Kabanata 44

123 4 0
                                    

Kabanata 44

"Malayo pa ba tayo?" Si Sprite habang hinahawi ang matataas na damo na dumidikit sa kaniyang binti.

"Kaunting lakad pa." Sagot ni Sandro habang buhat pa rin ako.

Wala na yata akong ginawa kundi magpabuhat!

Napansin ko ang sugat niya sa may bandang dibdib. Hinawakan ko 'yon kaya gulat siyang napatingin sa akin.

"May sugat ka."

"Alam ko." Tumawa siya at inayos ang pagbuhat sa akin. "Puwede bang maglakad ka na? Ang bigat mo."

Ngumuso ako kaya tumawa silang dalawa ni Sprite. Asa pa akong tumawa si Honey. Nanatili lamang sa ganoong ekspresyon ang mukha niya mula noong una ko siyang makita.

"Ibaba mo na ako. Kaya ko na naman." Sambit ko kaya lalo siyang tumawa. "Ako na nga nagmamagandang loob para hindi mahirapan!"

"Hindi na. Baka lalo tayong matagalan."

Sumimangot ako at lumingon sa likuran. Kumusta kaya sila Adam at Chia? Ligtas ba silang dalawa? Eh ang prinsipe kaya?

Sinabi nila Sprite kanina na kaya bumalik sina Chia at Adam ay para tulungan ang prinsipe na makatakas ngayong gabi.

"Nakikita ko na sila." Napalingon ako sa unahan dahil sa sinabi ni Sandro.

Nanlaki ang mga mata ko nang makitang may tatlong tao ang nasa unahan ng ilang kawal na nasa likuran nila. Nang napansin nila kami ay agad na nagsilapitan ang mga kawal para siguraduhin na walang nakasunod.

Bumagal ang lakad ni Sandro nang matanawan ko ng mas malinaw ang mga taong nag-aabang sa amin.

Naroon sina Delailah at ang isa pang babae na hindi ko kilala na sa tingin ko ay ang isang manggagamot mula rito katabi niya si Selena. Bumuhos ang luha ng isang babaing may magandang kasuotan na sa tantya ko'y kasing edad lang ng Mahal na Reyna sa kahariang Sawyerstone.

"Amelia!" Sumigaw siya at biglaang tumakbo para salubungin kami.

Tumigil si Sandro sa paglalakad at marahan akong ibinaba. Nanatili ang hawak niya sa akin upang maalalayan ako.

Tumigil ang ginang sa harapan ko at naluluha akong pinagmasdan.

"Ang anak ko.." nanginig ang mga labi niya at hindi alam kung saan ako hahawakan.

Tumingin ako sa likuran niya nang makitang palapit si Franco Crista. Nakataas ang kilay niya sa akin at maloko akong pinagmamasdan ngunit naroon ang galak sa kaniya.

"S-Sinabi na sa akin ni Delailah ang lahat.." umiyak ang Ginang. "Naging maayos ba ang trato ng mga kumupkop sa iyo?"

Naalala ko sila Tita Altheena at Tito Jerry ganoon na rin si Jaymin kaya nag-init ang mga mata ko at tumango.

"Sobrang bait po nila."

"Natatandaan mo ba kami, anak?" Nanlalaki na ang mga mata niya para mas titigan ako kaya bahagya kong nakagat ang pang-ibabang labi.

Tumango-tango ako. "O-Opo, ina."

Nang sambitin ko iyon ay lalong dumami ang pagtulo ng mga luha niya. Mabilis niya akong hinigit at niyakap ng mahigpit. Nakaramdam ako ng sakit sa gitna ng sayang nararamdaman ko.

Ang tagal kong nawalay sa kanila. Akala ko noong una tunay na kamag-anak ko sila Tita at totoong namatay lamang ang aking mga magulang kaya sa kanila ako dinala. Ilang taon ko iyong pinaniwalaan. Nakuntento ako sa kung anong meron ako at hindi na nagtangkang manisi at magtanong.

Iyon pala ganito pala ang buhay na tinakasan ko. Hindi ko inakalang isa akong prinsesa. Ang mukha kong ito na laging kinaiinisan ng mga schoolmates ko ay isa palang prinsesa pero mamatay din kalaunan.

Almerie At Ang Mahiwagang Libro (COMPLETED)Where stories live. Discover now