Kabanata 43

121 2 0
                                    

Kabanata 43

Nagpatuloy ang paglalakad namin sa tila walang katapusang gubat. Tiningnan ko si Chia na hindi alam kung saan liliko, sa kanan ba o sa kaliwa. Lumingon siya sa amin.

"Ano nga ba ang sinabi ng Mahal na Prinsipe?"

Nangunot ang noo ko. Nilingon ko si Adam na bahagyang inayos ang puwesto ko. Napanguso ako. Sinabi ko sa kaniya na ibaba na ako at kaya ko na naman ang maglakad pero hindi siya pumayag. Baka lalo raw kaming magtagal.

"Sinabi ng Mahal na Prinsipe na diretsuhin lamang ang gubat na ito at makalalabas tayo sa ilog ng haide." Buo ang boses na sinabi niya.

Medyo naguluhan naman ako at bakit binanggit nila ang Mahal na Prinsipe.

"Teka-"

"Sandali. Huwag kayong maingay." Putol sa akin ni Sandro.

Nilingon namin siya at maya't maya siyang tumitingin sa paligid.

"Kanina ko pa naririnig na may kumaluskos." Si Sandro.

Mabilis na lumapit sa amin si Chia na halata sa mukha ang kaba. "May kakaiba akong naamoy, Adam." Bulong niya sa lalaki.

Rinig ko ang pagmumura ni Adam nabigla pa ako nang marinig na pumuputang-ina siya? Halla.

Alam pala nila iyon? Akala ko ay hindi dahil hindi ko pa iyon naririnig sa kahit sino sa kanila. Ngayon pa lang.

Napasigaw si Chia nang biglang may lumabas na dalawang kawal sa harapan namin at may hawak na espada.

"Saan ninyo dadalhin si Amelia?!" Malaki ang boses na tanong nung nasa harap ni Chia.

"Mabuti na lamang at tama ang Mahal na Hari na tatraidurin tayo ng Mahal na Prinsipe." Nakakatakot na sinambit nung katabi niya.

Nanlaki ang mga mata ko at muling napalingon kay Adam nang bigla itong nagmura.

"Nasaan ang Mahal na Prinsipe?!" Dumagundong ang boses na iyon ni Adam sa buong gubat.

Napahawak ako sa kaniya at sabay-sabay kaming napaatras nang biglang dumami ang mga kawal na pumapalibot sa amin. Tiningnan ko ang gilid at mayroon na rin sa harapan ni Sandro.

Tumawa ang isang lalaki. Niliitan ko ang mga mata ko para tingnan kung si Farah ba iyon ngunit hindi ko sila kilala. Handa na sana akong paliyabin siya ng literal kung siya talaga si Farah. Namumuro na siya sa akin e.

"Kinalaban niya ang Mahal na Hari. Ayun at bagay lamang sa kaniya ang makulong!"

"Isa kang lapastangan!" Sigaw ni Adam at nagulat ako nang mabilis niya akong naihagis kay Sandro.

Tupa, Adam!!

Buti na lamang at ligtas akong nasambot ni Sandro. Gusto ko sanang batukan ang kapatid ko kung hindi lang ako natigilan sa kaniyang itsura ngayon.

Pinalilibutan siya ng kulay berdeng liwanag na tila nagliliyab. Nag iba rin ang ayos niya at parang hindi ko na siya makilala. Kitang-kita ko kung paano niya hinila palapit ang nagsalita noon sa prinsipe at hinagis sa kung saan. Dinig ng lahat ang pagsigaw noon sa sakit. Umatras ang mga kawal na nakapalibot sa amin sa takot na baka sila ang sunod na humagis sa kung saan.

Ibig sabihin..

"Nasa kaniya ang berdeng bato." Tulalang sinabi ni Sandro.

Tila may pumitik sa utak ko. Kung ganoon ang sinasabing bato ay ang mga kapangyarihang taglay ng isang tao?

Nasa akin ang pula, nasa kaniya ang berde. So that means na nasa prinsipe ang asul.

Oh my god! Tumatalino na ako! Bakit ngayon ko lang napagtagpi-tagpi ang mga ito?

Almerie At Ang Mahiwagang Libro (COMPLETED)Where stories live. Discover now