Kabanata 10

157 6 0
                                    

"Ang ganda mo, Almerie." Manghang mangha na sabi sa 'kin ni Lance. Nagulat ang lahat. Siniko ako ni Lucia.

"An'yare riyan sa ex mo?"

Nagkibit balikat ako bago binalingan ang lalaking mukhang paa sa harapan ko.

"Ano? Pakiulit?"

Ngumiti siya. "Ang ganda ganda mo."

Napangiti naman agad ako. "Ano ka ba! Maliit na bagay!"

"Ngunit mamatay ka rin, kalaunan." dugtong ni Lance at mabilis akong sinakal.

Agad akong napamulat ng mga mata. Hinihingal akong bumangon at nilibot ang paningin sa pagligid.

Nakaramdam ako ng lungkot, hindi dahil hindi tunay na sinabihan akong maganda ni Lance. Wala akong pake sa kaniya. Akala ko lang nakauwi na ako. Akala ko kasama ko na ulit si Lucia.

Napahawak ako sa leeg ko. Huminga ako ng malalim at inalala ang panaginip.

Grabe! Parang totoo!

Napabalikwas ako nang pumasok ang dalawang lalaki na tila bakal ang kasuotan. Hindi sila basta-bastang lalaki lang! Sila 'yong tinatawag na kawal!

Diba ang OA nila? Psh.

"Oh?" Nanlaki ang mga mata ko nang mamukhaan ko silang dalawa.

Dire-diretso sila sa pagpasok sa kuwarto ko at tumingin sa 'kin.

Hala? Hala siya?!

"Kayo! Kayo 'yong kumaladkad sa 'kin noong isang araw! Or kahapon? Ay ewan, basta!" Sigaw ko at mabilis na tumayo sa higaan.

Wala man lang nabago sa hitsura ng dalawa. Mukha silang gangster na mala ninja turtles!

Napasigaw ako nang hatakin nila ang kamay ko at binaba ako sa sahig. Nanlaki ang mga mata ko sa ginawa nila.

"H-Hoy teka! Ano ba?! Bitawan niyo nga ako!" Nagkatinginan sila at sabay na tumango.

Hala, ano 'yon? Katapusan ko na?

Hinila nila ako papalapit sa pintuan. Wala pa akong suot na tsinelas. Yare na naman itong mga paa ko. Ni hindi pa ako nakakapagpalit ng damit, hindi pa nga ako nakakaligo! At inaamin kong, iba na ang amoy ko!

"Kuya? Saan niyo naman ako dadalhin? Ke aga aga oh! Jusko naman!" Ngawa ako ng ngawa ngunit pokerface lamang sila.

Bumaba kami sa napakahabang hagdanan. Namangha ako sa dami ng kasambahay nila, mga nakadamit na kulay pink! Hehe! Ang cute!

Naamoy ko agad ang mabangong pagkain. Tumunog ang sikmura ko. Hindi na ako nagpumiglas at nagpadala na lang sa dalawa. Nanghihina ako sa gutom.

Nanlaki ang mga mata ko nang isang napakahabang lamesa ang bumungad sa 'kin at ang daming pagkain!

"Woooow!" Bulalas ko. Lalapit na sana ako ngunit isang kadena ang nakakabit sa mga kamay ko.

Amp! Kadena na naman?

Inis kong tiningnan ang dalawang mokong na ito. Ngunit natakot ako nang ngisian nila ako, kaya wala akong nagawa kundi ang yumuko na lamang.

Buwisit talaga!

"Magandang umaga." nag angat ako ng tingin at nagtama ang paningin namin ng prinsipe.

Nakaupo siya malapit sa kabisera. Nagulat pa ako na lahat sila e nakatingin sa 'kin. Sinasabi ko na nga ba, iba na ang amoy ko.

Naroon 'yong Hari, Reyna, at 'yong kapatid niyang babae? So prinsesa siya diba?

Grabe, hindi ko man lang sila napansin.

Almerie At Ang Mahiwagang Libro (COMPLETED)Where stories live. Discover now