Kabanata 30

112 6 0
                                    

Kabanata 30

Hindi ako makapaniwala. Kung ganoon, totoo pala ang propesiya na sinasabi sa akin noong babaing matagal ng patay.

Bakit kailangang umabot sa ganoon? Bakit kailangan niyang isumpa si Alicia? At ang malala, ibinuntong niya pa iyon sa walang kamuwang-muwang na sanggol.

Mala sleeping beauty pala itong kuwentong ito.

"Ayos ka lang ba?"

Napatingin ako kay Adam na nag-aalalang nakatingin sa akin. Napalunok ako.

"A-Ayos lang. Nakakagulat lang ang mga kinuwento mo." Napaisip naman ako. "Anong nangyari pagkatapos noon?"

Sandali niyang inayos ang apoy nang makitang napayakap ako sa sarili. Ang lamig naman kasi sa loob ng gubat na ito.

"Kalaunan ay ipinahanap ni Horan Parker si Hareen dahil kahit anong mangyari, dugo at laman niya ang dinadala ng babae. Nang nahanap niya si Hareen ay agaran ang isinagawang kasalan sa pagitan nilang dalawa."

Tumango naman ako kahit nagtataka kung bakit biglaan iyong ginawa ni Horan Parker.

"Subalit, kaya niya pala iyon ginawa ay para ipakita kina Alicia at Franco na hindi siya apektado sa kanilang dalawa." Biglang dagdag ni Adam kaya napasimangot ako.

Grabe naman itong si Horan Parker.

"Hindi niya minahal kahit minsan si Hareen?"

"Hindi ko masasagot iyan dahil kung pagbabasehan ang kasalukuyan, bakit nasundan ang Mahal na Prinsipe? Kung hindi niya pala minahal ang Mahal na Reyna sana ay wala nang nabuong Mahal na Prinsesa." Malalim na sagot ni Adam gamit ang malalim na boses.

Kaya naman napahawak ako sa malaking ugat na inuupuan niya at baka nalulunod na ako sa puwesto ko. Kanina pa rin kasi nananakit ang ulo ko sa mga sinasabi niya.

Pero tama nga naman si Adam. Kung hindi minahal ni Horan Parker kahit minsan si Hareen ay bakit nga nabuo si Hareign? Hindi ba dapat hindi na iyon mangyayari. Imposible naman na hanggang ngayon ay mahal niya pa rin si Alicia na kasalukuyang Mahal na Reyna ng kabilang kaharian.

Teka, pakiramdam ko durugo na anumang oras ang ilong ko.

Kaso may isa pa akong gustong malaman.

Nanliliit ang mga matang nilingon ko si Adam. "Bakit alam mo ang mga nangyari noon gayong sa tingin ko ay matanda ka lang ng ilang taon sa prinsipe?"

Natawa siya sa itsura ko. Pinagpagan niya ang mga kamay bago tumingin sa malayo.

"Kinuwento lang ito ng aking ina."

Tumango ako. "Talaga? Ang galing naman ng mama mo at alam niya."

"Sa kaniya kasi lumapit si Hareen noon upang maisagawa ng ayos ang sumpa." Mahinang aniya na muntikan ko pang hindi marinig!

Kumalabog ang dibdib ko at nanlalaki ang mga matang tiningnan siya. Sumulyap sa akin si Adam at malungkot na ngumiti.

"Hindi ko gustong sabihin ito kahit kanino, kahit sa kaibigan ko na Mahal na Prinsipe ngunit nang makita kita at mamangha sa kakayahan mo, may parte sa akin na madali kang napalagayan ng loob." Bumuntong hininga siya. "Kaya sana huwag mong sasabihin sa Mahal na Prinsipe na nalaman mo ito sa akin."

Napakurap-kurap naman ako at umayos ng upo. Bahagya pa akong ngumuso. Pakiramdam ko talaga ay isa na akong ganap na chismosa dahil sa kahilingan niya.

"Makakaasa ka, Adam. Hindi ko ito sasabihin kahit kanino." Nakangiting sambit ko.

Ngumiti naman siya. Umihip ang malamig na hangin kaya bahagyang hinangin ang may kahabaan niyang buhok.

"Pero teka.." ang dami ko talagang tanong. Hindi yata ito mauubos. "Ano ba ang kapangyarihang taglay ni Amelia? May palatandaan ba kayo?"

Almerie At Ang Mahiwagang Libro (COMPLETED)Where stories live. Discover now