Kabanata 28

115 5 0
                                    

Kabanata 28

Nanginginig pa rin ako habang nasa likod ako ng prinsipe. Kanina ko pa naririnig ang mga sermon niya sa akin pero wala akong naintindihan kahit isa.

Hindi ako makapaniwalang mahigit isang taon ng patay ang babaeng nakausap ko.

Huhu, bakit naman kailangan niya pang magpakita sa akin?

Literal na napatigil ako sa paglalakad nang may maunawaan.

Sinabi nila Tita sa akin na kapag nagpakita ang patay sa 'yo or 'yong kaluluwa, ibig sabihin humihingi sila ng tulong. Baka hindi pa nila tapos ang misyon nila rito sa lupa, kung ganoon.

Kailangan ko talagang hanapin ang kapatid niya na si Delailah?

Napakamot ako sa ulo. Saan ko naman hahanapin 'yon? At teka, susundin ko ba talaga ang utos ng babaeng iyon?

Paano pag multuhin niya ako?

"Hoy, babae!"

Napapitlag ako sa gulat nang marinig ang pamilyar niyang boses.

"Kaya kung sino-sino ang nakikita mo dahil basta ka na lamang tumitigil." Seryoso ang mukha niya nang lumapit siya sa akin. Gulat pa ako nang hilahin niya ang braso ko at nagsimula nang maglakad.

Kunyaring inis ko siyang tiningnan. "Hindi ba, bawal mo rin akong hawakan?!"

"Sino naman ang may sabi niyan?" Tamad na aniya pa.

"Ako! Sinabi ko 'to sa 'yo noong hinawi mo ang kamay ko."

"Bawal sumunod sa kahit anong utos ang Mahal na Prinsipe maliban na lamang kung mula ito sa Mahal na Reyna at Mahal na Hari." Mahabang lintanya niya na sumulyap pa sa akin. "Gaya ng sinabi ko sa 'yo, hindi naman mataas ang posisyon mo at ni wala ngang espesyal sa katawan mo, para limitahan ang isang prinsipe ng kahariang it-"

"Oo na! Hays. Paulit-ulit ka na. Sige na." Tumango-tango na agad ako kahit nasa gitna pa lang siya ng sinasabi niya.

Para kaming magjowa na magkaaway sa daan.

Sumama ang tingin niya sa akin. "Mahigpit na kalapastanganan ang pagputol sa sasabihin ng Mahal na Prinsipe!"

"Okay, sorry." Umismid pa ako. Naririndi na ako sa mga batas nila. Kaumay.

"Ano ang iyong tinuran?"

Nilingon ko siya. "Ano na naman?"

Lumabi ang prinsipe. "Tinatanong ko lamang kung ano ang iyong itinuran, bakit lagi kang galit sa akin?"

Nanlaki ang mga mata ko. Napahawak pa ako sa dibdib ko dahil sa inaasal niya ngayon ah. Wow!

"H-Hoy, huwag ka ngang ngumuso riyan." Umirap ako pero kahinaan ko talaga ang paglabi niya. Ang cute-cute niya kasi.

Lalo pa at may kasingkitan itong prinsipe na ito. Moreno rin siya at halatang batak ang katawan sa mga mabibigat na trabaho. May kahabaan din ang buhok niya ngayon kumpara noong unang punta ko rito. Medyo nagugulo na nga iyan kapag humahangin ng bongga tapos lagi pa siyang mukhang galit at nakakunot ang noo.

Kaya kapag ngumunguso siya pakiramdam ko gusto niya ng gatas..mula sa..hmm.. syempre sa nanay.

Mukha kasi siyang baby. Ehe.

"Bakit mo kasi ako laging pinagtataasan ng boses gayong ako ang iyong Mahal na Prinsipe?" Mahinang tanong niya at muli akong hinila.

Tinitigan ko siya at pinakiramdaman. Linsyak talaga e. Alam na alam niya talaga kung paano manghuli ng kiliti ng mga babae. Paano, playboy nga pala ang prinsipe na ito!

Almerie At Ang Mahiwagang Libro (COMPLETED)Where stories live. Discover now