Kabanata 6

167 7 0
                                    

So kumusta naman kaya ako?

Hindi na ako nakagalaw nang maramdaman kong parang may humihila sa 'kin papasok sa librong nakalagay sa kama ko. Napapikit ako dahil sa liwanag na direktang tumatama sa aking napakagandang mga mata.

Hindi ko na alam ang sumunod na nangyari dahil parang ang bilis lang!

Naramdaman kong umikot ako ng umikot hanggang sa ano pa nga ba? Edi masuka? Pero wala akong nagawa kundi ang pumikit na lang at manalangin.

Sana natutulog lang ako!

Ilang sandali pa ang lumipas nang wala ng kakaiba ang nangyari sa paligid. 'Di ko na naaninaw ang liwanag na nakakasilaw. Anong nangyari? Ano? Tapos na 'yon?

Mumulat na ba ako?

So, napagdesisyunan kong magmulat na nga...at halos mapugto ang hininga ko nang makita ang nasa paligid ko!

Nakasalampak ako sa lubak na kalsada na sobrang daming damo sa paligid nito. Maaliwalas ang hangin at ang paligid. Para akong nasa pastulan, ganoon!

Nilibot ko ang tingin ko at puro green ang nakikita ko? Uwah! Ang ganda! Puro mga puno ng kung anu-anong hindi naman pamilyar sa 'kin. Basta! Hindi ko ma explain ko ng ayos.

Tumayo ako mula sa pagkakasalampak at pinagpagan ang aking suot. Nakasimpleng printed shirt at shorts lang ako. At ang masaklap pa ay wala akong tsinelas! Ang malas oh!

Ginala ko ulit ang paningin ko sa lugar na ito. Nagtaka ako nang ang dinadaanan ko lang ang hindi berde at ang lahat ng nasa gilid nito ay puro berde na! Katamtaman lang ang lago ng damo na napakagandang tingnan, may mga malalaking puno ang nakapalibot sa daanan kaya hindi mo mararamdaman ang init.

Kinabahan ako. Baka bigla kong makita sina Adan at Eva. Huhu. Nasaan ba ako?

Sinilip ko ang araw kung mayroon ba. Para kasing hindi man lang ako naiinitan. Tinitigan ko ito. Nagulat ako ng hindi man lang sumakit ang aking mga mata. Hindi ko alam kung anong meron sa araw na rito. Ang astig! Araw ba talaga 'yon?

Napailing na lang ako at nagsimula nang tahakin ang kung saan man patungo ang daan na ito.

Teka, bago iyon.. nasaan ako?

Napatigil ako at napaisip. Kung pagmulat ko, at dito ako napadpad. Ibig sabihin hindi ako nananaginip? Teka! Nasa libro ba ako? Shuta! Nasaan ba ako!

Umangat ang tingin ko sa unahan at nanlaki ang mga mata ko nang matanaw sa hindi kalayuan ang isang napakagandang palasyo! Ano 'yon? May palasyo rito?

"Pupuntahan ko iyon! Baka matulungan ako!" Sambit ko at nagsimula nang maglakad.

Pero ang walangya'ng utak ko ay may bigla na lamang natuklasan! Kung may palasyo sa harapan ng daan na ito--teka, parang nakita ko na rin ito ah.

Tupang ina! Wag niyong sabihin na....na ...nasa libro talaga ako? Nakita ko ito sa libro! Oo tama! Binuklat ko iyon at nakita ko ang larawan na ito!

"Kabanata Isa. Ang paglalakbay.."

Bumalik sa alaala ko ang oras na nasa kama pa ako at prenteng nakaupo.

Nasa libro ako? Paano nangyari iyon? Huhuhu! Gusto ko nang umuwi! Teka..

Bakit hindi ko muna libutin ito? Mukhang magandang adventure rin ito sa akin!

Kaya naman ay nagsimula na akong maglakad kahit na wala akong tsinelas. Lintik kasing librong 'yan! 'Di man lang ako naabisuhan na hihilahin pala ako rito, edi sana nagdala man lang ako ng pagkain diba? Wala pa naman si Dora rito.

Almerie At Ang Mahiwagang Libro (COMPLETED)Where stories live. Discover now