Chapter 39:

43 1 0
                                    

Dahil masyado kaming nag-enjoy ni Ryle sa pag-swimming ay napagdesisyunan naming bukas nalang umuwi dahil inabot na kami nang dilim.

Kasalukuyan kaming nasa loob nang suite namin habang si Ryle ay naglalaro nang ML.

"Mahal, Labas lang ako saglit ha?" paalam ko.

Lumingon muna siya sakin saglit bago sumagot. "Wait lang ha. In game pa ako eh,"

Napailing nalang ako dahil mukhang gusto pa ata akong samahan.

"Mahal, Hindi mo na ako kailangan samahan pa,"

"Pero----"

Bago niya pa matapos ang sasabihin niya ay nagsalita na uli ako.

"Mahal, Saglit lang ako. Hayaan mo na akong lumabas,"

Tumingin naman siya sakin kaya nginitian ko siya at pinagdikit ang dalawang kamay ko.

"Please...."

Bumuntong-hininga naman siya saka tumango sakin. Hinalikan ko nalang siya sa pisngi bago lumabas nang suite namin.

Actually, Kaya ako nagpaalam lumabas kasi gusto kong supresahin si Ryle. Kinausap ko ang isang staff sa hotel para mag-set ng place na may table for two.

Oo babae ako. Pero hindi porket babae ako ay puro si Ryle nalang ang gagawa nito. Mula nang pumasok ako sa relasyon namin laging si Ryle ang nag-susurprise sakin.

He did everything to make me happy that's why I decided to do this.

"Sir, Okay na po ba? Naka-set na po?" tanong ko pagkadating ko sa pinagpwestuhan nila nang table.

Hindi ko naman maiwasang mapangiti sa naging itsura nang paligid. Sobrang ganda at sobrang sarap tignan nang paligid.

"Thank you... Sobrang na-appreciate ko yung tulong niyo," pagpapasalamat ko.

"Walang anuman po Ma'am. Bale kapag sumayaw po kayo saka namin sisimulan ang fireworks," wika nang isang staff.

Tumango naman ako sa kanila saka sila umalis. Kinuha ko naman ang cellphone ko para tawagan si Ryle.

[Mahal,] bungad niya sa kabilang linya.

"Labas ka?" ani ko. "Punta ka dito malapit sa dagat,"

Narinig ko naman ang yapak niya sa kabilang linya. [Sige wait lang! Bakit?]

"Wala naman mahal... Ang sarap kasi nang hangin dito para naman ma-enjoy natin ang araw na ito,"

[Antayin mo ko jan. I love you!] at pinatay niya na ang tawag.

Nagtago naman ako sa may bandang kurtina na nilagay nang staff habang inaantay sa pagdating ni Ryle.

Hindi rin naman nagtagal nang marinig ko yung boses ni Ryle na tinatawag ako.

"Mahal..." aniya. "Nasan ka?"

Nagpatugtog naman sila nang sweet song kasabay nang pagpapakita ko kay Ryle.

"Suprise!"

Tumingin sakin si Ryle saka tinignan yung ayos nang paligid namin.

"Ano 'to? I mean bakit mo ito ginagawa?" naguguluhan niyang wika.

"What do you think Ryle?" ani ko. "Hindi pa tapos ang anniversary natin. So, It's okay to celebrate right?"

Nakita ko naman ang pagkinang nang mata niya saka ngumiti sakin.

"You don't have to this. Well, I appreciate it but... Babae ka eh, Ako ang dapat gumagawa nito para sayo,"

Humalakhak naman ako saka lumapit sa kanya. "It doesn't matter Ryle. Mahal kita at mahal mo ako. Tayong dalawa ang bumubuo nang relasyon na ito kaya wala akong makitang mali na ako ang sumorpresa sayo sa ganitong paraan,"

Love Series 2: Complicatedly InloveKde žijí příběhy. Začni objevovat