Chapter 29:

41 0 0
                                    

Napalingon ako sa likuran ko at doon ko naabutan si Ryle, Ulysses at Tiffany.
Nakita ko ang pangangamba ni Tiffany.

"K-Kanina pa kayo?" kinakabahang tanong ko.

Umiling si Ryle sakin. "Hindi mahal... Bakit? Sino ba ang ikakasal?"

"Wala yun mahal... Yung pinsan ko kasi," wika ko habang nakatitig sakin si Ryle. "Ipapakasal siya nang parents niya sa taong hindi niya mahal,"

Bigla namang sumingit si Ulysses sa usapan namin.

"Ah, Arrange marriage? Uso ata talaga yan lalo na sa pamilyang mayayaman," wika ni Ulysses.

Tumango nalang ako saka lumingon kay Ryle na nakatingin lang sakin.

"Si Cassie? Ano nang nangyari?" wika ko.

"Pupunta tayong ospital kasi sumakit dibdib ni Tito," wika ni Ryle.

Dumiretso na kami sa ospital na pinagdalhan kay Tito. Lahat kami nagmamadali para makarating kung nasan sila Cassie.

Cassie needs us now. She needs her friend.

"Beeeeb!" tawag ko.

Yinakap niya naman ako nang mahigpit. "I'm scared... What if something happens to my Dad?"

"Shhh... Your Dad is strong okay? Walang mangyayaring masama," pang-aalo ko sa kanya.

Inantay nalang namin ang paglabas ng doctor habang si Cassie at Tita Ria ay hindi mapakali.

Nang sinabi naman ng doctor na okay si Tito ay pinayagan din itong ma-discharged.

Mas nauna lang kaming umuwi nila Ryle para makapagpahinga nadin. Pagdating ko sa bahay ay naabutan ko sila Mommy na naguusap sa living area.

Humalik naman ako sa kanila saka naglakad na paakyat pero biglang nagsalita si Mommy.

"Hindi ba kayo magkikita ni Drake?" tanong ni Mommy.

"For what po?"

"You need to know each other before dunating yung araw nang kasal niyo,"

Gusto kong umirap sa sinabi ni Mommy pero pinigilan ko para hindi naman ako masabihang bastos.

"No need po... I'm not getting married! I'll not marry him,"

"Nico-----"

Bago niya pa matapos ang sasabihin niya ay pinili ko nalang putulin ang sinasabi niya.

"I'm tired po... I want to rest." Lumakad na ako paakyat nang kwarto ko.

Binagsak ko ang katawan ko sa kama ko. Napapagod na ako sa araw-araw. Napapagod na akong intindihin sila Mommy.

Makalipas ang ilang oras ay pinuntahan ko sila Kuya Jasper sa kwarto nila.

"Kuya...." Kumakatok ako sa kwarto ni Kuya Jasper.

"Yes bunso?" sigaw nito bago ako pagbuksan nang pinto.

Pumasok naman ako saka naupo sa kama niya.

"What do you need bunso?" malambing na tanong ni Kuya Jasper.

Bumuntong-hininga ako saka tumingin sa bintana niya.

"I thought you'll help me to stop this bullshit arrange marriage of mine?"

"Your words Shaina Nicole!" madiing wika ni Kuya.

Napailing ako sa kanya saka tinakpan ang mga mata ko.

"A-Ayoko na... I should be happy that finally ay makakagraduate na ako pero bakit hindi ako excited Kuya? Napapagod na akong magsinungaling kay Ryle para matago 'to!"

Love Series 2: Complicatedly InloveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon