Kabanata 8

184 8 0
                                    

Kumusta naman kaya ako?

"Nasaan na ang hari at reyna?" Napatingin agad ako kay Grego. Nakatayo siya sa harapan ko habang may apat na malalaking upuan ang nasa gitna niya.

Lumapit ang isang magandang babae sa kaniya at may ibinulong. Tumango tango naman siya at natahimik.

Napatingin naman ako sa lalaking nasa gilid ko. Sila ang may hawak sa kadenang nakalagay sa mga kamay ko. Nakasalampak lang ako sa malamig na sahig habang nasa unahan ko ang apat na malalaking upuan at ibang mga kawal kasama na si Grego.

Pagkagising ko kasi kaninang umaga ay may pagkain na agad na nakahanda sa aking harapan. Hindi pamilyar sa akin ang mga pagkain ngunit nang kainin ko ay panandalian kong nakalimutan ang kalagayan sa sarap ng mga pagkain. Hindi pa nga ako tapos kumain ay may sumundo na sa 'kin para dalhin ako rito. Ni hindi ako nakatulog ng ayos sa kaiisip kung anong mangyayari sa'kin ngayon tapos hindi ko pa naubos ang pagkain!

Badtrip.

Nagsipagyukuan ang mga kawal kasama na si Grego. Agad naman akong napalingon sa gilid at nakita ko mula roon ang isa-isang paglabas ng guwapong lalaki na may edad na, magandang babae na hula ko ay asawa niya. Seryoso ang mga mukha nila. Hindi man lang nila pinansin ang mga nagsipagyukuan. Dire-diretso ang kanilang tingin. Umupo sila roon sa dalawang upuan sa gitna. May sinabi si Grego at tumango lamang ang lalaki at tumingin sa 'kin.

Nahigit ko naman ang hininga ko dahil doon.  Ano kayang sinabi ni Grego? Buwisit talaga 'to!

Sunod na dumako ang tingin ko sa magandang babae na pumasok mula sa malaking pintuan. Pino ang kaniyang pagkilos. Nakapusod ang mahaba niyang buhok at ang puti niya. Yumuko rin ang mga kawal. Ngumiti lang siya at umupo katabi ng sa hula ko ay nanay niya.

"Nasaan ang iyong kapatid?" Tanong ng babae sa kararating lang.

Sumimangot ito. "Sandali lang daw po, Ina."

Mahinhin na tumango ang babae bago bumaling sa lalaki. Hindi ko maintindihan kung bakit pinapanood ko sila. Baka mamaya pala ito pa ang pumatay sa 'kin.

Nagulat ako nang malakas na tumunog ang pinto at lumabas mula roon ang lalaking mataray at pinagkamalan akong espiya. Hindi ko alam ang pangalan niya at wala akong balak alamin. Buwisit siya!

Ngumiti si Grego at yumuko. Ganoon din ang mga kawal. Maayos ang itsura niya. Nagbigay galang din siya sa mga nauna at tumungo na sa upuan. Pagkaupong pagkaupo niya ay sa akin agad tumama ang kaniyang paningin. Mabilis na umangat ang gilid ng labi niya. Na para bang dapat na matakot ako.

Napaikot ako ng mga mata at inis siyang tiningnan. Akala niya ah? Siya ang may kasalanan. Pinagbintangan niya akong espiya, ni hindi siya naawa sa 'kin kagabi. Napaka ungentlemen! Malala pa siya kay Lance!

"Magsimula na tayo." Sambit ng lalaki. Tingin ko siya ang ama nitong si Mr. Yabang.

Tumango si Grego at mabilis na sinenyasan ang mga kawal na nasa tabi ko. Tumaas ang kilay ko nang higitin nila ang kadena na nasa kamay ko at pinalapit sa unahan. Pinigilan kong masapak ang dalawang lalaking humihigit sa ckin.

Napangiwi pa ako nang basta na lang nila akong binitawan. Parang 'yong ex boyfriend ko.

Eww.

"Magandang umaga sa'yo." Nagulat ako nang batiin ako noong lalaki. Tumayo siya at nagsimulang lumapit sa 'kin. Wala siyang reaksyon sa mukha. Hindi ko tuloy alam kung anong iniisip niya.

Tumigil siya sa harapan ko. Tiningala ko naman siya dahil nakaluhod ako. Sumenyas siya sa aking mga katabi at sa isang iglap nakatayo na ako habang hawak nila ang parehong braso ko.

Almerie At Ang Mahiwagang Libro (COMPLETED)Where stories live. Discover now