Chapter 17:

39 1 1
                                    


Dahil sa naging sagutan namin ni Daddy ay hindi ko siya magawang kausapin.

Yes, Naguguilty ako sa ginawa ko pero di ko maiwasang mainis dahil kinokontrol nila ako masyado.

Tahimik lang ako sa buong klase mula pa kaninang umaga. "Mahal,"

Lumingon naman ako kay Ryle nasa gilid ko lang.

"Are you okay?"" nag-aalalang wika niya. "Mula kasi nung sinundo kita hangang ngayon ay tahimik ka... Sabi din nila Cassie tahimik ka rin sa lahat nang klase niyo,"

"I'm okay mahal," tipid kong wika.

"Are you sure beb? You know naman na always kaming nandito for you diba?" panghihimasok ni Cassie na kanina pa pala nakikinig samin.

Bumuntong-hininga naman ako saka sumandal sa puno na nasa tambayan namin. "Nagkasagutan lang kami ni Daddy kagabi,"

"Ha? Bakit?" ani Cassie.

Hindi nalang ako kumibo at nagkibit-balikat lang ako sa kanila.

"Is it about what I said? Because your Dad doesn't like me for you?" biglang wika ni Ryle.

Umiwas nalang ako nang tingin sa kanya.

"Ayokong mag-away kayo nang family mo pero di ko maiwasang matuwa kasi nagawa mo yun para sakin,"

Ngumiti ako sa kanya saka sumandal ako sa balikat niya.

"Mahal na mahal kita Ryle..."

"Mahal na mahal din kita Shaina!" Dinampi niya ang labi niya sakin.

Sabay-sabay kaming nagpunta sa parking ng university.

"Mahal, Gusto mo ihatid nalang kita sainyo?" ani Ryle.

Umiling naman ako sa kanya. "No need na mahal... Besides, Diba may family dinner din kayo?"

"Sure?"

"Yes..." Napalingon ako sa familiar na sasakyan at nakita ko si Mommy na sakay nito. "Sinundo ako ni Mommy,"

Nilingon ni Ryle ang Mommy ko sa nginitian pero tinarayan lang siya nito.

"Pasensya na... Text me if you have time mahal," ani ko saka hinalikan siya sa labi. "I love you!"

Nginitian niya naman ako saka binitawan ang kamay ko. "I love you too mahal,"

Tumakbo na ako papunta sa sasakyan namin saka pumasok. Kumaway nalang ako sa mga kaibigan ko hangang lumayo na ang sasakyan namin.

"Kailangan ba talagang mag-PDA kayo sa university na yun?" madiing wika ni Mommy.

"Mom... Boyfriend ko po siya kaya wala po akong nakikitang mali,"

Tinaasan niya ako nang kilay bago humarap sa daanan. "Boyfriend? Hindi mo kailangan ipangalandakan sa buong university ang relasyon niyo! Maghihiwalay din naman kayo!"

"Please, Mom stop! If you want to continue this dinner, Wag na po natin ito pag-awayan." Ani ko. "And... Hindi kami maghihiwalay ni Ryle,"

Hindi nalang siya kumibo sa sinabi ko hangang makarating kami sa restaurant na nireserve niya raw para saming dalawa.

"Mom, Ano pong meron? Bakit po parang ang sweet ng ambiance?" naguguluhan kong wika. "Nakatingin na nga po ang ibang customer satin,,"

Nginitian niya lang ako bago nalipat ang tingin sa likuran k bago nagsalita. "You finally came!"

"Ofcourse Tita... Who wouldn't like to date your only daughter?" makisig na wika nung lalaking nasa harapan namin.

Date? Daughter? Nabibingi ba ako? Sino ang idadate niya?

"Mom, What is the meaning of this?" naguguluhang wika ko. "Who is he? Is he one of your staff?"

Nginitian naman ako ni Mommy saka sinenyas sakin yung lalaki kanina na nakalapit na pala samin.

"Nicole, This is Drake,Anak nang business partner ko... Drake this my daughter Shaina Nicole Fuentabella," ani Mommy.

Nilahad naman nung Drake ang kamay niya sa harap ko para makipag-shake hands. Hindi ko magawang tanggapin kasi feeling ko di tama ang ginagawang ito ni Mommy.

"Nicole, Hindi kita pinag-aral para maging bastos!" madiing wika ni Mommy.

Nilahad ko nalang ang kamay ko kay Drake.

"Oh, Paano mauuna na akong umalis muna ha? Drake, Take care of my daughter!" ani ni Mommy habang sinasabit ang bag sa balikat niya.

"Mom, Tayo ang kakain diba?" wika ko.

"No, Nicole... You'll have your dinner date with Drake." Naglakad na si Mommy palabas nang restaurant at kahit anong tawag ko sa kanya ay hindi siya lumilingon sakin.

"So... Let's eat?" wika ni Drake.

Sinimangutan ko siya pero ngiti lang sinusukli niya sakin.

"Look, Drake hindi natin kailangan magplastikan dito... Hindi ko alam kung anong kasunduan ang inihain ni Mommy sayo para gawin 'to pero wala akong idea na sinet up niya ako sa isang date na hindi ko kilala," ani ko.

"And your point is?" nakangising wika niya.

"My point is I want to go home and we don't need to do this,"

"Sa tingin mo ba magpapadala ako sa kung sino para gawin ang gusto nila?" aniya. "Sabi nga ni Tita Estella ay hindi ka bastos right? So, Ipagpatuloy nanatin 'to,"

Hinawakan niya pa ako sa balikat at pilit inuupo habang nagsasalita. Agad ko namang tinanggal ang kanyang kamay sa balikat ko.

"Don't touch me!" inis kong wika. Tinaas niya naman ang kamay saka umupo sa upuan sa harapan ko.

Hindi rin naman nagtagal ay dumating na yung inorder ni Mommy  para samin.

"I'm curious... Bakit ka sineset up nang Mommy mo sa isang blind date?" biglang wika ni Drake.

"Chismoso..." bulong ko sa sarili ko.

Tinaasan niya naman ako nang kilay habang nag-aantay nang sagot ko.

"As you can see Nicole... You're beautiful and for sure everyones admires you," paliwanag niya. "No boyfriend? Iniisip nila na magmamatandang dalaga ka?"

Sinamaan ko siya nang tingin sa sinabi niya. I hate his guts for godsake!

"Oh, Calm down woman! I'm just asking."Kibit-balikat niyang wika.

"I do have a boyfriend! I don't know you and maybe, That's enough reason for you to stop asking a personal reason!"

Shaina, Pretend. That's the only way to end this night after this night it will never happened again.

"I don't believe you... That's imposible! If I have a girlfriend, I won't let my girlfriend go out with someone else!" aniya.

He's right...

Bigla kong naisip si Ryle. I know that he won't like this once he knows about this but what should I do right? Naipit ako. At ayoko namang bastusin si Mommy.

"Then don't believe... I don't care!" malamig kong wika saka nagfocus nalang ako sa pagkain ko.

Nabigla ako sa pagdampi nang kamay ni Drake na pinupunan nang tissue ang labi ko.

"Shaina,"

Mas lalo akong nabigla at nanlamig nang marinig ko ang boses na tumawag sakin.

Love Series 2: Complicatedly InloveWhere stories live. Discover now