Simula

568 17 0
                                    

Hi guys. Ito ay year 2019 ko pa sinulat. In-unpublished ko lang dahil medyo nablangko ako rito mwehehe. So ngayon ay under revision na rin siya at ipagpapatuloy ko na. May mga scenes na nadagdag. Thank you!

SIMULA

"Almerie! Narito na ang mga bata!" Masiglang bati ni Ate Anna sa akin.

Agad ko itong nginitian at lumapit naman ito sa akin.

"Nakahanda na po ba ang mga pagkain?" Tanong ko. Hindi ito nagsalita at nanatiling nakatitig lamang sa akin. "Ate Anna?"

"Ay! Oo naman. Kanina pa." Parang nagising siya at agad na sumagot sa akin. Natawa pa ako.

"Lutang yata, Ate ah?" Biro ko. Bahagya siyang napailing at napangiti na naman.

Nakakapagtaka na talaga ah.

"Wala. Natutuwa lang ako sa 'yo. Pagkatapos ng nangyari sa 'yo, ngayon heto ka at ibinabahagi mo pa sa iba ang naging karanasan mo sa lugar na iyon. Ang tapang mo." Maluluhang sabi niya habang nakangiti. Napailing naman ako dahil masyado na kaming madrama.

"Ate, Ikaw talaga." Huminga ako ng malalim. Tumingin ako sa mga batang papalapit sa'min. "Gusto ko lang pong makakuha sila ng aral mula roon. At hindi naman nila mapapansin na totoo 'yong ikinukuwento ko. Sinong maniniwala roon?"

"Ako. Naniwala ako. Dahil kahit hindi ko nakita lahat ng paghihirap mo, lahat ng dinanas mo roon, naniniwala ako sa 'yo." Pinunasan niya ang luhang nanlandas sa kaniyang pisngi. Hinawakan niya ang kamay ko. "Masaya ako at nakayanan mo. Masaya ako para sa 'yo."

Napangiti naman ako. Inilipat niya ang hawak sa aking pisngi at pinahiran ang luha ko na hindi ko alam na tumulo na pala.

"Salamat po, Ate Anna." Tinapik niya pa ako at agad na tumawa.

"Ay s'ya! Tama na nga. Nandito na sila. Ayusin mo na ang sarili mo. Pasensya na at pinaalala ko pa."

"Ayos lang po. Sige po." Sagot ko. Ngumiti pa siya sa'kin at agad nang tinawag ang mga bata.

Tumalikod naman muna ako at nagtungo sa washroom. Tumingin ako sa salamin. Napangiti ako. Nalagpasan ko. Nagtagumpay ako.

Kinuha ko ang press powder sa aking bag at agad na ipinahid ito sa aking mukha. Naglagay na rin ako ng lipstick.

Bumalik ako sa labas. Natagpuan ko ang mga batang masayang nag-uusap habang mga naka-indian seat. Agad silang tumahimik nang makita ako.

"Good morning children!" Masiglang bati ko sa kanila. Nagkumahog silang tumayo at lumapit sa'kin.

"Nandito na siyaaa!"

"Hihihi, namit ka po namin!"

"Ateeee! Waaaah! Ang tagal niyo poooo!"

"Ang g-ganda niya..."

Natawa ako nang salubungin ako ng kanilang mahihigpit na yakap.

"Namiss ko rin kayo. Kumusta?" Nakayukong ani ko habang nakikipag usap sa kanila.

"Ayot lang po kami, ate!" Bulol na sagot ni Shane.

"Talaga? Buti kung ganoon." Ginulo ko ang buhok niya. Humagikhik naman ito.

Hala siya!

"Children tama na 'yan. Upo na. Magsisimula na si Ate--"

"Tige poooo!" Sabay na sagot nila. Hindi na nga nila pinatapos si Ate Anna.

Napahawak na lang sa batok si Ate Anna. Natatawa naman ako sa mga bata.

"Sige. Simula na tayo?" Tanong ko sa kanila.

"Opoooo!" Sabay sabay na sagot nila. 

"Anong gusto niyong ikuwento ko? Kindly raise your hand kung sinong gusto magsalita."

Walang nagsitaasan. Napakunot ako ng noo. Tahimik sila na parang may iniisip.

"Wala?" Nilibot ko pa ang tingin ko. Wala talagang nakataas. "Sige, ako na lang ma-"

"Ate?" Napatigil ako sa pagsasalita nang makitang unti-unting tumaas ng kamay ang batang nasa pinakalikod.

"Yes?" Sinenyasan ko siyang tumayo kaya tumayo siya.

"Guto ko po noong lagi niyong nikekuwento tamin." Nakangiting aniya. Natawa pa ako sa pagiging bulol nito.

"Hmm alin 'yon? Marami akong ikinukuwento sa inyo." Napaisip naman siya.

"Yon pong ..tungkol ta.. itang babae na.. nakapunta ta ibang lugal." aniya. Sandali akong natigilan.

"Oo nga po. 'Yong babaeng mahilig magbata! 'Yong nakilala niya 'yong lalaki roon sa lugal na 'yon!" Komento ng isa.

Unti-unti akong napalunok.

"Opo! Gusto po namin 'yon!" Sigaw nilang lahat.

Napatingin ako kay Ate Anna. Nag aalala siya pero nginitian ko na lang. Matagal ko na kasing hindi naikukuwento iyon sa kanila. Hindi ko akalaing matatandaan pa rin nila. Sabagay mukha namang hindi totoo 'yon.

Nginitian ko sila.

"Sige ba! Upo na kayo. Quiet na." Sumunod naman sila at agad na tumutok ang mga mata sa akin.

"Almerie At Ang Mahiwagang Libro." Sambit ko sa pamagat ng kuwento na ako lang din ang nakaisip. Tiningnan ko sila. Titig na titig sila sa'kin na para bang ang tagal nilang inaabangan ito. Wala sa sariling napangiti ako.

"Ready na ba kayo?"


______
Aimeesshh25

Almerie At Ang Mahiwagang Libro (COMPLETED)Where stories live. Discover now