Kabanata 35

122 4 0
                                    

Kabanata 35

Hindi ko alam kung anong oras na akong natutulog pero nagising na lang ako nang maramdamang may humahawi sa buhok ko. Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata at bahagya pang nasilaw sa isang anghel na nakatingin sa akin.

"Nais mo na bang kumain?" Malambing na bulong ng anghel.

Napangiti ako at itinaas ang kamay para haplusin ang pisngi niya. Pinanood ko kung paano siya nagulat habang ginagawa ko iyon.

"Ang guwapo.."

Mahina siyang tumawa kaya natauhan ako. Kinurap-kurap ko ang mga mata at lumayo sa kaniya. Muntikan pa akong mahulog sa higaan nang mapansin kung ano ang puwesto namin. Nakaupo lang naman siya sa gilid ko habang nakababa ang mukha sa akin at hinahawi ang mga buhok ko.

"A-Ano bang ginagawa mo rito?" Bumangon ako at bitbit ang kumot palayo sa kaniya.

Nangunot ang noo niya. "Hindi ba't sinabi kong babalik ako?"

"Ah!" Tumango ako.

Oo nga pala, sinabi niya nga pala 'yon. Akala ko kasi ay hindi na naman matutupad kaya natulog na lang muna ako. Balak ko kasing puntahan si Adam mamayang gabi.

"Nalimutan mo ba?"

"H-Hindi naman." Pasimple ko pang inayos ang buhok ganoon na rin ang suot na bestida.

"Bakit nakatayo ka?" Tumingin ako sa kaniya. Pinagpagan niya ang tabi niya tanda na gusto akong paupuin doon.

Napangiwi ako. Kinakabahan na agad ako tinitingnan ko pa lang ang space noon.

"Halika rito, babae." Muli niyang pinagpagan ang tabi.

Ngumuso ako. "Bakit ba?"

Tumawa siya at naiiling na tumingin sa akin. "Bakit tila nag iba ang iyong tono?"

Kinagat ko ang dila at dahan-dahang lumapit sa kaniya. Hinintay niya ang paglapit ko at siguro hindi na kinaya ang kabagalan ko at hinila niya na ang kamay ko. Muntikan nang lumuwa ang mga mata ko nang mapansin na hindi ako sa higaan ko nakaupo.

Mahabagin..

Ako ho ba ay nakaupo sa kaniyang kandungan?

Oh yes..

"P-Prinsipe.." o diba nautal pa talaga!

"Hmm?" Ibinalot niya ang dalawang kamay sa aking baywang at ipinatong ang baba sa lantad na balikat ko.

Bakit ka ganito? Ano na naman itong pakulo mo? Jusme.

Hindi ako nagalaw, tila naging tuod ako. Kahit na maharot ako at pinapangarap na makaupo sa kandungan ng prinsipe, syempre biro lang naman iyon at sa isip ko lang sinasabi, hindi ko naman alam na makakamit ko iyon ngayon!

Tadhana naman. Ang cute cute mo ha.

Sana ay hindi ako naglaway kanina habang tulog. Sana.

"Hindi ka ba nabibigatan sa akin?" Mahinang tanong ko.

Ramdam kong lumingon siya sa akin kaya bahagya akong tumingala. Ayokong maamoy niya ang hininga ko. Bakit naman kasi lumilingon pa?!

"Hindi. Kay gaan mo naman, para lamang akong nagbubuhat ng sanggol." Malalim ang boses na sagot niya.

May kumiliti sa tiyan ko kaya bahagya kong nahigit ang hininga. Bakit ako parang sanggol? Kasi baby niya ako? Ganoon ba ang mga endearment sa mundo nila?

Sanggol. Okay na rin. Sweet din.

"Bakit naman sanggol?" Kinikilig na tanong ko.

Pinanood ko pa ang dalawa niyang braso na humigpit ang hawak sa tiyan ko. Sige, patayin mo ang mga kulisap, prinsipe!

Almerie At Ang Mahiwagang Libro (COMPLETED)Where stories live. Discover now