap niyo na ba siya?"

[Ina nandito kaming mga kaibigan mo please...]

Kinagat ko yung ibabang labi ko para mapigilang ang hikbi ko. "Bumalik na ba siya Cassie?"

[Hindi pa,] aniya.

Napatango-tango naman ako sa narinig ko mula sa kabilang linya.

"P-Pagbalik ni Ryle. Pakisabi sa kanya na patawad... Sorry sa mga nagawa ko sa kanyang mali at.... Hiling kong sumaya siya."

Hindi ko na napigilang mapahikbi. Knowing na baka hindi na kami magkabalikan ni Ryle.

"M-Maging masaya siya kahit.... Sa piling nang iba." Pinatay ko na ang tawag pagkatapos kong sabihin ang mga yun.

Tama ang ginawa mo Shaina. You hurt him too much and he doesn't deserve that. Even it hurts, You should let him go.

Hindi ko alam kung paano ako magsisimula dito pero kakayin ko kasi hindi ko kakayaning manatili sa bahay na yun na kasama ang taong dahilan kung bakit nawala ang lalaking mahal ko.

Pinili ko nalang maglakad lakad para makaamoy nang sariwang hangin at bumili nang makakain ko para ngayong hapunan.

"Magkano po itong dinuguan Ate?" tanong ko.

"50 pesos at 12pesos ang kanin," aniya.

Ngumiti naman ako sa tindera saka bumili nang isang tig-isang order saka inabot ang bayad.

Pagkatapos ko ang bumili ay bumalik rin agad ako sa hotel. Wala din naman ako sa mood maglakad-lakad nang matagal dahil kanina pa ako nakaramdam nang antok.

Katulad padin kanina ay wala pading tigil sa pagtawag sakin sila Kuya at ang magulang ko pero hindi ko padin sinsagot miski ang isang tawag mula sa kanila.

Kinuha ko naman ang cellphone ko saka nagtype nang message para kay Ryle.

Ryle:

Hi, Ryle... Alam kong hindi ka padin umuuwi sa pamilya mo pero gusto ko lang sabihin mo na wala nang rason para lumayo ka don... Dahil hindi na kita guguluhin pa. Wala na ako sa maynila kaya bumalik ka na.
Kailangan ka nila at ng mga kaibigan natin. I hope someday kahit friends lang maibigay mo sakin kapag nagkita tayo. Hindi ko alam kung tapos na ba tayo or tinapos mo na ba tayo pero gusto kong malaman mo na minahal kita mula noon hangang ngayon. Hindi nga lang ata talaga tayo para sa isa't isa kaya yung destiny na ang gumawa nang way para satin... I'm sorry for hurting you! I'm sorry for not telling you the truth! I'm just looking for a right timing. Hiling ko ang maging masaya ka kahit sa piling ng iba at sana hindi ka na makakatagpo nang babaeng sobrang komplikadong mahalin. I love you Ryle with all my heart.

Sent: 9:01pm

Hindi ko namalayang habang tinatype ko yung text ko kay Ryle ay umiiyak na pala ako. Hindi ko akalain na aabot kami sa ganito.

Hindi man maliwanag na nakikipaghiwalay na siya sakin pero siguro tama naring itigil nanamin ang lahat para hindi ko na siya masaktan. Hindi ko na masaktan ang lalaking walang ginawa kundi ipaglaban ako sa pamilya ko.

He deserve more than anything in this world but I'm not part of it.




Love Series 2: Complicatedly InloveWhere stories live. Discover now