Kabanata 17

120 7 0
                                    

Kabanata 17.

Dahan-dahang binuksan ni Lucia ang pinto. Agad na napatigil si Sir Labsuck sa pagsasalita at napatingin sa amin.

Kalma, okay. Whoa!

"You're late, Miss Javier." Sambit nito at tumingin sa akin. Kinabahan agad ako at baka mapagalitan na naman kami.

"Sorry, Sir. Hinarang na naman po kasi kami ng grupo nila Hannah." Sinasabi niya iyon habang naglalakad siya papalapit kay Sir.

Umatras si Sir Labsuck at itinaas ang kamay upang patigilan sa pagsasalita ang kaibigan ko.

"Okay na. " Muli siyang lumingon sa akin. "You're not a student here. Transferee?"

Napakurap-kurap ako at napatingin sa mga kaklase kong manghang mangha sa akin. Panay ang irap ng ibang babae samantalang ngiting-ngiti naman ang mga lalaki.

Grabe sa itsura nila parang kumbinsido na talaga ako na sobrang pangit ko noon.

"A-Ah, Sir. Hindi po siya bago rito." Si Lucia na nakatingin na rin pala sa akin.

Nangunot ang noo ni Sir Labsuck at pinagkatitigan pa ako. Pilit akong ngumiti at parang tanga na hinila ang buhok. Nasanay na kasi akong hatakin ang buhok ko noon kasi maganit.

"S-Si Almerie!" May sumigaw noon sa isa kong kakaklase.

Napatingin ako roon at nanlaki pa ang mga mata ko nang makilalang si Jaggy 'yon. 'Yong hinamon ko ng suntukan sa labas ng gate noong isang araw.

"Weh? Talaga?"

"Anong nangyari?"

"Bakit bigla siyang gumanda?"

"Malapit na ba ang paggunaw ng mundo?"

Kaloka 'tong mga 'to ah. Hindi ba puwedeng natuto lang akong maghilod?

"O-Okay, Miss Junggo. Go to your seat." Umiwas ng tingin si Sir Labsuck at bahagya pang umubo.

Nanliit ang mga mata ko at palihim na natawa. Namangha rin ba siya sa itsura ko ngayon? May silbi rin pala ang init at sakit na naranasan ko sa isang beses na pagligo ko roon sa loob ng libro.

Sobrang bagal ng bawat oras sa akin. Hindi ko alam kung dahil gutom na ba ako o tinatamad lang makinig. Siguro gutom na ako. Noon pa man din ay tamad na akong makinig.

"Halika na sa canteen!" Tumayo agad si Lucia at inayos na ang bag.

Gulat akong nag-angat ng tingin sa kaniya. "Ha? Lunch na?"

"Oo. Hindi mo alam?" Kunot-noo siyang napatigil. "Ano ba talagang nangyari sa 'yo?"

Kumalabog ang dibdib ko sa tanong niyang 'yon. Alam ko na slow siya pero hindi naman siya tanga. Baka nakakahalata na 'to kasi naman sinong tao ang biglang gaganda ng ganito kung kahapon ay magkasama lang kami?

Ugh! Hindi ko na rin alam. Paano nga ba ako nakabalik?

Ipinilig ko ang ulo para alisin 'yon sa isip ko. Ang mahalaga, nakabalik na ako. Iyon na lang. Dapat magpasalamat ako. Hinding-hindi ko na bubuksan ang librong iyon. Ang kailangan kong gawin ngayon ay hanapin si Lolang matangos ang ilong para maibalik ko na iyong libro.

"Hoy! Ano ba? Kakain pa ba tayo?"

Nagulat ulit ako at bumuntong hininga. Hindi ba puwedeng tapikin niya na lang ako at huwag nang sumigaw?! Buwisit!

Tumayo na ako at inayos na ang bag. Tumalikod na si Lucia at sumunod naman ako agad. Napapitlag pa ako nang muntik nang tumama si Lucia sa mukha ko sa biglaang pag atras niya.

Almerie At Ang Mahiwagang Libro (COMPLETED)Where stories live. Discover now