Kabanata 11

158 6 0
                                    

" 'Yan! Ang ganda!"

Sinamaan ko ng tingin si Chia. Hinarap niya ako sa gintong salamin. Sinuotan ng damit na gaya ng nakita kong suot ng mga nagsasanay. Mabigat ito sa pakiramdam kasibakal ang harapan. Pero dress ito na kulay blue. Bumagay naman sa 'kin. Pinuyod niya ng mataas ang buhok ko.

"Ang pula mo! Ito na lang ilalagay ko." Masayang aniya at kinuha ang isang lalagyan.

Paano ako hindi magiging mapula? Sobrang init nung tubig! Milagro na lang hindi ako napaso or nasunog!

"Halika, lalagyan kita." Pinisil niya iyon at iniligay sa labi ko. Agad na nagkakulay ang aking labi. Ngumiti siya at inayos pa ang mahaba-haba ko ng bangs.

"Ang ganda mo. " Puri niya habang nakatingin sa 'kin.

Ngumuso naman ako. Ngayon lang may pumuri sa 'kin ah. I mean, 'yong tunay na puri. Hinawakan ko ang dating sobrang buhaghag kong buhok na ngayon ay sobrang lambot!

Daig ko pa endorser ng shampoo!

"Paano mo napatuwid ang buhok ko? At bakit parang pumuti ako?" Tiningnan ko ang braso at mukha. Mahaba pala talaga ang buhok ko.

Nagmukha nga akong tao!

"Sadyang ganoon ang tubig dito. Nakadagdag pa iyong mainit ang pinanligo sayo."

Namangha naman ako at tinitigan pa ang sarili. Napangiti rin siya.

"Saka, maganda ka na naman talaga. Inayusan lang kita."

Natahimik ako hindi dahil sa sinabi niya na maganda talaga ako. Parang hindi naman kasi, napaisip ako na pag umuwi pala ako sa amin, magbabaon ako ng isang drum na tubig! Hihihihi!

"Chia!"

"Nariyan na ang Prinsipe." Tinalikod niya ako bigla. "Mamaya kita ihaharap ah?"

Tumango na lamang ako sa gusto ni Chia. Bumukas ang pintuan. Rinig ko rin ang yapak niya.

"Mahal na prinsipe." Nagbigay galang si Chia.

"Nasaan na 'yong babae?" Ngumuso ako.

Almerie ang pangalan ko!

"Ito na po siya. Tiyak na magugustuhan niyo, ang ayos niya." Humagikhik ito. Dahan-dahan niya pa akong hinarap sa lalaking walang pakialam.

"Charaaaan! Ang kapangyarihan ni Chia!" Aniya at mabilis na inilabas ang pakpak at lumipad-lipad.

Hanep sa kabaliwan.

"Mahal na p-prinsipe.." yumuko ako para bigyang galang kuno ang nasa harap. Umismid pa ako nang makita ang gulat sa kaniyang mga mata.

"Ayos po ba? Hihihihi!" Si Chia.

Nagtagal ang titig niya sa 'in. Sinuyod ng kaniyang mga mata ang suot ko at bumalik sa mukha ko at pati ang ulo ko, hindi pinalagpas ng kaniyang mga mata.

Hangang-hanga, Harris?

Tumikhim ako. "Ayos ba?"

Nag-iwas siya ng tingin bago bumaling kay Chia na parang kinikiliti habang nanonood sa amin.

"Magaling, Chia. Ni minsan ay hindi mo ako binigo. Nagmukha siyang tao. " Napairap ako sa sinabi niya. Lumingon siya sa 'kin kaya ngumiti agad ako. "Sumunod ka. Marami ka pang gagawin." Saka kami tinalikuran.

Humalakhak si Chia. "Paalam, Almerie!"

"Salamat, Chia! Mauna na ako." tumango lang siya.

Nang makalabas ako ay malayo na agad siya sa 'kin. Tumakbo ako at sumunod sa kaniya. Tumigil siya saglit bago nagpatuloy.

Almerie At Ang Mahiwagang Libro (COMPLETED)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang