Kabanata 19

123 7 0
                                    

Kabanata 19

Hindi ko pinansin ang tawag sa akin ni Jaymin nang patakbo akong pumasok sa loob ng bahay. Kahit sa pag-akyat sa taas, nagmamadali ako. Binuksan ko ang pinto ng kuwarto saka basta na lang nilapag ang bag at kinuha ang libro roon.

Hindi na ako nag abalang magbihis o kahit mag ayos man lang. Dire-diretso akong bumaba at tumungo sa kusina. Naabutan ko pa si Tita na nagtatakang sinundan ako ng tingin patungo sa tabi ng cabinet.

"Hindi ka pa nakakapagpalit ng uniform mo." Bakas ang ka-istriktuhan sa boses niya.

Seryoso ko siyang tiningnan at inabot ang lighter sa gilid niya. "May kailangan lang akong tapusin, Tita."

Napakurap-kurap siya sa sinabi ko at napaatras pa nang halos matamaan ko na siya nang naglakad ako palabas ng bahay.

"A-Almerie! Ano na naman bang kahibangan 'yan!" Dinig ko pang sigaw ni Tita ngunit hindi ko na siya nilingon.

Hindi ito kahibangan, Tita. Para ito sa ikabubuti ko.

Tumungo ako sa likuran namin kahit medyo madilim na. Hindi naman ako takot sa multo kaya hindi tatalab sa akin 'yang mga panakot nina Tita about sa mga manananggal na nangangain ng puso.

Psh! Sinong baliw ang maniniwala roon?

Itinaas ko ang librong hawak saka tiningnan ng mariin.

"Wala akong pakialam kung ako ang napili mo! Alam ko! Dapat maging thankful pa ako kasi sa wakas may pumili na rin sa akin, pero bakit naman ganito? Ikamamatay ko kapag pinagpatuloy ko ang mga kabanata!" May hinanakit talaga ako kay Lolang matangos ang ilong. Paano niya nagawa 'to sa akin.

Tanga, pinili ka nga raw ng libro diba?

"Ugh! Wala akong pakialam! Manahimik kang utak ka!"

Hinawakan ko ang ulo at inalog-alog 'yon, nababaliw na ako. Pucha.

Inis kong inilapag ang libro sa mga tuyong dahon ng mangga na naipon dito. Siguro ito 'yong mga nawalis ni Tita kanina at inipon na lang dito. Tinaas ko ang lighter at nginisian ang libro.

Anong akala ng librong 'to? Ang ibig kong sabihin sa tatapusin ko siya ay literal! Susunugin ko 'tong librong 'to hanggang sa maging abo! So I will be happy! Wala na akong problema.

Bahagya akong yumuko at kumuha ng plastik sa mga kalat doon. Binuhay ko ang lighter at inilapit ang plastik sa apoy niyon. Pinanood ko ang unti-unting pagkalat ng apoy sa plastik saka ko dahan-dahan na inilapag iyon sa mga tuyong dahon.

Tumayo ako at bahagyang lumayo. Naamoy ko na kasi ang usok mula sa umaapoy na tuyong dahon. Napangisi ako nang unti-unting kumalat ang apoy sa cover ng libro hanggang sa kumalat na iyon sa buong libro.

Wala na akong problema! Ang dali lang palang solusyunan niyon.

Tiningnan ko pa saglit ang libro na kalahati na lang ang natira bago tumalikod at pumasok na sa loob ng bahay.

Ibinalik ko ang lighter sa tabi ng cabinet sa kusina saka lumabas doon papunta sa hagdan. Naabutan ko si Tita na galing sa taas. Napalunok ako at didiretso na sana nang bigla siyang humarang sa dadaanan ko.

Huhuhu, lagot na naman ako.

Hindi ko naman sinasadya na masagi siya kanina. Kailangan ko lang talagang magmadali at baka mahila na naman ako ng librong iyon papasok.

"Anong pag uugali 'yong kanina, Almerie?" Mariin na wika niya.

Napakagat ako sa dila. Umiling ako. Nangunot ang noo ni Tita.

"Almerie."

Napapikit ako saglit bago binalik ang tingin sa kaniya at ngumiti. "Tita, hindi ko naman po sinasadya. Nagmamadali lang kasi ako."

Almerie At Ang Mahiwagang Libro (COMPLETED)Where stories live. Discover now