Kabanata 41

114 5 0
                                    

Kabanata 41

Marahan kong iminulat ang mga mata nang maramdaman ang malamig na sahig na aking hinihigaan. Kinurap-kurap ko iyon at naghintay hanggang sa makapag adjust ang mga mata ko.

Bumungad sa akin ang madilim na silid ngunit may maliit na ilaw mula sa kwadradong bintana na nanggagaling sa liwanag ng buwan.

Rumehistro sa akin ang takot nang makumpirma kung nasaan ako. Napabalikwas ako at akmang tatayo nang muli akong bumalik sa puwesto.

Ano ito?

Tiningnan ko ang dalawang kamay na may malaking posas na bakal ang nakalagay doon. Kakaiba ang posas na iyon dahil sobrang bigat. Halos hindi makagalaw ang kamay ko. Dumako ang mga mata ko sa paa at meron din iyon. Maliit lamang ang kadena na nakakabit sa gilid kaya pala hindi ako makatayo.

Nakaramdam ako ng habag sa sarili sa sitwasyon ko ngayon. Nanumbalik sa akin ang nangyari pagkatapos sambitin iyon ng prinsipe.

"Siya si Amelia?!" Rinig kong sigawan ng mga tao sa paligid ko.

"Akala ko ba si Selena?"

"Oo nga? Bakit naging siya?"

"May hinala na ako dahil sa kakaibang kapangyarihan niya!"

"Dapat iyang patayin!"

"Isa siyang salot!"

Kahit hindi ko sila tingnan ay dama ko kung gaano sila kagalit sa akin. Nanatili akong nakaluhod sa lupa. Binawi ng prinsipe ang espada at doon lang ako nakahinga ng maluwag.

"Sinabi ni Delailah ang lahat sa akin, lumabas din sa kawa kahapon na bukas o makalawa, maaaring maganap ang nakatakda." Hindi ko na makilala ang boses niya dahil sa lamig noon.

Dahan-dahan akong nag-angat ng tingin at wala akong mababakas na kahit anong emosyon sa mga mata ng prinsipe.

"Wala kang karapatang tingnan sa mga mata ang Mahal na Prinsipe!!"

Napaigik ako sa sakit nang may marahas na bagay ang mariin na pumatong sa likod ko para tuluyan na akong mapahalik sa sahig.

"Tama na! A-Almerie!" Rinig ko ang boses ni Chia kaya pilit kong iniangat ang ulo at hinanap kung nasaan siya.

Napamaang ako nang makitang hawak siya ng dalawang kawal upang pigilan na lumapit sa akin. Nakita ko pa si Adam na hawak din ng iba pang kawal.

Hindi ako makangiti sa sobrang sakit ng mga labi ko nang humalik iyon sa lupa.

"M-Mahal na prinsipe! Nagkakamali kayo! Hindi siya si Amelia! Si Selena iyon!" Buong lakas na sigaw ni Chia.

Hindi man lang gumalaw ang prinsipe dahil kita ko pa ang dalawang sapatos niya at nadudurog ang puso ko nang mapansing kapantay ko lamang iyon. Ganoon lang ako kaliit sa paningin niya.

"M-Maniwala ka, Mahal na Prinsipe! Hindi siya si Amelia!" Muli pang sigaw ni Chia.

Dinig ko ang buntong hininga ng prinsipe bago tumingin sa lahat. Narinig namin ang paglalakad ng kabayo palapit sa amin. Nagulat na lang ako nang mabilis na nagsiyukuan ang lahat ng nakapaligid sa amin.

"Mahal na Hari!" Sabay-sabay na sigaw nila.

Yumuko ako at takot na muling isubsob sa lupa kapag tiningnan ko sila sa mga mata.

"Ito na ba si Amelia?" Malaki ang boses na tanong niya. Parang nawala iyong maamo niyang aura noong unang beses ko siyang nakita.

"Siya nga, Mahal na Hari." Sagot ng prinsipe na bahagya ring nakayuko.

Almerie At Ang Mahiwagang Libro (COMPLETED)Where stories live. Discover now