Kabanata 20

123 5 0
                                    

Kabanata 20

Mabilis kong iniwas ang mga mata nang mapansin na madilim talaga ang titig niya sa akin, hindi niya man lang inalis 'yon kahit ilang segundo. Kinapa ko ang puso ko na tila aalpas na sa katawan ko.

Hutanamers! Kasalanan 'to ng libro! Sa dami ba naman ng puwedeng pagbagsakan, sa harap pa talaga ng prinsipe!

"Sino ka ba talaga?" Ulit niya sa tanong kanina. I bit my lower lip tightly. "Hindi ka sasagot?"

Umiling ako. Iyong tipong tatalsik ang ulo ko sa riin at bilis ng pag iling.

Dinig ko ang buntong hininga ng prinsipe. "Humarap ka sa akin, babae."

Ayoko nga. Paano kapag pilitin niya akong magsalita? Anong sasabihin ko?

"Hindi ka haharap?" Iritadong tanong niya kaya mabilis pa kay flash akong lumingon sa kaniya.

Nagtamang muli ang paningin namin ng prinsipe. Titig na titig siya sa akin na baka nga pati muta ko ay makita niya na.

"Sino ka?"

Napakurap-kurap ako sa tanong niya. "Almerie."

Kumunot ang noo niya. "Alam ko ang pangalan mo. Ang ibig kong sabihin, kung ano ka talaga."

"Tao ako, mahal na prinsipe." Guguluhin ko na lang ang mga tanong niya para hindi siya magduda sa akin.

Kita kong napapikit siya ng mariin na tila pagod na pagod na sa akin.

"Hindi mo ba aayusin ang mga sagot mo? Nais mo bang makulong muli?!" Tumaas ang boses niya kaya napaatras ako sa gulat at napayuko pa.

Nakagat ko ang labi. Ano ba kasi, Almerie? Umayos ka nga! Mamaya ay baka hindi na 'yan, makapagtimpi at gripuhan ka niyan sa tagiliran!

Alalahanin mo na may espada 'yan. Muntik ka na ngang mapatay ni Grego noon.

"P-Pasensya na." Labas sa ilong na sambit ko.

Huminga siya ng malalim at saglit na lumayo sa akin. Dahan-dahan kong inangat ang tingin at titig na titig pa rin talaga siya sa akin.

"Ano ang tawag sa ginawa mo kanina?" Maya-maya'y tanong niya, nakalagay ang dalawang kamay sa likod.

"Ano raw?" Ani ko, ginaya ko ang boses ng mga bata sa going bulilit.

Marahas siyang nagbuga ng hangin. "Toryente!"

Ha? Kuryente?

Mali ba ang sinagot ko? Akala ko kasi magbibigay din siya ng sagot.

"Bigla ka na lang nawala sa harap ko, babae. Labis akong nagulat sa ginawa mo. Ilang minuto akong naghintay na bumalik ka at sa tantya ko ay isang oras kang nawala." Maririin ang pagkakasabi niya ng mga iyon.

Natigilan ako at napatitig sa kaniya. Isang oras? Isang oras lang akong nawala? Parang kahapon pa nga eh! Nakapasok pa ako ng school sa mundo namin. Kung ganoon na isang oras lang dito, ibig sabihin ganoon din sa mundo ko pag nawawala ako? Mga ilang oras ba? Pero parang hindi nagbabago ang oras doon. Ganoon pa rin noong nakabalik ako.

Hinawakan ko ang ulo ko nang sumakit iyon.  Naalarma ang prinsipe at lumapit sa akin saka hinawakan ang braso ko.

"Ayos ka lang?" Nagulat ako at napatingin sa kaniya. Lumambot kasi ang boses niya bigla.

Tumikhim siya nang mapansin ang gulat ko at padarag na binitawan ang braso ko.

Ngumiwi ako at handa na sana siyang tadyakan kaso baka bigla akong hilahin nila Ringo at Farah!

"Magpahinga ka muna, kailangan mo ng lakas para mamaya, saka tayo mag uusap." Umayos siya ng tayo nang masiguro na ayos lang ako.

"T-Teka. Anong pag uusapan natin?"

Almerie At Ang Mahiwagang Libro (COMPLETED)Where stories live. Discover now