Kabanata 13

129 5 0
                                    

Kabanata 13

Yakap ko ang lalagyanan habang pasuray-suray na naglakad palapit sa Prinsipe at sa mga kasama nito. Hindi ko alam bakit tila kaybigat ng pakiramdam ko. Umiikot pa ang paligid at parang nagiging tatlo ang masungit at pangit na Prinsipe.

Ngumiti agad ako nang matanaw sila at kumaway pa.

"Hello sa inyo!" Sigaw ko. Binilisan ko ang lakad kaya muntik na akong matumba.

Napatayo agad ang Prinsipe saka kunot-noong tumingin sa akin. Napangisi ako.

Calm down, Harris.

"Ayos lang ako!" Tawa ko at mas nagmadali.

"Bakit ang tagal mo?" Salubong agad ni Harris sa akin.

"Ha? Ang bilis ko kaya!" Nilipat ko ang tingin kina Sprite at Honey. "Hi! Ito na ang Jellen ninyo!"

Nagtatakang kinuha naman nila sa akin 'yon. Nakangiti ko silang pinanonood.

"Drink responsibly, guys! Astig pala ng lasa niyan." Saka ako tumawa at napahawak sa tiyan.

"Anong sinabi mo? Astig ang lasa?" Lumingon ako kay Harris na nakahalukipkip na sa tabi ko. "Tinikman mo ba babae?"

Umiling agad ako. "Hindi ah--hik!" Sininok ako huhu. Lagot na!

Kumunot ang noo niya. Mabilis akong napatakip sa bibig at pinigilan ang isa pang sinok!

Tumingin siya kay Chuwie at may sinenyas. Tumango agad ang babae at lumapit sa akin.

"Oy teka!" Sambit ko nang hawakan niya ang batok ko at hilahin palapit sa mukha niya.

Amp! Hahalikan niya ako?!

Inamoy niya ang hininga ko at mabilis na tumango. Binitawan niya ako at lumingon sa Prinsipe na mariin na ang tingin sa akin.

"Uminom po siya, Mahal na Prinsipe." Si Chuwie.

"Psh! Kailangan talaga amuyin hininga ko?" Singhal ko sa kaniya.

Narinig ko ang tawa ni Leuterio at naiiling na tumingin sa akin.

"Mag-uusap tayo." Ani Harris.

Ngumuso ako at sininok ulit! Masama ang tingin niya sa akin bago nilipat 'yon sa mga kaharap.

"Ipagpatuloy niyo lang ang pagsasanay. Panonoorin ko ulit sa susunod na mga araw."

Tumango ang apat at bahagya pang yumuko. Bumaling siya kay Leuterio.

"Siguraduhin mo na nakakainom sila ng Jellen pagkatapos sa pagsasanay. Sabihin mo agad sa akin kapag mayroong problema. Mauna na kami." Aniya at tumingin sa akin.

"Masusunod po Mahal na Prinsipe." Tumungo si Leuterio.

Tumango lang si Harris at walang sabi-sabing hinila ako. Napasinghap ang apat sa likuran namin.

"Teka! Ano ba?" Pilit kong inaalis ang hawak niya sa akin.

"Huwag kang malikot."

"Masakit kaya!"

"Masasaktan ka talaga."

"Bitawan mo ako!"

"Mamaya."

Ngumuso ako at nagpahila na lamang. Pasuray-suray ang lakad ko ngunit dahil hawak niya ako ay hindi naman ako nabubuwal. Mariin ang kapit niya kaya masakit talaga. Pero ayos lang, mas malala pa nga kapag kadena ang nakalagay sa akin at 'yong dalawang ninja turtles ang humihila.

Mas okay na si Harris.

Harris talaga? Hehe.

Nakalabas na kami sa garden. Papasok na kami sa kanilang magarbong palasyo na kay dami ng hagdan!

Almerie At Ang Mahiwagang Libro (COMPLETED)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt