Kabanata 40

115 4 0
                                    

Kabanata 40

Hindi ko alam kung saan ko nakuha ang tapang gayong wala pa ako sa kalingkingan ng lalaking ito. Isang hugot lang ng espada niya ay baka nagkagripo na ako sa tagiliran.

Pero baka naman matalo ko siya. Baka naman na sa akin ang birtud ngayon!

Nakaramdam ako ng mariing kurot kaya bahagya akong napakislot.

"Nahihibang ka na ba?!" Galit na sigaw ng Mahal na Reyna.

Ngumuso ako. "Wala pa ang Mahal na Hari ganoon na rin ang anak niyo kaya baka mamatay tayo rito."

"Sinasagot mo ako ng ganoon na lamang?!" Lalo yata siyang nagalit.

"Nagtanong ka e." Naiiyak na sagot ko dahil nakaamba na naman ang kamay niya na kukurot sa akin. "Puntahan niyo na lang ho si Hareign."

Bumuntong hininga siya. "Bahala ka. Kapag namatay ka ay hindi ka namin kargo."

"Oh sige ba." Sambit ko na lang at inayos ang hawak na espada sa gilid.

Tumingin ako sa unahan at naroon na si Franco na hawak ang espada. Parang dinaanan ng kung ano ang mga kawal niya para tumabi sa isang gilid.

"Almerie, malakas ang Mahal na Hari." Bulong ni Adam sa akin na nasa tabi ko na pala.

Marami siyang galos at dumurugo pa ang braso niya.

"Nakita mo na ba akong makipaglaban?" Mayabang na tanong ko.

Nangunot ang noo niya. "Oo."

"Kung ganoon wala ka dapat ikatakot." Mayabang ko na namang sinabi. Nakita ko pa si Chia na nasa isang tabi katabi si Selena at si Sandro. Nangunot ang noo ko nang makitang hawak niya ang sintido. Baka kausap ang prinsipe.

"Almerie-"

Hindi na siya nakapalag nang lumakad na ako palapit kay Franco. Ngumisi ito at hinugot ang mahaba niyang armas. Napailag pa ako sa takot na matamaan.

Nakita ko ang reflection ko roon kaya nasisiguro kong matalas ang espada niya.

"Handa ka na bang sumama sa akin?" Mayabang niyang sinabi.

Natawa ako. "Paano ka nakasisiguro?"

Nawala ang ngisi niya at halatang nainsulto. Nanlaki ang mga mata ko nang sumigaw siya ng malakas at sumugod sa akin.

"Bakit ba kailangang sumigaw?!" Inis na wika ko at sinubukang iwasan ang atake niya.

Nakaramdam ako ng hapdi sa braso. Grabe! Nasugatan agad ako! Tiyak na sobrang talas talaga noon!

Ngumisi siya at muling sumugod. Umiwas ulit ako at ginaya ang ginagawa ni Sprite na pagtalon-talon kahit wala namang mga puno. Mabibilis ang atake niya kaya hindi ko halos lahat naiiwasan. Nararamdaman ko na lang ang mga hapdi sa katawan ko.

Napikon na ako na puro iwas na lamang ang ginagawa ko kaya hinataw ko ang espada sa kaniya at umatake rin ng akin. Napatigil siya nang bumuhos ang dugo sa kaniyang braso.

Sabay kaming bumaba sa lupa. Baliw kasi iyan at ginagaya ang pagtalon-talon ko.

Hinawakan niya iyon ng mariin. "Kakaiba ang atake mo. Isa lamang iyon ngunit malakas."

Tuloy ay gusto ko na namang bumuhat ng bangko at doon tumayo.

"Huwag mo kasi akong minamaliit, tanda."

"Tanda?!" Mabilis siyang sumugod at umatakeng muli.

Iniwasan ko iyon at nagbend ng bahagya para matakid siya ngunit naiwasan niya at pabalya akong tinulak sa lupa. Napaigik ako sa sakit nang maramdaman ang maliit na bato sa likod ko.

Almerie At Ang Mahiwagang Libro (COMPLETED)Where stories live. Discover now