Chapter 13:

40 1 0
                                    

Tinaasan ko nang kilay ang babaeng tumawag kay Ryle pero hindi niya nakita dahil naka-focus siya lang siya sa boyfriend ko.

"Oh... Tawag ka nang Iwona mo!" ani ko.

Hinawakan naman ni Ryle ang baywang ko at isang kamay ko saka bumulong sakin. "Don't mind her Mahal,"

"Ryle, Kanina pa kita hinahanap para ibigay sayo itong favorite mong carbonara," ani Iwona.

Hinayaan ko lang siya sa pangungulit niya kay Ryle kahit alam ko namang hindi siya papansinin nito. Hinawakan niya pa sa braso si Ryle saka hinila kaso binalya siya ni Ryle.

"Ano ba!" sigaw ni Ryle pagkatapos siyang balyahin kung bakit natapon yung dala niya. "Pwede ba Iwona Tigilan mo na ako! Hindi kita gusto!"

Hinawakan ko sa braso si Ryle para mapakalma siya dahil ngayon ko lang siya makitang sigawan si Iwona.

"Mahal kumalma ka," bulong ko sa kanya.

Babalik na sana kami sa upuan namin nang biglang binato sakin ni Iwona ang carbonara na nahulog sa sahig.

"Oh my god!" tili ko. "Ano bang problema mo?"

Hinawakan naman ako nila Cassie at Tiffany para mapigilan sa paglapit kay Iwona.

"Masaya ka kasi hindi tinanggap ni Ryle yung carbonara diba? Oh, Ayan ang bagay sayo," sigaw ni Ryle.

Nginisian ko muna siya bago magsalita. "Wow ha? Ni hindi mo nga ako nakitang ngumiti eh.. Kasalanan ko ba kung hindi ka gusto nang boyfriend ko? Napaka-cheap mo kasi! Akala mo mauubusan ka nang lalaki kaya kahit boyfriend ko nilalandi mo!"

"Bitc-----"

"Oh, No! Ikaw ang bitch dito! Sino ba ang amo mo ha? Yang si Ate Candice?!" Turo ko sa kapatid ni Cassie.

Alam kong pwede kaming mag-away ni Cassie dahil dinamay ko ang kapatid niya pero wala na akong paki.

Sasampalin niya sana ako nang hinawakan ni Ryle ang braso niya.

"Wag mong subukan Iwona! Baka makalimutan kong babae ka at mapatulan kita nang wala sa oras!"

Sumingit naman si Tiffany samin saka hinawakan ako.

"Tama na yan! Wag niyong ibaba ang sarili niyo sa walang kwentang tao!" aniya. "Let's go Ina... Magpalit ka nang damit mo,"

Naglakad na kami papunta sa girls restroom para makapagpalit na dahil malapit na ang next class namin.

"Okay ka na?" tanong ni Cassie.

Tumango naman ako sa kanya saka humarap sa salamin.

"Nakakaasar talaga!" gigil kong wika.

"Calm down na Beb! Wag mo na silang isipin," wika ni Cassie sakin.

Narinig ko namang tumunog ang bell sa university kaya naglakad na kami papunta sa room namin.

Naabutan ko sila Ryle na nasa harap nang room namin.

"Mahal, Okay ka na ba?" nag-aalalang wika ni Ryle.

"Oo!"

Sumimangot naman siya sakin.

"Oh, Bakit mo ako sinusungitan?" aniya.

Bago pa ako makasagot nang may magsalita sa likod namin.

"Maglalandian nalang ba kayo jan? Aba! Pumasok na tayo at may klase!" mataray na wika nang Prof namin.

Nginitian ko nalang si Ryle saka dumiretso na sa loob nang room namin.

Nakinig lang ako sa nakakaantok naming klase hangang matapos ang time niya.

Love Series 2: Complicatedly InloveWo Geschichten leben. Entdecke jetzt