Kabanata 33

111 4 0
                                    

Kabanata 33

Mabilis akong nakailag nang walang pakundangan niyang iwinasiwas ang hawak na espada. Nanlalaki ang mga mata ko nang makitang buo pa ang katawan ko. Sa sobrang talas ba naman at laki ng mga armas dito!

Napahawak ako sa katawan sa sobrang takot. Maaari akong mamatay kahit nasa libro lang ako. Peste talaga 'tong prinsipe na 'to. Hilig talagang ilagay ako sa kapahamakan!

Tumaas ang kilay ni Sprite nang makitang gulantang pa ako. Tiningnan ko siya at naiiling siya sa akin habang nangingiti. Bahagyang nanlambot ang tuhod ko pero umayos din ako ng tayo.

Hindi dapat ako magpadala sa mga guwapo rito!

Itinaas ko ang hawak na espada at itinutok iyon sa kaniya. "Sige! Ano? Lapit!"

Tumawa si Sprite. "Ikaw ang lumapit para masugatan mo ako."

Ngumuso ako nang marinig ang maganda niyang boses. Wala ba talagang patapon ang itsura rito? Wala na talaga?

Nanlaki ang mga mata ko nang tumalon siya at handa na namang itarak ang espada sa akin kaya umiwas akong muli. Tumimbawang pa ako sa may damuhan at mabilis din naman akong nakabangon.

"Umatake ka, babae! Huwag kang umiwas ng umiwas!" Sigaw ng prinsipe sa hindi kalayuan.

Nagpantig ang tainga ko kaya inis ko siyang nilingon. Nagulat pa ako na naroon na sina Leuterio at Chuwie. Nakaupo na naman ang hambog na prinsipe at may inumin pa talaga sa tabihan niya.

"Eh kung ikaw ang gilitan ko.." humina ang boses ko nang makita sa gilid si Grego!

Shuta, buhay pa pala 'yon?! Bakit ngayon ko lang ulit siya nakita?

Itinikom ko ang bibig nang makitang handa niya nang hugutin ang matalas niyang espada sa kaniyang gilid kaya ngumuso na lang ako at lumingon kay Sprite.

"Maaari mo namang ilabas ang kapangyarihan mo." Mahinang aniya.

"Talaga?"

Tumango siya. "Labanan mo ako para hindi magalit ang Mahal na Prinsipe sa iyo."

Napaisip naman ako. Lumalabas lang kasi ang kapangyarihan ko kapag medyo naiinis na ako. Lumingon ako sa prinsipe na masama na ang tingin sa akin. Ibinalik ko ang mga mata kay Sprite at nakaisip ng paraan.

Kung ganito sila magreact dahil sa taglay kong kapangyarihan, bakit hindi ko itodo ang pagpapakitang gilas? Hehe.

"Atakehin mo lang ako ng atakehin. Huwag kang titigil kahit masugatan mo ako." Nakangiting sinabi ko sa kaniya.

Nagulat si Sprite at tinitigan ako. "Seryoso ka ba riyan?"

"Oo! Ano ka ba, huwag kang mahihiya na sugatan ako! Saka gagaling naman ako e." Ngumiti pa ako at bahagyang itinukod sa lupa ang hawak na espada.

Matagal niya akong tinitigan saka tumango. Ngumiti ako ngunit nawala iyon nang walang sabi-sabi niyang iniaro ang espada sa akin at syempre dahil hindi ako handa! Nasugatan ang braso ko!

"Aray!" Lumayo ako sa kaniya at hinawakan ang sugat sa may braso. "Bakit naman biglaan?! Wala man lang warning!" Tumaas lang ang kilay niya sa akin kaya tinarayan ko siya.

Buwisit naman 'to si Sprite!

Nagulat kaming pareho nang makitang palapit si Leuterio.

"Pinasasabi ng Mahal na Prinsipe na babaguhin ang takbo ng paglalaban niyong dalawa. Kung sino ang mas marami ang galos at mapahiga sa lupa ay siya ang talo." Napamaang ako. Lumingon siya sa akin. "May sugat ka na, Almerie kaya galingan mo." Aniya saka tumalikod at tumungo na ulit kung nasaan sila nakapuwesto.

Almerie At Ang Mahiwagang Libro (COMPLETED)Where stories live. Discover now